The 81st Shopa

4.3K 186 61
                                    

DENNIS POV

Ilan pa bang tao na kakilala ko, na kakilala rin ng mga taong ito? Tahimik nalang ako dito sa loob ng sasakyan, nakatingin sa bintana at hinihintay makarating dun sa party.

Ang lamig nga dito sa loob ng sasakyan pero, parang pinagpapawisan ako. Di ko rin maatim na tumingin kay Ogie, hindi ko parin kasi alam kung anong irereact ko.

Matagal narin kameng di nagkikita, alam ko kase ay grumaduate na siya last school year. Hindi ko alam kung san siyang university nag-aaral.

Isa pa sa kinababahala ko, isa kase siya sa mga nakalaro ko ng apoy. Hindi ko tuloy alam kung nagkekwento ba siya dito sa mga kaibigan niya. Bakit ba kase magkakilala pa sila!

Hindi ko maintindihan!

BAKIT LAHAT NALANG NG TAONG KAIBIGAN NI KRAB AY NAKIKILALA KO RIN, AT ANG MAS MALALA NATIKMAN KO NA RIN!

Wahhhhhhhhhhh..

Pero di pa naman kame nun ni Krab, since nang makilala ko siya. Tsaka matagal narin yun, siguro naman erase erase na ang mga bagay na yun sa kanya. Parang mabait naman si Ogie ee.

Pero di ko parin talaga maiwasan kabahan.

(--____--)

.....

"Okay ka lang ba" yan nagtanong na siya. "Naiilang ka ba" hu? Ako daw naiilang! My God!

"Ba—bat naman ako maiilang" pautal utal na sagot ko.

"Musta school?" tanong niya. Ngayon ko lang ulit siya natitigan ng ganito, ang amo pero gwapo parin ang mukha niya. May salamin nga lang siyang suot ngayon. So namangha nanaman agad Dennis? Aist!

"School parin" sagot ko. Napangiti nalang siya at nakita kong kinuha nalang ang cellphone at dun tumingin. Tatanong tanong tapos bigla tatahimik at parang binalewala nalang nanaman ako!

Sa unahan naman ay nagtatalo yung magkapatid. Tungkol dun sa music na pinapatugtug.

Nailang naman ako bigla ng mapatingin ako kay Ogie, nakatingin pala siya sa akin. Yung mga tingin na yun, tila gusto ipahalungkat kung ano man yung merong ganap sa amin nuon.

Kainis bat pa kase ako pinasakay dito ni Kuya Brenth. Pinapahamak niya ako e, tsaka di man lang siya magsabi na may kaibigan pala siya dun sa subdivision kung saan kame nakatira.

Lumipas ang mga sandali na nakaramdam na ako na malapit na kame. Base rin kase sa pag-uusap nilang tatlo.

Di nagtagal..

"Were here.." sabi ni Kuya Theo. Napatingin naman agad ako sa bintana, huminto kame sa tapat ng isang magandang bahay. Mayamaya ay nakita ko na si Whiterou, napapalapit dun sa pwesto ni kuya Gheo.

Binaba ni kuya Gheo yung bintana sa harapan at nakipag-usap na siya dun kay Hapon.

"Hey bro thanks for coming" bungad niya.

"Para sayo whiterou.." sagot ni Kuya Gheo. "Where's the birthday girl?"

"Ah nandun sa loob kasama mga kaibigan" biglang napagawe yung ulo niya na pinasok niya pa talaga. May lahi ata itong giraffe e! "Hey! Looks who's inside!" alam kong si Ogie ang tinutukoy niya kaya wapakels ako.

"Binitbit namin para sayo teroy" sabi ni Kuya Theo.

"Tangina Ogie.. ang gwapo mo na men!" Luh makagwapo tinalo pa ako.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon