The 20th Shopa

2.5K 107 4
                                    

DENNIS POV

Nasa kilig moments ang buhay ko ng mga oras na yun dahil sa binabasa kong Wattpad story ng biglang may humablot ng cellphone ko!

'Magnanakaw?!'

((0___0))—D

Gulat akong napatingin sa harap ko. Bigla akong nakahinga ng maluwag ng makita ko si Kuya Uno na nasa harapan ko. Hawak ang cellphone ko at salubong ang kilay.

Nakasaksak pa sa cellphone ko yung headset kaya parang nakatali ako kay kuya hehehehe.

Sumenyas siya na tanggalin ko daw yung nakasalpak saking tenga. Hehehehe ayoko nga. Nakavolume kase yung sound ng nakakaLLS na song sa aking tainga. Sometimes ni Britney Spear!

Nakarepeat yun sa player ko. Paulit ulit habang binabasa ko ang nakakabaklang kwento ni Deib Lohr at Maxpein.

Umiling ako kay kuya sabay ngiti. Hinihingi ko yung cellphone kong kinuha niya. Lalong sumalubong ang kilay niya. Drama lang ito ni Kuya--- Dameng arte.

Pero nagulat ako ng biglang bunutin ni kuya yung headset sa cellphone ko. Hehehehe parang tanga dapat kanina pa niya yun ginawa ee.

((^___,^))—O

Pero kainis kase nabitin yung pagbabasa ko ee. Hmmmmmp kuya naman e. Tinanggal ko na rin yung headset at tsaka binulsa yun.

"Kuya naman e" ako na parang naiinis kunwari.

"Bat ka natawa mag-isa?" parang nagtataka niyang tanong. "Nababaliw ka na ba bunso?" nakasimangot itong tumabi sa kina-uupuan ko.

"Lah. Si kuya oh anong nababaliw ka diyan?" sabay kuha ko sa cellphone sa kamay niya. Nakuha ko naman agad yun.

"Kanina pa kase kita tinatawag. Tapos di mo ako pinapansin. Nung nilapitan kita... Abay kinilabutan ako ng makitang natawa ka tapos may binubulong ka pa.. Nasobrahan ka na ata sa jogging bunso"

"May binabasa kase ako kuya ko.." kwento ko kay kuya. Napakunot ang noo niya. "Wattpad kuya ko.." sabay ngiti ko. "Alam mo yun?"

"Anu yun?" iritang tanong nito. Napakahayblad naman nito, nagtatanong lang siya. Hindi alam ni kuya yung Wattpad hehehehe. Old man ang wala.

((^___,^))

"Electronic book app yun kuya ko" kwento ko sa kanya. "Dun pwede ka magsulat ng kwento at kung gusto mo naman magbasa ka lang" pagtutuloy ko. "Pero pwede ring reader at writer ka at the same time"

Inis siyang tumingin sa akin.

"Bunso babae lang mahilig magbasa ng kwento" bigla akong kinabahan sa sinabi ni Kuya. Hala anong pinupunto nito? Na hindut na bakla ako, dahil nagbabasa ako ng kwento sa wattpad?

As if naman nagbabasa ako ng M2M story dito. Actually nagbabalak palang ako magsearching hehehehe.

"Kuya naman.." napa-iwas ako ng tingin. "Babae lang ba ang pwedeng magbasa?" ani ko na parang kinakabahan parin. "Eh di sana babae nalang ang istudyante sa Filipino pag Noli at El Fili na ang topic"

Napangiti siya sabay akbay sa akin.

"Sige na, talo na ako" aniya. "Pero bakit ka kase panay ngiti mag-isa?" tanong niya naman. "Mukha ka tuloy tanga bunso"

"Kase kuya dahil nga dun sa binabasa ko.." sagot ko naman.

"Ano bang nangyayari dun sa Binabasa mo?" nagtatakang tanong niya sa akin. Napangiti tuloy ako ng maalala ko yun.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon