The 14th Shopa

2.4K 95 0
                                    

BRENTH'S POV

Mag-gagabi na pero wala parin si bunso. San nanaman kaya nagsusuksuk yun? Paalam niya sa amin e, mga hapon uuwe na daw siya.

Kaninang umaga pa siya wala dito sa bahay. Kaya naman wala rin akong naka-usap na matino dito sa bahay.

Hanggang ngayon kase ay hindi parin ako pinapansin nila Kuya Uno at Topher. Ayoko naman ipilit ang sarili ko, kaya hihintayin ko nalang ang oras na maging bukas na ang isipan nilang may kapatid silang kaya silang protektahan hanggang sa kamatayan—Hangang sa makapatay ako ng tao.

Wala parin kuryente sa parteng street namin. Nakakayamot nga ee, sobrang init sa loob ng kwarto. Hindi ako sanay na hindi bukas ang Aircon.

Pero sabi naman ng Meralco ay mga bukas ng gabe babalik narin daw ang suplay ng kuryente.

At sana totoo yun.

'Tsk!'

Lumabas ako sa bahay at naglakad lakad na muna. Magpapalamig muna ako sa 7 Eleven. May Generator kase sila kaya bukas parin ang convenient store. Tsaka dun ko narin hintayin si bunso.

'Hangang dito ba naman?!'

((>____>))

Nakaramdam ako ng konting inis ng maramdaman kong may nagmamatyag sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong may mga matang nakasunod sa akin.

Pero iba ang isang ito.

Parang masyadong malapit sila ngayon kumpara ng mga nakaraang pagmamatyag. Kahit papa-anoy kinakabahan ako.

Mabilis silang kumilos kaya di ko agad mahuli kung sino sila. Pero alam ko'y dalawa silang mga ungas!

Wag lang silang papahule sa akin.

Bigla akong napahinto ng maramdaman kong may mosyon na kumilos pagilid sa magkabilang gilid ng kalsadang madilim, habang ako naman ay nasa gitna ng kalsada.

Napakuyom ang mga kamao ko.

"Lumabas kayo diyan" lakas loob kong tawag sa kanila. Wala rin kaseng tao ngayon sa kalsada. Parang ghost town nga dito sa village sa sobrang katahimikan.

Bigla akong napatingin sa kaliwa ng mapansin kong may lumabas! Kita ko ang anyo ng isang lalaking nakatayo at nakamasid sa akin.

'Peste! Masyadong madilim kaya di ko siya makita!'

"Putcha!" naisigaw ko ng maramdaman ko ang pag-ipit ng mga bahaging kamay sa aking leegan. Agad ko naman ikinilos ang mga kamay ko, pero bago ko yun maitama sa taong nasa likuran ko ay nahawakan niya agad yun ng walang kapagod pagod!

Gamit ang isa niyang kamay ay hawak niya ang mga kamay ko!

'Tang-ina! Sino tong mga to!'

"Bitawan mo ako.." gigil na sabi ko. "Kundi ---"

"Mapapatay mo kame?" tila natatawang bigkas ng taong nasa harapan ko. "Weh di nga?" ang boses na yun? Ang boses ng isang makulit na tao! Isa sa mga boses na di ko makakalimutan sa Tropa!

'Teroy?!...'

"Walanjo! Umayos ka Teroy.." sigaw ko. Kasunod nun ang malutong na tawanan, pati ng taong nasa likurang humahawak sa akin!

Agad akong umalis sa pagkakahawak ng tao sa likuran ko. At ngayon ay nasa harapan ko na sila.

Madilim—Kaya di ko kita!

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon