The 95th Shopa

1.8K 150 38
                                    

DENNIS POINT OF VIEW

Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sakin ang isang lalaking nakabulagta sa loob ng locker room. Hindi ko alam bat biglang lumakas ang tibok ng puso ko.Dahan dahan kong nilapitan ang lalaki. Pero bago ang lahat ay napapatingin talaga ako sa maselan niyang katawan. Napapatulala ako sa umbok na namumuo sa bandang.... dun sa may ...

“Hmmmm..” biglang naputol ang imagination ko ng madinig yung mahina niyang sambit. Agad kong nilapitan ang lalake at hindi nga ako nagkakamali sa nakikita ko. Si lucario ang lalaking nakabulagta sa sahig. Agad ko siyang inalalayan.

“Uyyyy...” sambit ko. Pero nagulat ako ng maramdaman kong sobrang init ng kanyang katawan. “Shettt” di ko mapigilang nasambit. Habang inaalalayan ko siya ang napansin kong namumula na ang kanyang mukha. Muli kong idinampi ang aking mga kamay sa kanyang leeg at noo. Walang duda nilalagnat siya! Hala anong gagawin ko?!!

Grrrr.. Anong oras na magsisimula na ang laban niya. Pagtingin ko sa orasan na nasa loob ng locker room ay 1:26 pm na. Pinaupo ko siya sa may bench, tinitigan nalang muna  siya habang nag iisip ng gagawin. Merong maliit na refrigerator sa loob ng locker room. Lumapit muna ako duon, at tinignan kung may yelo akong makikita.

Malamig na tubig lang ang mga nandun. Pwede na to.. Agad akong naghanap ng bimpo sa paligid. Andaming nakasabit dun sa may mga hanger. Agad akong kumuha ng bimpo at binasa yun gamit yung malamig na tubig. May banyo rin sa loob kaya dun ako nagpiga ng Bimpo. Muli akong bumalik sa pwesto niya at tumabi na ako sa kanya.

Namumula na talaga siya. Kaya naman nilagay ko na yung bimpo sa noo niya. Ringig ko rin yung pag iling niya, tila parang nahihirapan siya. Humingi na kaya ako ng tulong sa labas?

Ou yun ang tama!

Pero tatayo na sana ako ng biglang napatumba siya sa mga hita ko. Sheetttt.....

Dug.. Dug..Dug..Dug..
💚💚💚💚💚💚
Dug.. Dug..Dug..Dug..
💚💚💚💚💚💚
Dug.. Dug..Dug..Dug..
💚💚💚💚💚💚


DWIFE POINT OF VIEW

Biglang napahinto yung Swimming competetion ng may lumabas na kakaibang Video sa malaking monitor na nakapwesto sa Gymnasium.

Pero kinagulat ko ng makita ko si Kuya. Kaya pala wala siya dito sa area. Pero ang mas nakakagulat ang pwesto niya. Nakahiga siya sa hita ng isang lalaki.... Pero dahil malayo yung kuha di ko makita kung sino yung isa. Pero walang kung anu-ano biglang nazoom yung video dun sa dalawang taong nasa loob ng Locker Room.

Ang linaw ng kamera, tapos ringig mo rin nang ang nangyayari sa loob. Wtf... Anong ginagawa nila?! Mas kinagulat ko ng makita ko kung sino yung isa...
Si Hernandez yun ahhhh...

DENNIS POINT OF VIEW

“Ang sungit sungit mo... pero pag may sakit ka pala mukha kang tuyong...” ano nga ba? Wala naman ako  maikumpara sa kanyang panget na nilalang. Grrrr.. Pinisil pisil ko nalang yung pisnge niya. Ano bato na dedestruct ako sa nakikita ko. Kahit ba may sakit malaki parin chance na matigas parin yung.... Oh talagang malaki lang natural yung ano nga.

Hmmmmmp.. Bad Dennis! Erase Erase!
Tinitigan ko ulit siya. Namumula na talaga siya.. Kaylngan na niya talaga ng tulong. Tatayo na sana ako ulit, pero nagulat ako ng maramdaman kong bumigat ang ulo biya sa Hita ko. Ibig sabihin ba nito?!! “Oi Lucario!! Gising k ba?” tanong ko sa kanya.

Di siya nagsalita. Grrrrrr... Gising nga to ginogoyo niya nanaman ako. Sa sobrang inis ko ay pinaglaruan ko mukha niya.. Heheheheh ayan di ka gigising!

Hahahahaha Bahala ka kung may sakit ka Bwahahahah. Pero bigla ako nakonsensiya... Mainit parin talaga siya.
Inayos ko yung bimpo sa noo niya. Ang bilis nun matuyo. Kaya naman inalalayan ko ang ulo niya at nagulat ako ng walang pwersang pumigil. Muli akong kumuha ng bimpo at binasa ulit yun at pinalitan ko ulit ang nasa noo niya.

“Wait mo lang ako diyan.. hihingi na ako tulong sa labas” sambit ko. Pero palabas na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Salamat naman may to the rescue agad.

Pero nagulat ako ng makita ang lalaking nasa harapan ng pinto...

Si Dwife habang buhat buhat si Maulee.
“What happen?” tanong niya sakin na parang tila alam na ang nangyari sa kapatid. Medyo pagulat naman  ako napatingin ulit kay Lucario , tapos muling tingin kay Dwife.. “Nilalagnat siya..” mahina kong sabi.

Pero bigla siyang ngumisi. “Salamat sa pag asikaso kay Leeford..” aniya sabay lapit sa pwesto ng kapatid.

“Ah ako?” sabay turo sa sarili ko. “Hindi ahhh nadaanan ko lang kase tong kwarto bukas tapos nasa loob pala---” naputol pagsasalita ko ng magsalita pa ulit si Dwife.

“Di mo naman kailangan magsinungaling.. kase nakita ko naman  ang lahat” sabi niya. Bigla akong natameme sa sinabi niya.

“Huhh?” aniko. Kumabog talaga ang dibdib ko. Napa isip ako sa mga gingawa ko kay Lucario kanina. My Godddd!! Nakita niya akong Ginagawa ko yun? Tapos nakita niya konnnngg!!!

“I mean nakita ka naming lahat..” mas lalong kumabog ang dibdib ko ng maringig ko yun! Anong ibig sabihin niya?!!

“Di ko alam sinsabi mo?” sabi ko naman. “Sige lalabas na muna ako.. hihingi ng—”

Nagulat ulit ako na may pumasok na mga medic sa Locker Room. Hala! Bat pala alam nila?!

Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang mga ngiti.. ngisi sa mukha ng mga medics n nasa loob na.

“Cute niyo..” dinig kong sabi ni kuyang nurse. Sabay punta na sila kay Lucario. Si Dwife naman ay tumutulong din sa pag asikaso sa kuya niya. Pero laking misteryo sakin kung anong nangyayari?

CAZI'S POINT OF VIEW

“Araaaayy.. aray..araaaayyyy” hinampas ko yung panget na lalaking umaalalay sakin. “Bitawan mo nga ako! Wag mong idampi yang  madudumi mong kamay sa aking makinis n katawan!”

Nagulat ako ng bigla ako nitong bitawan. “Putang ina mo!” bigla ulit akong dumausdos. Omayyydgadddddd!! “Oi!” sigaw ko!

“Ikaw na nga tong tinutulungan, ikaw pa ang galet. Kung madumi ang kamay ko.. ikaw madume ang mukha mo! Bakla” sigaw nito sabay takbo paalis.
Geeeeeezzzz!!

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon