The 84th Shopa

3.4K 158 36
                                    

DENNIS POV

Pagkatapos kong bumaba sa kotse ng gagong yun ay mabilis niya itong pinaharurot. Dito talaga sa tapat ng 7/11 niya ako ibinaba. Dala ko ang paper bag at puno ng ngiti ang aking mga labi.

Medyo may panlalabo ang paningin ng kanang mata ko. Di ko na iniindi kase ramdam ko narin ang pagod, at masaya rin ako dahil sa nangyari ngayon.

Pumasok muna ako loob ng convenient store upang tignan ang mukha ko. Pagkatapos ko nga makapanalamin dun sa loob sa salamaing nakalagay sa bandang taas ng 7/11 ay muli nanaman akong napangiti.

Gago talaga ang lalaking yun.

Agad kong kinuha yung halfmask sa paper bag ko at sinuot ko yun. Napatingin sakin yung isang staff ng 7/11.

"Ano po sa inyo sir?" tanong niya. Nginitian ko lang siya sabay labas na. Siguro nagtataka siya kung bakit ako nakamaskara.

(^___^)

.

.

.

.

.

Habang naglalakad ako papasok sa subdivision ay muli ko nanaman naalala ang hindi pagsipot ng mga kasama ko sa party, pati narin ang pag iwan nila ogie sa akin. Mukha akong tanga dun na naghihintay sa wala. Si krab, kahit siya nalang sana pumunta dun para man lang samahan ako, pero ewan ko ba kung anong dahilan bat di rin siya nakapunta.

Buti pa si Lucario kahit nakapakayabang, nasamahan niya ako ng konting panahon sa Party.

Naiinis ako sayo Krab.

(--____--)

OGIE'S POV

"Wala na sila" si Miggy na nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan. Magkakasama kameng anim dito sa sasakyan ng kambal.

Nasa unahan si Gheo nagdadrive katabi si Miggy na nakabantay ang paningin. Dito naman sa likuran magkatabi kami nila:

BINTANA-Teroy|Theo|Ako... tapos si BRENTH.

Hindi ko alam, pero sa kakamadali ganito na naging pwesto namin. Kanina ko parin pansin na iritable si brenth sa pwesto niya. Simula kanina di pa kami nakakapag-usap. Ito ang muli naming pagkikita.

"Nako.. sino ba ang mga gagong yun?" biglang nagsalita si Theo.

"Tulad nga ng sabi ko kanina, humarang sila sa amin kanina ng papunta na sa party" sabi ni Miggy. Si miggy lang kase at Brenth ang nandito na makakapagsabi ng kwento. Naabutan nalang namin sila kanina na nakikipagbuno sa may apat na katao na nakamaskara ng itim, lahat pala ng kasuotan ay nababalot ng itim.

Pero ng paparating na kame ay biglang umalis ang mga ito, Di agad kame nakasunod dahil sa may nangyari kay Ganny nabaril siya ng daplis sa kaliwang braso niya. Sabayan pa ng pagsususka ng kapatid niya.

Kaya hindi namin alam ang uunahin.

Ayaw man ni Ganny na pumuntang hospital para magpagamot pero napwersa rin siya dahil sa kapatid niya.

Kasama niya ngayon si Red at Zak na pumunta sa hospital. Pero ang di ko alam, gustong gusto niyang pumunta sa party.

Nakakapagtaka rin na ang una niyang hinanap ng dumating kami ay si Dennis.

"May mga naka away ba kayo mga parekoy?" biglang nagsalita na si Teroy. "Theo usog ka nga ang sikipsikip ah" biglang reklamo nito sa katabi.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon