The 108th Shopa

1.5K 124 58
                                    

DENNIS POV

Napakusot ako ng mata, sinisiguro ko kung si Threz ba talaga tong nasa harapan ko.

"Nakita kita kanina, mag isang naglalakad" humarap ito sa karagatan, "Kaya naisipan kong sundan ka, pero kung gusto mo mapag isa"

"Sige na.." humarap din ako kung saan siya nakatingin. "Gusto ko rin ng makaka usap"

"Gusto ko sana mag sorry" panimula niya. "Nung una kitang makita, alam mo ba sabik na sabik akong lapitan ka"

"Pero di mo nagawa kase nilagyan mo agad ako ng sungay sa paningin mo"

"Gusto ko gumanti ka sakin, sapakin mo ako"  inismiran ko lang siya.

"Sapat na sakin mapagtanto mo lahat ng mali na pinaniwalaan mo"

"Para sakin hindi parin, kung may sapat man hindi yung napagtanto ko lang ang mga bagay.. Mas mainam kung ipamukha mo pa sakin yun"

"Ano bang gusto mong gawin ko?" bigla niyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko.

"Sigawan mo ako, sabihin mo yung mga gusto mong sabihin"

"Para saan pa" medyo ngumiti ako kase, nakatitig siya sa akin. Ang lapit na ng mukha namin, naamoy ko yung ulam na kinain ng bawat isa.

"Para maramdaman ko yung boses mo, na tatama sa mukha ko" ngumiti siya, amputi ng ngipin niya.

"Bat kailangan mo naman  ng boses ko, mas maganda ang boses mo"  sabi ko naman. Patuloy kame sa pagkakatitigan.

Mahina kong sinapak ng bahagya yung pisnge niya, sabay nag iwas ako ng tingin.

"Ayan sinapak na kita, quits na lahat" sabi ko.

Ang saya ko lang dahil nagkakausap kameng dalawa, andami kong gustong itanong sa kanya. Yung paglisan niya ng wala halos paalam.

Kita ko bigla siya na inaayos yung mga kamay sa korte ng ibon na pinadapo pa niya

Tumingin ako dun sa pampang kung saan nagrereflect, yung anino ng hinulma niyang ibon.

Tumingin ako dun sa pampang kung saan nagrereflect, yung anino ng hinulma niyang ibon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon