The 76th Shopa

3.3K 180 64
                                    


DENNIS POV

Mali yung ginawa ko kanina, binigyan ko siya ng pakiramdam na bati na kame! Bat ko ba hinalikan yun? Ginusto ko naman yun e, buti nga nagkaroon ako ng dahilan. Napasulyap ako sa kanya, habang kinaka-usap niya yung gwardiya sa may bintana malapit sa kanya.

Pagkatapos ay tuluyan ng pumasok sa Academy yung sasakyan niya diretso dun sa parking lot.

Hindi ko na hinintay na siya pa ang mag-aalis ng seatbelt, agad ko yung inako sabay bukas sa pinto ng kotse. Hahahahahahahahaha naunahan ko nanaman siya!

Pagkasara ko ay sumunod na siyang lumabas.

"Dapat ako magbubukas ng pinto ng sasakyan sayo e"

"May kamay ako"

"Oo, at ang mga kamay na yan ay tanging hahawakan at babalutin ang puso ko" siya sabay ngiti at lumapit sa akin. Teka teka! Feeling close na talaga siya!

"Tigilan mo ako Mendez.." sabi ko sabay layas na.

"Hoy Hernandez!" sigaw niya pasunod sa akin. "Soon to be Mendez!" nalerkey naman ako bigla sa sumunod niyang sinigaw. Nanginig ako sa kuryente ng saya at tulad ng reaksyon ko kanina sa kotse, napapangiti nalang ako' muntanga lang!

Galit ko kunwaring hinarap siya!

"Hoy anong pinagsasabi mo!"

"Just telling the truth.. Misis Mendez!" Aiisssttt naadik na talaga siya! pero bakit ang saya naman ng kalooban ko!

"Isa pa!" banta ko kunwari sa kanya.

"Misis Mendez!" sigaw niya ulit!

"Ang kulit mo!"

"Sabi mo kase isa pa.." pagkalapit niya ay tinapat niya ang katawan niya sa akin, pero hanggang braso niya lang ako. "Kaya inulit ko.."

PATAY NADADALE NIYA AKO SA GANTONG TAKTIKA NIYA. PLANADO ANG LAHAT NG GINAGAWA NIYA, RAMDAM KO YUN!

"Ewan ko sayo" tumalikod narin ako na medyo nasayang dahil agad agad nawala yung pakiramdam na sobrang saya dahil ang lapit niya sa akin. Ayoko magpa-easy to forgive, bahala siyang mag effort noh'.

"Hintayin mo ako.." mayabang naman na sabi niya, habang nakasunod na sa akin at pantay na kameng naglalakad papunta sa my flagpole. Este ako lang pala ang pupunta dahil hindi naman siya estudyante dito!

Pero anak siya ng may-ari nitong eskwelahan. Anak lang naman! Di pwede yun dito na pagala pagala siya!

Agad aman akong napa-iwas ng daan ng makita ko ang isang balat ng saging na nagkalat sa sahig. Muntikan ko na matapakan yun aaa!

"Hoy ano ba?" huminto ako sa paglalakad kase naiinis ako sa pag-gaya niya sa mga gesture ng paglalakad ko. "Nahatid mo na ako ah?"

"Hindi pa kita nahahatid"

"Anong hindi pa, nandito na nga tayo dito diba? Diba?" pagtataray ko sa lalaking ito.

"Hindi pa kita nahahaid sa Forever Krib" Ayyyssss.. Napanganga nanaman ako dahil sa sinasabi niya. "Kaya wag ka ng gumawa ng trapiko sa daanan natin patungo sa habangbuhay" tinanggal niya yung strap ng bag ko sa aking likuran at kinuha niya ang bag ko--- Siya na nagbibitbit nito. "Tara na, hahatid na kita" sabay lakad niya.

Adik ka kase, ako pa talaga gumawa ng traffic sa road to forever natin? Ikaw! Ikaw! Ikaw tapos nung babae mo!

'Arayyyyyyyyyy'

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon