The 72nd Shopa

2.8K 172 44
                                    


GANNY' S POV

Anong nangyayari sa taong ito? Kanina ayos na ayos kame pero ngayon di ko maintindihan kung bakit nagbago nanaman ang mood niya.

Nakaka-inis lang habang naglalakad ako mag-isa siya naman ay nasa likuran ko. Humihinto ako tapos tinitignan ko siya, humihinto rin siya at nakatingin sa malayo. Minsan bago ako lumakad ulit ay iniiwanan ko siya ng nakasimangot na tingin.

Magpapasensiya ako para diyan sa kaartehan mo Dennis.

Hanggang sa tuluyan na nga kameng makarating kung nasaan sila Brenth, pagkapasok ko ay nakita ko si Brenth at Dhanny na magkatabi sa upuan habang nasa iisang lamesa.

"Diba iniwan ko kayo kanina sa steak house?" tanong ko kay Brenth. Tinignan ko naman si Dhanny na tahimik lang na kumakain sa tabi. Pero nagulat ako ng may makitang sugat sa bandang labi niya. "What's on your lips?" tanong ko.

"Nabunggo daw sa pinto ng banyo Bro" si Brenth na ang sumagot. "Asan nga pala si Dennis?" tanong niya sa akin. Di ko pwedeng sagutin to ng pagalit, si brenth kase ang kumontak sa akin at nagtanong kung anong problema naming dalawa.

Siyempre umamin ako, pero maliban nalang sa nagawa ko ring kasalanan.

Tumingon kunwari ako sa likuran. "Ah nagbanyo ata" pagsisinungaling ko. "Sige puntahan ko muna" umalis ako sa kinauupuan at lumabas sa Pizza House. Agad ko siyang hinanap at nahuli ko siyang may kausap na isang magandang babae na may kasamang isang bata na medyo may laman ang katawan at parang may pagka intsik.

Agad akong lumapit sa kanila.

"Kasama ko po Mam yung kuya ko" ringig kong paliwanag ni Dennis sa babae.

"Ah okay.. maaga pa ang pasok niyo bukas umuwi ka na rin" seryoso namang sabi ng babae.

"Thank you po mam.. ang cute po ng anak niyo" sabi naman ni Dennis. Tama rin naman ako, nasa harap kase sila ng banyo siguro galing nga sa CR si Krib O' papunta palang ng makasalubong niya ang teacher na ito.

Teacher? So nagtatrabaho siya sa school namin?

"Ah he's Max Christer.." sagot nung babae. "Nak He is one of my student in biology" sabi naman nito sa anak niyo.

"Hi.." sagot nito kay Dennis.

"Sige mauna na kame.." Umalis na yung babae kasama yung anak niyang nakapamulsa pa.

Mula sa pagkakahinto ay lumapit ako kay Krib.

"Teacher mo Krib?" nakangiti kong tanong ng humarap ako sa kanya. Tila ikinagulat niya pa yun.

Sumiring yung mata niya at tumalikod papuntang banyo.

"Alangan naman Nanay ko.." pagsusungit niya. Ang sungit talaga nitong mahal ko oh. Humanda ka sakin mamaya sa inyo pa naman ako makikitulog ngayong gabi!

Di ko na siya sinundan sa banyo, hinitay ko nalang siyang makalabas. Medyo ang tagal aa? Papasok na sana ako ng may mga binatilyong lumabas sa banyo. Panay ang mga tawanan nito.

Hindi ko alam pero parang naiinis ako sa ideyang andun rin si Dennis.

Maya'maya naman ay nakita ko na rin si Dennis. Seryoso siyang naglalakad pero ako ay tinapunan siya ng masamang tingin.

Pero dirediretso lang siya at di niya ako pinansin.

"Ay sungit mo naman, porket dami mong nakasabay sa banyo ganyan ka na" sabi ko sa kanya. Kahit may mga taong dumaraan na pakonti konti.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon