The 35th Shopa

2.1K 93 0
                                    

NOTE: Pabasa naman po ng ginawa kong Photo Slide Story (SocialSerye), pinamagatan po siyang #ForeVer ♥♥♥♥

Matatagpuan po siya sa page ko, just search: Green Shadow Stories. Salamat po in Advance!

DENNIS POV

Ang bilis ng oras, namalayan ko nalang na nandito na ako sa kanyang likuran--- Naka'angkas na sa kanyang motor.

Ewan ko ba, pero matapos nung ginawa namin kanina ay balik nanaman sa katahimikan ang paligid namin. Kita kong nagulat pa siya ng bigla niyang alisin ang labi niya sa labi ko.

Ganun din ako siyempre. Ipinakita kong nagulat din ako kunwari sa halikan naming dalawa. Pati ang guilt ko rin ay patuloy akong pinipiga. Pinapaalala niyang pagtataksil ang ginagawa ko.

Pero hindi ko naramdaman ang pagsisi sa mga mata niya sa mga oras na yun, ang nakikita ko ay napawi ang isang parte ng buhay niyang nangungulila. Kanina pa nga ay nagulat ako dahil may binulong siyang pangalan.

Maurene..

Yun ang naringig ko. Pero siguro nagkakamali lang ako, siguro si Maulee ang tinatawag nito dahil ayaw niyang makita ang ginagawa naming masyadong pang Adult Only.

Para kaseng anak kung ituring niya tong pusa niya.

Hindi na kame nakapag-usap pa ng makasakay na kame dito sa Motor niya. Naiinis ako sa ginagawa ko ngayon, pero bakit kaya di nagagalit ang puso ko. Nakakuwa rin ang halik na yun ng konting permiso sa puso kong nagsasabing... Okay lang ang ginagawa namin.

Nuon pa man ay nakakaramdam na ako ng tibok sa lalaking ito. Yung tipong magkikita ang aming mga mata kasabay ng tila paghigop niya sa buong pagkatao ko. Hinihigop niya akong pasukin ko ang buhay niya!

Nagdaan ang mga araw na sa di inaasahang panahon ay nagkikita kame. At sa bawat pagkikitang yun ay nakakaramdam ako ng pagkagulo sa aking Puso at Isipan.

Hindi ko na itatanggi pa. Gusto ko na siya laging kasama, gusto ko na siyang laging nakikita at gusto kong na siyang guluhin at pasukin ang buhay ko.

Gusto ko na siya.

((O_____O))

Mali man, pero yun na ang nararamdaman ko!

Nasa kahabaan na kame nun ng highway pauwe ng makaramdam na ako ng pagkaoutbalance ng konti. Wala kase akong nahahawakan o naaalalayan man lang ng mga kamay ko.

Si Maulee naman ay nasa gitna namin, nakabag parin ito sa akin. Suddenly naramdaman ko yung pagbilis ng pagpapatakbo niya, kaya naman nagmadali akong napahawak sa magkabilang balikat niya.

Ewan ko ba nakaramdam ako ng kuryente, I feel kilig on the other part of my heart. Ilang linggo narin ang lumilipas ng hindi na ako nakakaramdam ng ganitong actual kilig.

Lage nalang via electronic. Lagi nalang sa computer---- Sa harap ng computer. Ang sarap sa pakiramdam pag hindi sa malayuan, nakakamiss ang ganito.

Hehehe pakiramdam ko tuloy nagiging puso nanaman yung mga ilaw ng traffic lights. Sarap bumyahe pag si Lucario ang nagdadrive. Masarap din kaya siya magdrive sa kama?

Ooops..

Hindi ko alam pero naiyakap ko ang mga kamay ko sa katawan niya. Kinabahan ako bigla nang bigla siyang pumreno!

Napayakap tuloy ako ng husto sa kanya at halos mapasubsub narin ako sa likuran niya.

Agad akong kinabahan dahil dun, baka di niya nagustuhan ang ginawa kong pagyakap. Kaya naman agad akong bumitaw.

Pero nang maialis ko na ang aking mga kamay ay muli niya agad itong kinuha. Muli niya itong iniyakap sa kanya. Pagkatapos ng kanang kamay ay kinuha niya na rin ang kaliwa ko pang kamay at ikinabit narin ulit payakap ito sa katawan niya.

Napangiti ng todo ang puso ko dahil dun. He wants me to hug him so tight. Kaya naman kahit maipit tong pusa niya ay niyakap ko siya ng todo!

"Meooowwwwwwwwwwww!"

'Tang-ina ko daw.. naiipit daw siya' sabi ng pusa ni Lucario. Bahala kang pusa ka! Ayokong ibitaw ang yakap ko dito sa amo mo na kay sarap yakapin!

(♥^___^♥)

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon