The 112th Shopa

1.3K 119 40
                                    

DENNIS POV

"Pwede pasama" biglang lumitaw si Jannete sa tabi ni Lucario at kinuha yung kabilang kamay neto at inakbay ang sarili niya.

"Tss.."

'Ang gwapo mo Lucario'
🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄🙄

"Anong lulutuin natin hehehe excited na ako, dala ko na tong mga gamit nila Oh" sabi pa nito na pinapakita yung mga item na ipambabayad nila.

Dahil di na ako komportable at nakikita ko narin ang hindi magandang tingin sa akin ni Dwife, umalis na ako sa tabi ni Lucario.

"Kaylangan ko pang tulungan si Dwife" sabi ko sabay patakbong lumapit kay Dwife. Aabutin ko sana yung dala niyang gamit, pero sinungitan niya ako.

First time yun simula ng maging okay kame dito sa isla.
(U______U')

"Dwife" lumapit ako sa kanya at pinilit kong tumingin siya sa akin. "Sorry na" paghingi ko ng tawad.

"Okay lang" bumuntong hininga to. "Sana next time, focus ka muna sa gagawin natin" sabi pa niya. "Puro ka nalang si Leeford"

Hindi ko alam, pero tila may diin yung huling sinabi niya.

Dahil kame yung nanguna sa challenge, kame yung priority na pumili.

Antahimik ni Dwife huhuhuhu, ako ang pinapili niya.

Sa mga nakadisplay sa mini palengke, nakita kong may tulingan, manok, baboy, hipon at tahong.

Kaya naisipan kong Ginataang Tulingan nalang ang lulutuin ko, simple pero masarap at Gamay ko.

Buti nalang isang set yung condiments kaya di msasayang yung mga mga gamit namin.

2 Malalaking Tulingan
2 Bote ng Gata
1 Bigkis ng Malungay
1 Bigkis ng talong
1 set ng Condiments (Bawang, Sibuyas at Luya)
1 Kawali
1 Suka
1 Kilong Kamias
1 Kilong Sili
1 Sandok
1 Kilo Mais
1 Kilo ng asukal
1 Kilong Carrots
1 Hiwa ng baboy
1 Set ng Bigas
1 Set ng Ice
1 Sachet ng Gatas Bearbrand
1 bote mg mantika

Almost kompleto rin yung Mini Palengke nila, dala pala ito nung bangka kanina.

Dahil on the spot ang pag pili, yan ang mga napili ko Hehehehe.

Yung yelo kumuha ako kase baka magamit namin mamaya sa gagawin namim sa buko pati yung gatas. May naisip kase ako.

Sinagot narin ng Crew yung paglilinis ng Tulingan, sila narin ang naghiwa ng naayon sa gusto namin.

SANA NAMAN HINDI AKO PUMALPAK, ANG SERYOSO TALAGA NI DWIFE HUHUHUHU



DWIFE'S POV

Medyo naiinis lang ako, lage kaseng lutang tuwing nilalapitan ni Kuya.

Para tuloy nakikisingit siya sa ginagawa ng kabilang grupo. May pahubad pang damit na ginawa.

Hayaan mo yang taong yan, sa kayabangan niyan kaya nga niyang matulog lang sa swimming pool.

Naalala ko nung, napagalitan siya ni Daddy at Mommy. Talagang hindi siya pumasok sa bahay, nakita nalang namin. Nakababad sa swimming pool magdamag, ganun siya kawirdo.

Gusto niya nakikita siya ng mga taong cool at walang pake sa mga challenges.

Binalik ko ang tingin ko kay Dennis, andami niyang binili. Hindi ko nga alam kung anu ano. Wala akong alam sa pagluluto, kaya ipapaubaya ko na sa kanya tong camp challenge ngayon.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon