The 82nd Shopa

2.7K 161 57
                                    

DENNIS POV

Kanina bago pa niya kami mahuli ay nakatakas na kame nitong pusa niya. Ang ganda pala sa bahay nato, andito kame sa garden. Mayroong parte na puro bermuda grass lang, dun kame nahiga ni maulee habang pinagmamasdan yung buwan na kanina'y kinababaliwan ng mata ni Lucario.

"Meow.."

Napatingon ako sa kanya habang dinudutdut ang mga claw niya sa pisnge ko.

"Oh bakit?" masungit na tanong ko dito. "Ipapahamak mo pa ako, ahh.. alam mo naman na ayaw ko na makita yang amo mo.. pati ikaw!"

"Meow.."

"Anong bakit naman?.. kase nga ampogi ng amo mo.. nakakainlove!" shett ano ba tong pinagsasabi ko.

"Meow.. Meow.. Meow.." tila gusto nitong alisin yung maskara kaya tinulungan ko na siya.

"Oh ayan na tanggal na po.. kamahalan" sabi ko sabay buhat sa kanya. Hinawakan ko nalang yung maskara niya habang binuhat na siya. "Lalo ka atang bumibilog maulee"

"Meow.."

"Anong sexy.. di ka sexy uy.. etchoserang cat ka"

Di na siya umimik, natulog nalang ulit sa hita ko. Kaya nataba panay ata tulog nitong pusang ito.

Anong oras na ba? Napatingin ako sa paligid. Wala na si lucario dun sa tulay. Pero tuloy parin ata yung party. Kaylangan ko ng bumalik baka nandun na sila kuya, pati si krab. Tiyak matutuwa mga yun pag nakita nila si maulee.

Wahhhhh di pwede, baka pag pinagkaguluhan na dun si maulee baka umeksena si lucario. Tapos, baka kung anong isipin pa ni Krab! Wahhhhhhh..

Kaylangan palihim ko itong mabalik tong pusang ito.

Dahan dahan kong binuhat si maulee. Swerte naman at tulog na tulog siya, siguro ayaw nito sa ingay na nariringig sa party.

dahan dahan akong naglakad papunta dun sa pinasukan ko kanina, hangang sa marating ko na yun at papasok na ako sa party ground.

"Shet ang gwapo niya.." .. dinig kong bulungan ng mga babae. "I think nakita ko na siya dati" sino kaya ang tinutukoy ng mga ito.

Biglang pumasok sa isip ko si Krab!

Kaya nagmadali akong tumakbo pabalik sa pwesto namin. Pero napahinto ako ng ...

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

Dug..

O___O

Natulaley ako ng makita ko ang isang gwapong lalaki, halatang irita na ang mukha nito, may mga pawis ng namumuo sa kanyang mukha. Sa akin talaga siya nakatitig....

La... wag kang lalapit Lucario!

Baka nandito na yung Jowa ko!

Wala na siyang maskara! Dahan dahan siyang lumapit sa akin, o kay lagkit ng kanyang pagkakatitig.

"San mo siya nakita?.." sabi nito sabay kuha kay maulee sa akin. Nagulat nalang ako ng marami ng mga babae sa paligid.

"Ay siya pala yung nawawalang cat.. how cute naman"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon