The 22nd Shopa

2.2K 101 8
                                    

June 14, 2015 (Sunday)

10:35 a.m

LEEFORD'S POV

Hindi ko talaga mahanap yung keychain na regalo sa akin ni Maurene. Desenyong skateboard yun at may sulat ng pangalan ko. Halos maayos na na ulit yung kalat ko sa paghahanap kanina dito sa bahay pero hindi ko parin nahanap yung keychain.

'Napakaburara mo Leeford!'

Bukas nalang ulit ako maghahanap, katatapos ko palang rin kaseng maglaba ng mga damit ko kaya medyo pagod narin ako. Agad akong pumasok sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa aking kama.

Nakashort lang ako, ganun talaga ako pag-naglalaba. Gusto ko wala akong damit. Trip ko lang ba.

Napatingin naman ako sa gilid ng kama sa bandang ibaba. Nasa loob ng isang malaking basket na puno ng malalambot na sapin ang isa ko pang prinsesa. Si Maulee, tulog na tulog ang alaga kong pusa.

Tumayo ako at kinuha ang laptop ko sa mesa. Dinala ko yun sa kama kasama ang aking cellphone. Tss.. Hangang ngayon wala parin siyang sagot sa email ko. Di man lang nakaka-alala.

Sobrang abala ata sa iba.

((>____>))

Sa cellphone naman ay halos mga kaklase at kaibigan ko ang nagmessage. Maliban nalang kay Andy--- Ayon kay Martin at Philip may nangyari daw dun sa Saani. Hindi daw yun tungkol sa ikinilos ko. Na ikinagulat ko naman ng maka-usap ko sa telepono yung dalawa.

Hindi nila ikwinento sa akin ang nangyari, ayaw daw nilang pangunahan si Andy. Mga gago parang di nila ako kaibigan kung pagdamutan ng kwento.

Bigla ko tuloy naalala yung araw na yun. Yung araw na makita kong nakatayo si Silver sa tabi ni Boy Kagat Labi.

Tss..

Muli ko nanaman siyang naalala. Hindi ko sinasadyang halikan siya nung oras na yun. Sobrang daldal at ingay niya kase.

Hindi ko sinasadya, pero hindi ko pinagsisishan yung halik na yun. Tss..

*RINGGGGGGGGGGGG*

*RINGGGGGGGGGGGG*

Bigla akong natigilan sa pag-iisip ng biglang nagring yung cellphone. Pagtingin ko sa screen ay nakita kong tumatawag si White.

"Hmmm?" pagsagot ko sa tawag.

"Pakibukas ng Pinto" sabi naman ni White. Lintek naman andito siya ngayon sa bahay?

Agad akong tumayo at lumabas sa kwarto. Dumeretso agad ako sa pinto tsaka binuksan yun. Bumungad nga ang nakangisi niyang mukha.

"Tol!" aniya sabay akbay sa akin. May bitbit siyang parang Frame na nakabalot sa dyaryo tapos isang maliit na paper bag--- na kitang kita ko ang laman. Isang baunan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Kapwa na kame naka-upo sa sofa dito sa sala. Magkaharap kame ngayon.

"Eto naman.. parang di mo ako namiss?" nakangusong aniya. Ngumiti naman ako sabay singhal. Tss..

"To nga pala nagpaluto ako nung paborito mong Ginisang tokwa na may patatas" sabay abot niya sa akin nung paper bag. Excited ko yung kinuha at inilabas yung baunan. Sheettt nagutom tuloy ako.

Paborito ko to!

"Salamat White" sabay bigla siyang sumimangot. Tumayo ako at ginulo gulo ko yung buhok niya.

"Eto rin pala.." sabay abot niya sa akin nung tila frame na nakabalot sa dyaryo. Ano kaya ito?

"Ano to?" tanong ko sa kanya. Dahan dahan ko ng pinupunit yung balot na diyaryo.

"Buksan mo nalang" seryosong aniya.

Kaya naman inilapag ko muna dun sa round table sa sala yung ulam para mabuksan ko na ng husto ang bagay na ito.

Agad akong napangiti ng makita ang isang napakagandang Painting. Nakahiga ako sa ilalim ng puno katabi si Skyte at si Maulee naman ay nasa ibabaw ng ulo ko. Agad ko siyang tinignan—Si White. Yung mga mata niya parang nagtatanong kung nagustuhan ko ba ang bigay niya.

Magaling siyang magdrawing. Ang talentong hindi naman ako biniyayaan, marunong naman din akong gumuhit, pero hindi tulad niya. Ang bawat stroke ng kamay niya sa kanyang masterpiece ay nagbibigay buhay dito. Ang mga guhit ni White ay walang pinagkaiba sa larawan ng realidad.

"Naalala mo pa ba nung Grade six ako" pagkekwento niya. "Birthday ko nun pero wala si Papa at Mama.. tayong dalawa lang yung nasa bahay" pagpapatuloy niya. "Tapos malungkot ako nung nakaupo sa sala tapos nilapitan mo ako at niyayang ipapasyal mo ako sa araw ng Birthday ko"

Napapangiti ako habang naalala ang mga oras na nakatira pa ako sa bahay nila.

"Kasama natin nun si Maulee.. tapos andame natin ginawa. Tinuruan mo pa ako mag skateboard.. kaya miss ko narin si Skyte" sabi pa niya. "Hangang sa napagod ka tapos sabi mo magpapahinga ka muna"

"Pero parang 30 minutes lang ako umidlip nun aa?" pagtataka ko. "Tsaka di ko nakitang may drinawing ka sa oras na yun" sabi ko naman.

"Natuwa kase ako nung umakyat si Maulee sa buhok mo tapos dun siya natulog hehehe kaya pinicturan kita" sabay may kinuha siya sa bulsa niya. Isang larawan na medyo gusot na rin.

Picture na parehong pareho ng nasa painting na bigay niya sa akin.

Si maulee paborito niya talagang tambayan ang ulo ko pag nakakakuha siya ng pagkakataon.

Napangiti muli ako. "Hintayin mo ako diyan.. may kukunin lang ako sa ref.." sabi ko sabay talikod. Pero bigla niya akong tinawag.

"Teka.."

Muli akong humarap sa kanya. Pansin kong tumayo siya at parang nahihiyang lumapit sa akin. Nagbuntong hininga pa siya bago tuluyan nakipagtitigan sa akin.

"Happy Birthday Kuya.." nagulat ako ng bigla niya akong niyakap—Yakap ng isang kapatid na nangungulila sa kanyang Kuya. "Please dun ka na sa bahay ulit" sabi pa niya.

Tinapik tapik ko naman yung likod niya.

"Salamat Bunso.." sabi ko rin sa kanya. Tss..

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon