The 105th Shopa

1.2K 116 43
                                    

DENNIS POV

Bigla nalang bumagsak si Threz sa buhangin ng may matinding sapak ang biglang dumantay sa mukha niya.

Napapikit nalang ako sa hiya, dahil ibig sabihin may nakakita may nagalit at ako nanaman ang sentro ng paningin ng lahat.

Kitang kita ko si Threz na nakangisi habang pinupunasan ang dugo sa mga labing pumutok.

Agad siyang nilapitan ni Carlito, at inis akong tinignan.

Biglang may humawak sa kamay ko. Ramdam ko yung galit dahil halos pilipitin niya yung kamay ko.

Pag lingon ko ay nakita ko nalang si Lucario.

Hindi ko alam ang gagawin, nagpadala nalang ako sa paghila niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ako papunta.

Nakikita ko nalang dinadaanan namin yung mga grupo na abala sa ginagawa, hanggang sa matungo namin yung bandang dulo ng isla.

Malayo na sa pwesto ng camping site. Gabi na pero maliwanag dahil sa buwan na nagbibigay ng sobrang liwanag.

Binitiwan niya ako. Pagkatapos naupo siya sa buhangin sa dalampasigan, ihip ng hangin at hampas ng alon ang tanging nariringig ko sa parteng eto.

Paano ba? Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Bat ba kame ganito ni Lucario, ano ba dapat ang gawin ko.

Tumingin siya sa akin at sumenyas na maupo ako sa tabi niya. Iba yung pakiramdam ko ngayon, napakaseryoso ng kapaligiran.

Dahan dahan akong nagtungo sa tabi niya at naupo rin.

Salubong ang mga kilay niya na nakatingin lang sa dagat.

"Huwag mo na uulitin yung ginawa mo kanina" nakatingin parin siya sa dagat.

"Ginawa ko para makuha yung --"

"Kahit pa.." inis na sabi neto. "Kung matalo kayo, di umuwi ka, kayo" wala lumalabas sa bibig ko, tila nawala yung mga nangyari kanina sa isipan ko. "Dahil  manalo, matalo ka sasamahan kita" dugtong niya.

"Nandidiri ka na ba sa akin dahil sa nakita mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik.

"Hindi mo pa alam ang totoo kong pagkatao Lucario, kaya wag ka muna mag expect sa akin.. Hindi ako yung tulad ng batang ineexpect mo" seryoso kong tugon habang nagpipigil ng emosyon.

"Pero ikaw yung ineexpect kong taong kaya kong guluhin, sa pamamagitan ng titig ko.. And that the reason I like to explore with you"

"Ano bang dapat itawag ko dito, dont get me wrong pero baka kase mag expect ako"

"Kung anong nararamdaman mong meron sa atin, yun na yon"

"So parang ako lang ang nag iisip? Ganun yung dating sa akin" inis ko siyang tinignan.

"Kung ano nga ang iniisip mo yun na yun" paguulit niya.

"Wala akong nakuhang sagot Lucario" kumuha ako ng mumunting shell na nakakapa ko sa buhangin, binato ko yun isa isa sa tubig dagat. "Nagseselos ka, na iinis ka.. para saan?" tumingin ako sa kanya.

"Masaya akong kasama ka, masaya akong nakikita yung ngiti mo, presensiya mo.."

"Yun lang?" tanong ko "Paano kung mag expect ako ng mas malalim pa dun"

"Edi sasabayan ko ang nararamdaman mo, hindi ko hahayaang hindi ko matutumbasan yan"

"May boyfriend ako.."

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon