The 61st Shopa

2.9K 148 24
                                    

CAZI'S POV

Nagagalak akong makita ang mga nag-gagwapuhang prinsipe sa aking harapan. Pakiramdam ko nasa gitna ako ng isang napakapreskong gabi habang nakatayo sa tuktuk ng isang napakalawak na burol tanaw ang kastilyo kung saan naninirahan ang isang prinsesang tulad ko.

Mga alitaptap na nagliliparan sa paligid ng isang Living Barbie Doll. Pakiramdam ko nandiyan sa tabi ang mga karwahe at mga kabayong sinakyan ng makikisig na prinsipe upang iligtas ako sa mangkukulam na ito.

Bakit andito tong bubwit na ito. Naiirita naman tuloy ako. Wag niya sabihing aagawan niya ako ng eksena dito sa mga prinsipe ko.

Balik sa pag-iisip.

Namamangha talaga ako sa kanila. Lalo na ng makita ko ang lalaking may kakaibang kulay ng Kilay. Kakulay ng buhok ko ang kanyang dalawang kilay!

Jusko Destiny na talaga ito.

Siya ang inuna kong nilapitan, kahit nahawi narin ng mata ko si Baby Boy ko. Pero siya talaga gusto kong unahin! Yung suot at pustura kong malaprinsesa na di naman nalalayo sa araw araw kong kagandahan ay papunta ngayon sa lalaking nagmamay-ari ng pink na Kilay!

"Hi.." bungad ko sa kanya. Ngayon lang ako nagkaganito, type ko na talaga siya.

"Who are you?" pagsusungit nito sa akin. Yan ang gusto ko ee.. masungit pero maya maya maakit narin ng aking kagandahan.

"Yung kilay mo at buhok ko itinadhana.. siguro pati rin ang puso natin ay itinakda" Goshhh ano bang nangyayare sa akin!

Grabe lalong kumunot ang nuo niya. Tapos sumalubong ang mga kilay niyang niyang Pink! Lalo akong napapamahal sa lalaking ito!

"Mahal na kita, sana mahal mo na rin ako" Goshhh lalo akong lumapit! Yung lamesa nalang ang pumapagitna sa aming dalawa.

"Yakkkkssss.." sabi nito na ang gwapo parin sa masungit na pagmumukha. Hindi ko batid ang kung anong kabaklaan ng sabihin niya yung mga katagang yun. Lalo siyang naging Hot para sa akin!

Totoo na ito umiibig na talaga ang puso ng Nag-iisang Living Barbie doll! Gusto ko ng mahimatay!

"Hey bro.. sino yang baklang yan?" biglang tanong nito sa kanyang katabi. Napatingin naman ako sa katabi niya na gwapo rin.. moreno tapos may kalong kalong na..

Bigla akong nagulat ng makita siya! Hawak niya yung pusang... Hindi ako pwedeng magkamali siya yung!

"Meowwwww!" ngiyaw nito sa akin na tumalon sa pagkakalong nung isang gwapong lalaki!

Napatingin naman sa akin yung mga prinsipe.

"Meowlee.. Why?" tanong nung nagbubuhat sa kanya.

"Hi Beautiful mingming.." buong kaplastikan na sabi ko. Oh My God! Still alive pa pala ang pusang ito! Pusang Ina Yan!

"Meowwwww!" umaakmang kakalmutin nito ako. Agad ako nangigil kaya kinuha ko yung sandal kong may 5 inches na sobrang tulis na takong!

"Subukan mo!" sigaw ko.

"Meowww!"

"At talagang lumalaban ka! Ahhhhhhh!" ako na hahampasin ko na yun. Humaharang harang tong pusang ito, pati mga prinsipe ko inaakit niya maging amo!

"Subukan mong ihampas yan.. Paduduguin ko talaga yang mukha mong puno ng krayola!"

Hawak ng may-ari ng boses na yun ang kamay kong may hawak na sandal! Putragis.. nakisawsaw ang amo!

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon