The 51st Shopa

2K 101 3
                                    

'Comment lang kayo! Wala namang mawawala sa inyo!'

DENNIS POV

Pagkatapos namin kumain ni Miggy sa canteen ay nagpahinga muna kame ng konti bago sumapit ang ala una.

Biology Class pala kame ngayon.

Hindi ko alam kung may surprise quiz nanaman ba, jusko ang teacher kaseng yun mahilig sa surprises.

Naalala ko lang ulit si Joross. Nakaka-awa talaga siya, parang ang laki ng iniisip niya. Parang pasan niya ang daigdig ng mga problemado.

Kahit janitor naman siya dati dito ay hindi ganun ang pustura niya. Sobrang malinis at gwapong tignan niya. Pero ngayon, naaawa lang ako sa kanya kahit sabihin pang marami siyang ginawa sa aking kasalanan.

Still minahal ko rin naman siya nuon.

******

Pero siyempre past is past. May mahalaga akong misyon ngayon---- ang linisin ang pagkasira ng imahe ko kay Krab.

Nagmessage na siya kanina. Pero as ussual.. beastmode na beastmode ang Krab ko. Pero napapayag ko naman siya.

'Pagbibigyan kita ngayon, huli na yan. Pag di mo mapatunayan na nagsisinungaling si Karim. Siguro magcool off na muna tayo'

BUKAS KO NGA BALAK ISAGAWA YUNG PLANO KO. HUMANDA KA KARIM! SABI KO NA NGA BA IKAW ANG MAY PAKANA NITO!

At sana maging matagumpay ako.

"Ang takaw nitong pusa niyo, kaya ang taba taba.." napatingin naman ako kay Naruto dahil sa nagsalita siya. "Kanina ka pa tulala, anong iniisip mo?" pagtatanong niya.

Tumayo nalang ako at inaya na siyang bumalik sa classroom. "Ilagay mo na yan dito sa bag.. alam mo naman biology tayo" sabi ko kay Naruto. Hindi basta basta teacher si Ms. Biology, masyado rin siyang maraming alam sa paligid.

Masyadong imbestigadora.

Inabot ko nga sa kanya yung bag at siya na nagpasok kay Maulee. Natutuwa naman ako kay Maulee kase hindi siya nagngingiyaw, parang tahimik lang sumusunod siya sa gusto namin.

Pinakain siya ni Naruto ng tatlong hotdog waffle. Tsk! Tapos ako caldereta at fried chicken lang ang nilibre. Hmmmmmmp!

Dapat may hotdog waffle rin ako eee.

"Tara na.." siya na binitbit narin yung bag ko. Ang bait niya talaga pramis... Nakakapagtaka, baka may kailangan to!

Alam ko na!

MANGOPNGOPYA NANAMAN SIYA SA AKIN!

"Ano ba yan haharang harang kase!" napatigil kame pareho ni Miggy ng maringig ang sigaw. Sigaw na halatang bakla ang nagmamay-ari! Pagtingin namin sa gawing kaliwa ay kita nga namin ang isang..

Istudyante ng DMA na nakawig na kulay Pink na may cupcake ring pink sa taas nito! Tapos nakapameywang ito kasama ang dalawang babae at isang lalaki na tila bakla rin, pero hindi tulad niya wala itong wig o ano mang koloreta.

Tapos kita rin namin ang isang istudyanteng babae na nakatumba tapos nakabuhos na yung popcorn na dala nito.

Yun yung popcorn na tinitinda dun sa canteen.

"Eh kayo naman yang di nakatingin eee!" sabi ng batang babae, na parang iiyak na. "Yung popcorn ko .. binuhos mo bakla!"

Ngayon ko lang siya nakita.

"Whatever.. sayang ka sa oras.. Oh ito kainin mo!" nagulat ako ng biglang may nilagay na isang daan yung bakla sa bunganga ng babae!

"The fuck.." nasabi ko.

"Ayan aa.. sobra sobra nayan, wag kang iiyak diyan dahil binudburan na kita ng yaman ko! Bili ka ng maraming pop corn!" sabay tulak pa nito sa babaeng nakaka awang tignan.

PINAGTITINGINAN NARIN SILA NG MGA TAO!

Kumilos na yung apat, at umalis na ito dun sa harap ng babae. Pero nagulat ako ng huminto sila sa isang gwapong lalaki, parang first year student ata.

"Ikaw.. magkano ka?" parang nasamid ako ng maringig akong tanungin niya yung batang lalaki! Nakita ko naman si Naruto na ngiting ngiti sa napapanuod.

Yung batang lalaki naman ay biglang susuntukin sana yung baklang nakawig ng biglang may kinuha siya sa pitakang dala dala.

Nakita ko nalang na napahinto yung lalaki sa akmang pagsuntok. May hawak na palang 500 peso bill yung baklang.. paarte pang pinapakita sa lalaki yung limang daan. Kita ko naman yung kaba nung gwapong bata.

Naiinis ako bigla!

"Oh sayo na.." biglang abot niya dun sa batang lalaki nung pera, na agad naman kinuha nung bata. Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa! Hinalikan niya yung guy sa labi pagkatapos ay dinakma yung ano nito sa pantalon! "Uhmmm malaki.." sabi nito sabay haplos pa sa pisnge nung bata. "Bye.." malanding kaway nito paalam sa bata.

HALOS DI MAKAPANIWALA KAMENG LAHAT NA NAKAKAKITA DAHIL SA NANGYAYARE!

"Putcha.. uy pre.. libre naman diyan!" sabi nung kasama nung mga lalaki dun sa kasama nilang parang tulala parin.

"Puta Pre bayad yung kiss at hipo!" sabay tawanan nila.

"Putcha.. gusto ko rin pa hipo dun.."

Napatingin ako dun sa grupo ng baklang di ko alam kung baliw ba. Papunta sila sa direksyon ng 3rd year building.

"Tranferee siya.." bigla akong napatingin kay Naruto. "Anak mayaman daw galing sa ibang eskwelahan.."

Bat alam niya?

"Bat mo alam?" tanong ko kay Naruto.

"Naringig ko kaninang pinag-uusapan ng mga nasa canteen.. Hehehehe hinupuan nga daw agad yung teacher na lalaki nun sa isang subject nila"

HA?! HINDI AKO MAKAPANIWALA SA NARIRINGIG KO!

"Saan daw galing?" iritang tanong ko kay Miggy. Halos magsalubong na ang kilay ko, sa sobrang inis!

"Napatalsik daw dahil sa maraming reklamo.." dun ay naging inerisado ako sa sinasabi niya.

"Reklamo?"

"Panghahalay sa mga lalaking istudyante.." sagot ni Naruto na humarap ng muali sa aming direksyon. "Pati narin sa mga lalaking guro.."

BIGLA AKONG NAINIS AT KINABAHAN.

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon