The 117th Shopa

1.2K 129 39
                                    

DENNIS POV

Antagal naman ata nung isang yun.  Naka ahon na sila Threz at Jona wala parin si Lucario.

Feeling ko talaga may kinita nanaman  yun sa gubat.

"Tara praktis na tayo ulit" sabi ni Threz.

"Kayo na muna, ok na yung sa shadow eh" sabi ko.

Abala yung ibang grupo sa kakapraktis, andaming sumasayaw. Yung iba naman nagpapahinga rin ata, nasa dagat kase sila.

Nagsimula na nga magpraktis si Threz at Jona, Woahhh ang ganda ng duet nila. Andito lahat ng kagrupo maliban kay Lucario.

Nasa kalagitnaan ng pagkanta yung dalawa ng may dumating na studyante sa pwesto namin.

Hingal pa nga to eh.

"Ikaw si Dennis?" tanong niya. Siguro magkasing edad lang kame. Pero mas mataas ako sa kanya.

Tumango ako sa kanya.

"Ingat ka po ah" sabi niya.

"Bakit naman?" lumapit siya sa amin at naki upo narin sa kung saan kame nakapaikot ng grupo.

"Bagets gets Aww" bulong ni Jona sakin "Di ko bet" talagang pinagmasahan niya pa yung bata haahahah.

"Diba po kaaway mo si Carlito?" tanong niya. Tumango ako at nagbigay ng tingin ng pagkainterisante sa sinasabi niya. "Naringig ko kase siya kausap si Ate Jannete parang may balak po silang dalawa guluhin ka.." pagsisimula nito "Balak po ata nilang guluhin gagawin niyong Act"

"San mo naringig yan?" tanong ko sa kanya. Pero sasagot na sana siya, ng makita namin si Carlito at Jannete na nagsasagutan at nag aaway.

"Sabi pa nga nung Carlito magdadrama daw sila" sabi pa nito.

Hindi ko gets nalilito ako. Ibig sabihin ba nito nakikipagsabwatan yung Jannete sa Carlito.

Nang maisip ko yun ay kusang nagsalubong ang mga kilay ko sa inis.

Sa pag aaway ng dalawa ay nagulat ako ng itulak ni Carlito si Jannete sa...

Pakingshet natumba yung ginawa naming screen na tela dun sa gatong na sinindihan na namin!

Bigla kong napagtanto ang sinabi nitong bata sa amin.

"So yan ang ginagawa nilang drama? Para masira yung gamit namin!" sigaw ko, agad akong sumugod.

Naiinis ako, bakit yun pa ang sinira nila at bakit hindi sila maglunuran sa dagat!

Nagsunuran din ang mga kasama ko. Si Threz at Jona parang di parin gets kung anong nangyayari.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon