The 130th Shopa

1.2K 138 125
                                    

BRENTH'S POV

Hinanap ko kung nasaan si Bunso, ngayon ang dating niya galing sa isla.

Dito sa may Mall of Asia daw siya nagpababa sa service ng DMA. Kanina ko pa siya tinatawagan, ang sabi niya ay nasa hintayan lang daw siya ng mga bus.

Hindi naman nagtagal ay nakita ko siya, naka upo. Bagsak ang balikat at tulalang nakatingin sa  higanteng Metal Na Globo ng MOA.

Medyo dumidilim na kaya siguro di niya ako napapansin na nasa tabi na niya ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Medyo dumidilim na kaya siguro di niya ako napapansin na nasa tabi na niya ako.

Kinagulat ko ng makitang nagpupunas siya ng luha sa kanyang mga mata.

Agad akong lumapit sa kanya sa inuupuan niyang concrete bench, gulat siyang nakita ako. Mabilis na nagpunas ng luha. Tinitigan ko siya, gusto kong maintindihan niya ako at sabihin sa akin ang problema.

Ngumiti siya ng pilit.
"Kuya, nandiyan ka na pala" kahit itago niya ang totoong nararamdaman ay di niya ako maloloko.

"Ou kanina pa, kasabay niyang mga luha mo"
Kinuha ko ang bag niya at binitbit ko 'yon. "Tara na uuwe na tayo"

Gusto kong siya ang magsalita, may duda na ako sa kalungkutan niya. Pero nagtitiwala akong hindi ganun 'yon kalaki.

"Kuya, gusto ko muna dito" tumabi siya sa akin. Naglalambing, bumuntong hininga ako.

"Kumain ka na ba" tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"Gutom na nga po ako eh" na hinawakan pa kunwari ang tiyan. Magsalita ka na, alam kong may problema ka.

"May dapat ba akong malaman" inilayo niya ang tingin sa akin. "Kinakausap kita"

"Ahh meron kuya" muli siyang nagbigay ng pekeng ngiti. "Isa ako sa nanalo dun sa Camp" Pinakita niya ang kwintas na ang nakasabit ay hugis Isla. "May Twenty thousand akong makukuha kuya"

Gusto kong humanga sa kapatid ko, pero nag aalala parin ako sa ekspresyon ng mukha niya. Mukhang hindi siya masaya.

"Kung nanalo, bat ganyan ang mukha mo" tanong ko.

Pansin ko na may mga bangas din siya. Pero nakwento na niya sakin yun kanina habang nagvideocall kame.

Marami daw talagang challenges, kaya hindi daw maiwasan na magkasikuhan at minsan magkasakitan.

"Diba, nasabi ko na sayo kanina kuya"

"Iba ang tinutukoy ko, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin" tinalikuran ko siya. "Kung may itinatago ka, sabihin mo sakin. Dahil andito lang ako, tutulungan kita kahit ano'pamanyan"

Maglalakad na sana ako, pero bigla siyang umakap sa akin.

"Kuya.." umiiyak na siya. Sinasabi ko na nga ba. "Nakipagbreak na sakin ni Krab" Hindi ko napigilang maiyuko ang aking mga kamay.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon