The 45th Shopa

1.9K 87 2
                                    

DENNIS POV

Pina-alis ko muna sa aking paningin yung kotseng lulan ng aking mga kapatid bago ako naupo sa labas ng eskwelahan. Pumunta ako sa bandang unahan ng kalsada, malapit sa isang traffic light. Dun ko ibinagsak yung luhang nagpapabigat sa aking kalooban.

Ang sakit na sobra ng nararamdaman ko, hindi ko na mapigilan na di maging emosyonal habang iniisip ko yung mga binibitawang salita ng taong mahal ko sa akin.

Sumasabay pa ang pag hapdi nitong paa ko. Ang sakit, sobrang kirot rin ng aking paa.

Maraming dumadaang estudyante sa gawe ko pero ako ay nakatayo lang sa poste ng traffic light at pinagmamasdan ang kanilang paglalakad. Tumahan na yung luha sa aking mga mata, pero napakabigat ng nararamdaman ng ulo at aking puso isama pa ang sobrang kirot ng kuko ko sa paa.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang may mukhang sumilip sa aking mga mata. Winave niya pa yung kamay niya sa aking mukha. Nag-angat naman ako ng tingin, nasilaw pa ako ng matapat ako sa silaw ng araw.

Pero bigla yun nawala ng humarang ang taong yun sa may liwanag ng araw. Tila kumadyot ng bahagyang ngiti ang puso ko nang makita ko siya.

Ang tatay ni Bonsi.

*****

"Anong ginagawa mo dun?" tanong sa akin ni Xavier. Simula ng ayain niya ako papunta sa eskwelahan ay di pa kame nag-uusap. Di ko naman maifocus sa kanya ang sarili ko ng maramdaman kong may gumagalaw sa bag.

'Ipinasok ko pala si Maulee sa bag ko... Putcha baka masophocate yung pusa! Bahala ka na muna! Lapit na yung Checkpoint!'

"Galit ka ba sa akin?" nagulat ako ng bigla niya akong hinarangan, tapos sumungit yung tingin niya sa akin.

BIGLANG NAGBALIK SA AKING ISIPAN NUNG IPAKILALA NIYA SA AKIN YUNG GIRLFRIEND NIYA.

"Bat naman ako magagalit?" sa oras na yun ay muling kumirot ang kuko sa aking paa.

"Kase, hindi na kita naigagala sa bahay" nakangusong sabi niya sa akin. Napangiti naman ako bigla.

"Di ako galit, nagtatampo lang ako.." ako na hirap sa paglalakad na agad niya namang napansin. Mabilis siyang sumunod sa akin at pinahinto ako.

"Bat ka nagtatampo.." nakangiting tanong niya sabay tingin sa may paanan ko. "Tsaka anong nangyare diyan?"

"Nauntog dahil sa katangahan.." malungkot na sabi ko.

"Pero iba yung nakikita kong kalungkutan sa mga mata mo." nagulat ako dahil sa sinabi niya. "Kanina nasa kabilang gilid ako ng kalsada nakikita kong umiiyak ang mga mata mo"

DUN AY NAPATINGIN NA AKO SA KANYA NA SOBRANG KUMIKIROT NA ANG KALOOBAN SA SOBRANG SAKIT NA NAKATUSOK SA AKING PUSO'T ISIP.

"Pwede mo akong kwentuhan.." naramdaman kong umakbay siya sa akin. "Makikinig ako sayo"

"Xavy.." kasabay nun ang pagluha ulit ng aking mga mata. Napatakip ako ng kamay sa aking mukha dahil ramdam kong humihikbi na ako.

((t_____t))

*****

Nakakahiya man pero naka-akbay niya akong inalalayan papasok sa eskwelahan. Buti naman at tulad ng dati ay di na ako chineck nung gwardiya. Kaya lusot si Maulee sa guard na nakangiti pa sa akin.

Buhay pa kaya tong pusang to?

"San tayo pupunta?" nahihiya kong tanong kay Xavier ng mapansing sa bandang tagong parte kame ng school tumutungo.

"Kekwentuhan mo ako.." nakangiting sabi niya sa akin na halos labas na labas ang biloy sa kanyang pisnge! "Tsaka gagamutin kita"

"Huh?"

"Dun tayo sa Botanical Garden.."

"Botanical Garden?" gulat na tanong ko. "Saan yun?" napahinto pa ako nun sa paglalakad, dahil gusto ko malaman kung saan yun.

"Hehehehe" tawa niya ng bahagya. "Sa Agri yun.." sagot niya. "Mas gusto ko kase tawaging Botanical Garden.."

"Ahh.."

"Bakit, di ba maganda?" tanong niya sa akin.

"Hehehehe Gwapo.." biro ko naman sabay tingin sa malayo.

"Ha?"

"Sabi ko lalo kang gumagwapo.. kaya ang swerte ng Girlfriend mo" medyo may konting pagkabitter na sagot ko. Tsk!

"Ahhh... kaya ka ba nagtatampo, dahil akala mo di na kita mapapansin dahil may GF na ako?" tumuloy na ulit kame sa pagtahak papunta sa Agri na tinatawag niyang botanical garden.

"Hmmmm..." sagot ko nalang. "Andito na pala tayo" sabay nguso ko sa mapuno't nagbeberdihang paligid ng Agri Area. Andito kame sa napaka vineful na entrance ng Agri Area.

"Namiss kita.." kinabahan ako bigla ng maramdaman kong yumakap si Xavier mula sa aking Likaran.

Di to pwede..

º)

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon