The 38th Shopa

1.9K 90 1
                                    

DENNIS POV

Malapit na ako sa bahay ng biglang sumagi sa isip kong iwan nalang tong pusang to sa may kalsada. Pero nakaka-awa naman yung rich cat magiging pusakal..

Tsaka di ko maatim na gawin yun dito sa cute na pusang to. Adik ka lucario! Bat mo iniwan tong pusa mo sa akin? Wala ka na bang maipakain sa matakaw na to kaya't iniwan mo sa akin?

Kainis!

Pero habang pinagmamasdan ko ang tulog na pusa sa may rope bag ay bigla akong natutuwa. Parang naiisip ko tuloy na nagexchange goodbye gift kame ni Lucario.

Sa kanya yung Keychain sa akin naman tong si Maulee.

Wala na akong magagawa. Pareho kameng merong pabor na hiniling. Siya ay ang paghabilin na alagaan ko ng mabuti tong pusa niya.

Habang ako naman ay ang pabor na iwasan namin ang isat isa. Pero bakit ganun? Parang ang unfair?

Nasasaktan ako sa hiniling ko. Parang angdali lang sa kanya, Hayop talaga siya. Ginamit niya lang ako para sumaya siya ngayong Birthday niya! GINAMIT NIYA ANG YAKAP KO AT ANG HALIK NG LABI KO!

"Meow.." napatigil ako ng maringig ko ang ngiyaw ni maulee. Tinignan ko ang kawawang pusa na iniwan ng kanyang mangagamit na amo.

Hindi ko nababasa ang sinasabi ni maulee. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam niya na rin kaya ang nangyayare? Ang pag-iwan sa kanya ni Lucario?

"Tulog ka ulit.." sabay haplos ko sa ulo niya. "Simula bukas ako na ang amo mo.." pansin ko ang pagkakatitig niya sa akin. "Kaya magtino ka kung ayaw mo maging palaman ng siopao.." paninindak ko.

"Meow.."

'Wag po.. baklang walang dede'

"Anong sabi mo!"

"Meow.."

'Sabi ko po, masusunod po pinakamagandang bakla sa balat ng tigang na lupa..'

"Hayyyst! Di ka ba natatakot sa mga pinagsasabi mo sa akin? Pagbibigyan kita ngayon.. Pero pag ganyan ka pa bukas! Papasagasa na kita sa kalye! Alalahanin mo galit ako sa Amo mong mangagamit!"

"Meow.."

'Wala po siyang kasalanan.. nag-assume ka lang po talaga'

Bigla akong napahinto dahil sa huling sinabi ni Maulee sa aking isipan. May punto siya, kasalanan ko ito. Dahil gumawa agad ako ng tuldok sa pangungusap na nililikha namin ni Lucario.

Tumingin ako sa kalangitan. Kita ko ang bilog na bilog ng buwan, Hugis siopao. Sarap ipalaman itong matabil na pusa.

Tsk!

((--___--))

Bukod kay Bonsi at Krab the Stuff Toy's meron nanaman akong bagong anak. Inanakan nanaman ako nitong si Lucario ng alala-ala.

*****

Muling nakatulog si Maulee, malapit na ako nun sa bahay ng maalalang ginabi pala ako. Patay nanaman ako neto..

Sana wala dito si Kuya Clifford sana nagovertime nalang siya sa office.

Nasa harap na ako ng gate at papasok na sana nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko.

Parang tumigil ang mundo ko dahil sa kakaibang kaba. Ewan ko ba, di ko pa naman nakikita kung sino ang tao sa likod pero grabe ang kabog agad ng sistema ko.

Mabilis kong inalis ang kamay na nasa balikat ko at hinarap ko siya.

Pakiramdam ko ay matutumba ako sa sobrang takot ng makita ko isang pamilyar at nakakatakot na mukha.

Nasa likuran niya ang maliwanag na buwan. Nakasuot ng itim na dyaket tulad ng suot niya ng makita ko siya sa may Saani Road.

Lalong nagbibigay takot sa akin ang mga ekis ekis na peklat sa kanyang mukha.

"Dito ka pala nakatira.." sabi niya sabay lapit sa akin ng todo, nilapit niya ng todo ang mukha niya sa mukha ko. "See you soon.." nakakatakot na aniya kasabay ng tila pagbuga ng nakakakilabot na hininga. "In hell.."

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon