The 111th Shopa

1.4K 135 43
                                    

DENNIS POV

Nakaramdam ako ng saya at kilig dahil sa ginawa at sinabi sakin ni Lucario.

'Prrrrrrrrrrt!'

Mabilis akong napabitaw sa pagkakayakap ng maringig ang malakas na pagpito.

"Out!"

Akala ko samin sila nakatingin, may isang camper na naidikit ata yung buko sa may tubig. Medyo malayo sa amin.

Pero, ganunpaman alam kong maraming nakakita sa amin. Lalo na tong mga kagrupo ko, tatahimik tahimik pero mamaya kukulitin ako.

Tinignan ko siya ulit, ngumuso ako sa kanya ngumiti siya.

"Isipin mo nalang pag may lumandi sakin, landiin mo ako ng triple" sabi niya sa akin sabay pitik sa noo ko.

"Hoi, di ako malandi" pero tinawanan niya lang ako."Akin na nga yang Buko ko" kinuha ko yung naka ipit sa braso niya.

Nakuha ko naman agad yun.
"Akin na nga rin yang buko ko" sabay hatak nanaman sa akin padikit sa katawan niya.

"Eh hawak mo na yang buko mo eh" tumingala ako sa kanya, yumuko naman siya para tignan ako.

"Hindi ko hawak, nakayakap sakin eh" napaisip naman ako.

"Ehhh.." nagiisip pa ako ng sasabihin. "Ako yung nakayakap sayo eh"

"Kaya nga ikaw ang Buko ko, BUhay KO"

Lucario...
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

Kainis di ko nanaman  mapigilan, kiligin.

"Sige na balik na ako sa kanila, baka mamaya maBuko tayo" paalam niya sakin. Pero binigyan niya naman ako ng ngiting pusa hehehe.

'Ang cute'

Masaya akong humarap...
(â­•______â­•)

Nakatingin sakin ang mga kagrupo ko.

Patay..
Buko na ako.
(---_____---)

DWIFE'S POV

Hindi ko na kailangan itanong pa kase, nakikita ko naman. May relasyon nga ata tong dalawang to.

Kita ko yung pamumula ni Dennis, habang nakatingin kame sa kanya.

"Ay pak may nanalo na!" pang aasar ni Jona. "Prend ano na, mukhang may bukuhang nagaganap diyan sa pwesto mo kanina ah.. chika naman"

"Hahahahahaha" tumawa yung iba naming kasama.

Pero di nakapagsalita si Dennis. Yakap niya lang yung buko at sa ibang direksyon nakatingin.

Isang oras na ata ang lumipas, may mga konti ng na out. Sa grupo namin ay wala pa naman. Nagtutulungan kame.

"ISANG TUWALYA"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon