The 53rd Shopa

2K 94 4
                                    

DENNIS POV

Inis ko nalang na iniwas ang tingin ko, ayokong magsimula ng gulo. Pero napipikon na talaga ako kaya hinarap ko siya ulit.

"Karl may problema ba tayo?" tanong ko sa kanya. "Sorry sa nangyari kanina.." nakiki-usap na sabi ko. That moment ay kita kong kumalma yung mukha niya, pero ramdam kong galit parin siya sa akin. "Gusto sana kita maka-usap bukas.."

Biglang naging interisado yung mukha niya. "Tungkol saan?" seryosong tanong niya. Yung mata niya naghahangad ng mabilis na kasagutan.

"May gusto lang sana akong linawin bukas.." sagot ko. Di ko pwedeng sabihin ang gagawin ko bukas. Dahil gusto ko on the spot siyang aamin na nagsisisnungaling siya kay Krab.

Nagulat nanaman ako ng biglang ngumiti siya, tapos yung kamay niya ay pumupunta nanaman sa akin. Anong nangyayare sa taong to?

"Dun tayo sa bahay bukas.." biglang otomatikong nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi.." pagtanggi ko. "Sa rooftop tayo nitong building bukas.."

Kinilabutan ako dahil sa naging reaksyon niya!

NGISING NGISI ANG GAGO!

May nasabi ba ako dapat na ikangisi niya? Baka iba ang iniisip nito!

"Iba karin.. gusto mo ng bagong spot aa" malanding sabi nito! Sinasabi ko na nga bat iba nanaman ang iniisip niya! "Sige pagkatapos ng klase.. andun na ako"

Magsasalita sana ako para linawin ang lahat ng biglang dumating si Ms. Biology! Kasunod rin nito si Naruto na nagmadaling tumabi sa akin at naupo! Naku hindi halatang may pusa ka sa dyaket!

Sinenyasan ko siyang ayusin si Maulee, na sinunud niya agad gawin.

Naging tahimik na yung paligid pagkatapos nun.

"Sorry kung medyo nalate ako.." pagsisimula ni Teacher. "May mahalagang pinagmeetingan ang kameng mga teacher kasama ang Newly Elected Director ng DMA.."

ANONG PINAGMEETINGAN NILA?

"Siguro naman alam niyo ang balita tungkol sa binitiwang linya ng isang public figure sa national TV about sa LGBT's?" nagulat ako sa biglang sinabi ni Ma'aam!

NAPAYUKO AKO, HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. ANO YUNG NEW'S TUNGKOL SA LGBT?

"Walang nakaka-alam sa inyo?" nagsisimula nanaman ito sa pagtataray.

"Ahh ano po maa---" hindi natuloy nung isa kong kaklase ang sasabihin ng pahintuain siya ni Ms. Biology gamit ang isang senyas.

"Just raised your hand.."

THEN TINAAS NGA NUNG KAKLASE NAMIN YUNG KAMAY NIYA.

"Go on.."

"Yung sinabi po ni Mr. xxxx na ang LGBT daw po ay mas masahol pa sa hayop"

ANO?!

SINABI YUN NI MR. XXXX!

Bat di ko alam?

"Na mas mabuti pa daw ang mga hayop marunong kumilala ng lalaki sa lalaki tapos babae sa babae daw po.." pagpapatuloy ng kaklase ko.

"So can you answer what is my concern to the statement of Mr. xxxx.. ahh before that. May I know if merong.. LGBT personality dito."

HALA YUNG PUSO KO SOBRA YUNG KABA!

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon