The 73rd Shopa

2.7K 169 37
                                    

GANNY'S POV

Dahil walang masakyang jeepney sa oras na iyon, napagpasyahan nalang naming apat na magtaxi. Hindi lang ako masaya dahil naupo si Dennis sa unahan tabi ng driver habang kameng tatlo ay nandito sa likuran.

Nag-iinarte talaga siya, yun ang napapansin ko sa kanya. Dala pa ito siguro ng nalaman niya kanina. Hindi ko siya masisisi, siguro para sa kanya nga ay masakit ang ganun. Pero sana naman intindihin niyang pinagsisishan ko na ang bagay na iyon at heto ako galing sa America, umuwi dito sa Pilipinas para humingi ng tawad sa kanya.

Nahihirapan tuloy akong sabihin yung kondisyon na sinabi ni Zhabby para sa bakasyon kong ito. Paano pa kaya kung malaman niya yun?

*****

Wala man masakyan, pero mabilis ang naging byahe namin pauwe. Mga alas dyes na ng makarating kame sa bahay nila. Pagdating namin dun ay, tanging yung katulong nalang nila ang gising.

Agad kong sinenyasan si Brenth na gusto ko matulog sa kwarto ng kapatid niya. Pumayag naman siya.

Sabay sabay na kameng pumasok sa bahay.

"Where's the kitchen?"

Napahinto kame ng biglang yun ang bungad na tanong nitong magaling kong kapatid. Nakakahiya talaga!

"Umayos ka nga!" pagsaway ko dito. "Kitchen kitchen, kakain mo palang aaa?" inis na tanong ko sa kanya.

"There Dhanny.. andun yung kusina" bigla akong napatingin kay Dennis ng sagutin niya ang tanong ni Dhanny.

"Ahhh okay just asking.." Tapos tumingin si Dhanny kay Brenth. "Where's my room Mr. Brenth?" tanong niya dito.

"At the second floor Dhanny.." sagot naman ni Brenth na bumaling sa katulong nila. "Manang kayo na po bahala magsara sa mga pinto.."

"Sige iho.. matulog na kayo at maaga pa ang pasok niyo bukas" sabi nito. "Tsaka mukhang antok na yang mga gwapo niyong bisita.. Lalo na itong batang ito" pagtukoy niya kay Dhanny na pinisil ang pisnge.

Sabay alis na harap namin. Bakit ako hindi ba ako gwapo???? Bat di niya ako pinuri?? Mga gwapong bisita nga diba! Eh di kasama na ako dun!

"Bro gusto mo magkatabi na kayo ni Dhanny sa Guest Room?" agad kong sinamaan ng tingin si Brenth. "Oh?" aniya pa.

"Diba nga dun ako sa kwarto ni.." sabay tingin ko kay............ "Asan na siya?" inis na nasabi ko.

"Okay Kuya let's go to the Guest Room.. I'm tired and I need to nap for a long" sabi ni Dhanny na umakyat na sa hagdan. Parang bahay niya lang!

"Brenth! Asan na si Dennis?" mahinang tanong ko kay Brenth. Tumawa naman siya.

"Kanina pa umakyat, hehehehe di mo napansin?" nakangiting tanong niya.

"Pre naman oh, akala ko ba tutulungan mo ako! Eh parang pinagtatawanan mo lang ako ee" inis na sabi ko sa kanya.

"Eh bakit ba kase ganun nanaman yun si Bunso?" tanong niya naman sa akin. "May ginawa ka nanaman noh?"

"Ewan ko dun sa kapatid mong yun.. sinupladahan ako bigla, bigla nalang di ako pinanasin" pagkwento ko. "Eh kanina namang pagharap namin, todo yakap pa.."

"Initial reaction lang yun ng makita ka, hanggang sa mapagtanto niyang marami ka palang kasalanan! Hahahaha pabayaan mo na, nagpapalambing lang yun sayo"

"Eee kaya nga gusto ko tumabi ngayon sa kanya" sagot ko.

"Wag na baka magalit lang yun, tsaka maaga pa pasok nun. Dun na kayo sa Guest Room.. ayos naman rin dun" sabi niya sabay lakad na sa hagdan.

"Hey.." si Dhanny naman ay parang antok ng nakaupo sa hagdanan.

"Brenth naman Oh.." pagpipilit ko sa kaibigan ko. "Dali na.. namiss ko yung kapatid mo"

"Uy.. alam kong meron na kayong nagawa ng kapatid ko pag kayo lang sa kwarto.." sabi nito. "Dahan dahan lang.. marami pa namang araw"

Bigla tuloy akong nailang..

"Brenth naman ee.. hindi naman sa ganun"

"Oo na.." sabay buntong hininga. "Dun kana sa kanya, bigay ko nalang sayo susi. Panigurado nanara yun"

"Bait mo talaga Bro.."

"Si Dhanny naman sa kwarto ko nalang, baka di sanay yan mag-isa" sabi ni Brenth.

"Pabayaan mo na yan.. okay na yan kahit sa sahig ng sala" pagbibiro ko.

"Grabe to sa kapatid niya ohh.."

"Hehehe tara na Brenth.. antok na ako ee"

At umakyat na nga kame. Binigay sa akin ni Brenth yung kopya ng susi ng kwarto ni Krib, habang sila naman ng kapatid ko ay magsasama sa iisang kwarto. Kinuha ko rin yung cellphone ko at tinext ko si Kuya Joel para ihatid ang isang surpresa ko kay Krib bukas ng maaga. Then naglakad na ako papuntsa kwarto ng mahal ko.

Heto na ako Krib...

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon