The 113th Shopa

1.3K 132 40
                                    

LUCARIO'S POV

"Last 30 minutes!" pagpapaalala ni Sir Chris.

Napasulyap ako sa grupo nila, hindi parin siya nakatingin sa akin. Bakit kaya? Umiiwas siya sa akin.

Tuwing may ginagawa at pinaparingig si Jannete ay sinusulyapan ko siya, pero parang wala siyang pake.

Sanay akong nag seselos siya, para mamaya ay papakiligin ko nanaman siya.

Kitang kita ko sa kanila ngayon na nagkakagulo sila, anong nangyayari?

"Baka gusto mong tulungan siya" tapos padabog na dumaan sakin si Jannete. Tinignan ko siya "Puntahan mo na total parang mas gusto mo sa grupo nila kesa sa grupo natin"

"Walang ganun" sabi ko.

"Ewan ko sayo" pinagsusungitan niya ako.

Lumapit ako at tinulungan siya.
"Patikim naman ng niluto mo para sa akin" nasabi ko para mawala ang galit niya.

Namangha siya sa sinabi ko Agad siyang lumspit sa akin at hinawakan amg kamay ko.

"Talaga Lee.." mamamataan mo yung kislap sa kanyang mga mata.

"Yes"

Mabilis siyang kumilos at kinuhaan ako ng sample ng luto niya. Habang mga kagrupo namin ay inaayos na yung ulam sa binigay na lagayn nung mga hurado.

Pinaupo niya ako sa buhangin at sumunod siya habang hawak yung ulam na nasa plato.

"Subuan kita hehehe"
'Tsssss..'

"Buka mo bibig" binuka ko ng bahagya yung bibig niya. Kumuha na siya dun sa plato at sinubuan na ako ..

Uhmmmmm, masarap din. Marunong pala siya magluto

"Subuan mo din ako" biglang sabi niya naman. "Pleaseee" pinagtitinginan kame ng mga kagrupo namin.

Tuwang tuwa naman siya.

Kinuha ko nalang yung kutsara at kumuha ako ng maliit na piraso nung manok at konting sarsa.

Itinapat ko na yung kutsara wala na akong sinabi pa. Ngumanga naman siya pagkatapos sinubo ko na sa kanya yung ulam.

"Ayieeeeeeeeeeeeeeee" malakas na panunukso ng mga kagrupo namin.

Agad kong tinignan yung pwesto ni Dennis, hindi siya nakatingin sa akin. Pero kitang kita ko parang anh bigat ng iniisip niya.

Muli akong lumingon..

'Muapxx'

Gulat ako ng dumampi ang labi ni Jannete sa labi ko.

Hindi ko alam, pero muli kong tinignan si Dennis at nakatingin siya sa akin.


CARLITO'S POV

Agad kong hinanap si Silver, yun ang pakilala niya sa akin. Gusto ko siya makausap at gusto ko malaman ang susunod na plano, once mapa alis na namin si Hernandez dito sa Isla.

Ang alam ko nagpaiwan siya sa malaking tent ng mga Teacher, nasa may main beach yung halos lahat mg organizer kaya naman wala talagang katao tao sa gawing ito.

Pagkatapos kong mauto yung Jannete Hahahaha, agad na akong pumunta dito babalik nalang ako pag huhusgahan na ang kapalpakan ni Hernandez, wala na siyang magagawa pa Hahahaahha.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon