The 16th Shopa

2.4K 108 9
                                    

'Sipagan niyo sa pagkoment para sipagan ko rin sa pag Update. Bahala kayo pag tinamad ako. Tsss..'

-- TheSecretGreenWriter

DENNIS POV

Asan na yun?

Bigla nalang nawala si Lucario sa tabi ko. Kainis kaya pala wala nang nasagot sa mga tanong ko kanina kase wala na siya.

Pero bakit siya umalis?

Akala ko kaylangan ko pang bilhan ng shopao yung GF niya! Hindi kaya dahil dun sa nangyari sa jeep kaya biglang umalis si Lucario?

Hindi kaya nandiri na sa akin yung mokong na yun? --- Hindi ko naman sinasadya aaa! Tsaka siya pa nga itong puma'unang bumaba dahil sa kaylangan ko pa daw bilhan ng shopao si maulee!

Kainis di ako mapakali!

Di ko alam kung bakit bigla nalang nawala si Lucario!

Eee paano kame magkikita bukas ng gabe kung wala man lang kameng contact sa isat isa.

Ano yun pakiramdaman nalang?

Aaasa kay Destiny? Tulad ng pagkikita naming dalawang unexpected lage?

Kainissssss!

Bago man lang sana umalis ang Lucario nayun sana man lang nagpaalam siya sa akin!

Pero bigla akong napangiti ng maalala ko ang mga bagay na naibigay niya sa akin, tulad nalang ng Kilig, Akbay, Yakap at yung Unexpected Kiss.

((^____^))

Ihhhhhh parang tanga ka lang Dennis!

"Brenth yang kapatid mo sintu-sintu ba?"

??(>____>)—0!!

Agad akong tumingin sa nagmamay-ari ng boses na yun! Andito kame ngayon sa loob ng Convenient Store.

Niyaya ulit ako ni Kuya na dito na mag snack na muna daw. Pumayag naman ako dahil gusto ko ng maiinom!

Pero hindi ko alam na kasama tong hapon na ito dito!

Inis ko siyang tinignan.

"Bunso oh, niloloko ka ni Teroy.."

Kanina ko pa nariringig yung pangalan na yan! Teroy—Sino ba si Teroy! Nang tignan ko naman si kuya Brenth ay dun siya nakatingin kay Hapon na katabi. Si Kuya Gheo naman ay ang kumukuha ng mga order.

Libre niya daw ee!

Ee di siya rin kumuha.

Pagod ako at Badtrip dahil di nagpaalam sakin ang damuhong Lucario nayun. Naiinis talaga ako!

Tapos dagdagan pa ng Hapon na tong Pink ang kilay!

"Ikaw ata ang sintu sa atin.. wag mo akong idamay sa pink na kilay mo!" inis kong sabi talaga sa kanya.

"Bunso.." si kuya na parang pinagsasabihan ako.

"Eee kase kuya nung nakaraan pa yan ee.." nakangusong sabi ko. "Tapos sintu sintu daw ako ngayon.." sabi ko pa.

"Bat ka kase nasimangot tapos biglang ngingiti mag-isa.." biglang sabi naman nung hapon.

'At ikaw nanaman ang dahilan nun Lucario—Inis ka kase!'

"Trip ko lang" sabi ko naman.

"Bunso di mo sinabi sakin na nakita mo na pala tong mga kaibigan ko aa"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon