THE FINAL SHOPA

2.1K 156 172
                                    

DENNIS POV

Nagpahinga muna ang buong Team, isang napakalawak na kagubatan na puno ng maraming natural resources.

Dito muna magpapalipas ang lahat, para makapagpahinga at makapag ayos narin ng mapananghalian.

Sobrang nakakagutom yung trail, sobrang challenging at the same time napaka emotionally searching din.

"Diyan kalang" sabi niya sabay naglakad na silang apat. Kasama niya si Threz, Dwife at Drew.

Naiwan kame ni Jona, dito sa pwesto namin.

"Ang seryoso kanina, anong chukchak chenes ng jowa" ngingiti ngiti pa siya. Pinagpipilitin niyang boyfriend ko na si Lucario, pero ilang ulit ko namang sinasabing nanliligaw palang.

"Gusto niya daw makilala pamilya ko" ako na naalala nanaman ang pakiusap ni Lucario.

"Ay ganda mo bebe" parang kinikilig na aniya. "Bihira sa lalake ang ganyan" seryosong tugon ni Jona. "Hulaan ko, ikaw ang hindi handa"

Bumuntong hininga ako.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan" sambit ko naman.

"Hindi mo naman kase dapat simulan, dahil nasa dulo ka na" iba siya ngayon, anseryoso talaga. "You need to step up sa finish line"

"Kinakabahan ako sa masasabi ng mga kuya ko" iniisip ko parin ang mangyayaring pag amin' nakikita ko na ang magiging reaksyon ni Kuya Clifford.

"Mas kabahan ka, kung biglang siya ang mawala" natatawang bahagya siya. "Answerte mo, yang ganyang lalaki, tapos ikaw ang napiling ligawan Bebe"

Alam ko maswerte ako, pero kase hindi ko talaga alam kung paano ko gagawin yung pag amin.

Sabi nga ni Jona,malapit na ako sa finish line. Konting lakas ng loob nalang ata.

"Kung ako yan, balandra ever ko si Jowa sa buong school. Ipagmamalaki ko pati sa pamilya ko!"

"Magkaiba tayo, open ka sa family mo"

"No bebe ang pinagkaiba natin, tinanggap ko ang sarili ko" lumapit siya sa akin. "Nagtatago ka pa sa anino, Try to light up your world"

"Paano"

"Sundin mo ang gusto mo nang walang ibang iniisip, Be true to yourself. Baka sukuan ka ng sarili mo pag patuloy mong itatago yan"

Isang senyales lord. Pag naringig ko talaga siyang sabihin na mahal niya ako, pramis aamin na ako sa mga kapatid ko.

"Let Leeford the ilaw, sa madilim na silid ng Baklang Bebe Hahahaha"
Pinagtawanan niya talaga ako.
"Pero ah, alam mo bang siya ang unang lalaking nakilala ko na gusto makilala ang pamilya ng nililigawan niya"

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon