The 114th Shopa

1.3K 133 34
                                    

🎈🎉🎊🎂
Happy Birthday Jhommel Masilang Nejal, isa sa pinaka unang reader ko at supporter ng Subdivision Scandal 😍😍😍😍😍

Wish you all the KRABEST Jhommel!
🎂🎊🎉🎈

Ang Chapter na to ay Dedicated para sayo.


DENNIS POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko, nakatitig ako dito sa ginataang tulingan.

Paano nangyari ito? Sinong may kagagawan neto. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Kalma lang" lumapit sakin si Dwife. "Wag mo silang pakinggan" may mga salita kaseng masasakit akong nariringig sa iba naming member.

"Hindi ko alam kung paanong nangyari to"

"Huwag na natin isipin kung sino"  humawak siya sa magkabilang balikat ko. "Isipin natin kung paano, paano natin maipapakita sa may gawa nito na hindi siya ang dahilan para magkagulo tayo bilang grupo"

"Last 30 minutes!" naialis ko yung mga kamay ni Dwife ng maringig yung pag remind ni Sir Chris.

Nailobo ko yung bibig ko at bumuntong hinga.
'Please bigyan niyo ako ng idea Huhuhu'

Okay na yung Buko Recipe namin, etong ulam nalang talaga.

'Isip isip isip'

(--______----)
Lucario please wag ngayon. Kita ko na magkadikit yung mga labi ni Lucario at Jannete.

Biglang napatingin si lucario sa akin, agad naman ako umiwas.

Dumagdag pa sa isipin ko haist.

"Paano kaya pag nilagyan natin ng asukal?" suggest ni Drew.

"Huwag, mawawala yung original na lasa" pagkontra ko.

"Edi yan nalang ipapasa natin, no choice na" sagot niya ulit

"Hay nako bebeko di ka nagiisip alam mo namang maalat diba?" tinarayan siya ni Jona. "Kung ASINta de rossi lang yan, pwede na iulam sa kanin" sabay tawa nito. "Hoi di kayo relate kase rich kid kayo Hahahaha"

Ting!

BIGLA AKONG MAY NAISIP DAHIL SA SINABI NI KUYA JONA.

"Mga baklang to anseseryoso hahahaha"

Agad kong niyakap si Kuya jona. "Thank you sa idea!" sabi ko sa kanya.

"Ha?" sabi niya.

"Guy's may naisip na ako!" sabi ko sa kanila.

"Ano?" sabay sabay nilang tanong.

"Tulad nga ng sabi kanina ni Kuya Jona ang asin daw masarap i ulam sa kanin, yung kanin kase natatakpan niya ang alat"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon