The 97th Shopa

1.7K 116 38
                                    

DENNIS POV

Nagpasalamat ako sa lahat ng tumulong sa akin para makasurvive sa pageant na sinalihan ko.

Nung gabing iyon ay nagkaroon kame ng problema ng di ko maalalang hanapin si Karim. Natagpuan namin eto ni Joey na tuloy na nakakulong sa Storage Room.

Andaming tanong sa isip namin kung sino ang may gawa nun. Theory ni Karim ay ako talaga ang planong ikulong sa Storage. Nakwento ko rin sa kanila yung pagtatagpo namin ni Carlito sa Stage entrance.

Kaya naisip namin kagagawan ng baklang yo’n ang pagkakakulong ni Karim. Mabait parin sakin ang tadhana at naituloy at naipanalo ko yung contest.

Masiramun gyud sa pagmati!

X
X
X

Kinabukasan ay muling nagtipon ang lahat ng Studyante sa Gymnasium ng TIS.

Over-all champion ang TIS na may 48 na panalo sa buong olympics.

“Eto ang unang pagkakataon na magkaroon ng Inter High Olymlics sa ating Distrito” pahayag ng tagapagsalita ng Organisasyon na bagong buo na binubuo ng anim na eskwelahan.

DABAST -Dabest!

Yan yung tawag sa sa Organiztion na maihahalintulad sa UAAP.

“Dahil sa maayos na pagtatapos ng Olympics ay nais namin ihatid sa inyo ang magandang balita”

Katabi ko sa upuan si Miggy na nakikinig din.

“Hmmm?” sabay tingin sa akin. Nag ayos naman ako ng tingin at binaling ulit sa nagsasalita sa stage.

“Magkakaroon tayo ng DABAST CampHigh” biglang umugong yung saya sa loob , sa sobrang dame ng tao ay kahit simpleng bulungan ay nagiging ingay na.

Pero shet! Camping?

Dun ko nakabonding si Krab hangang sa tuluyang maging kame hehehehe.

“Pero sa kadahilanang marami ang papulation ng DABAST Community” pagtutuloy niya. “Hahatiin namin sa anim na Camp site kayong lahat”

Hindi ko gets? So per school iba ibang lugar ng Camping site. So Bat may pa DABAST keme pa?

“Per site ay binubuo ng ibat ibang studyante galing sa anim n eskwelhan” pagtutuloy niya. “In short.. magbubunutan kung saang Grupo ka mapupunta”

Sana per school nalang. Hirap nanaman if di mo kasama mga taong gusto mo makasama.

“Naruto..”

“Hmmm?” sabay tingin nito sa akin.

“Sasama ka?” tanong ko sa kanya. Umakto naman tong nag iisip.

“Pagpareho tayo ng site” sagot nito. “Pinababantayan ka sakin ni Brenth eh” Hala! Anu man ine si kuya Brenth.

“Woi!” sinimangutan ko siya. “Bat naman ako babantayan?” tanong ko. “Ang bait bait ko kaya” sabi ko pa.

“Mabait pag tulog” sabi niya. Sabay tawa ng bahagya.

Grrrrrrrrr!!

KAMENG dalawa lang ni Miggy magkasama. Di ko alam if nasaan sila Karim kahit sila Louie at Billy di ko nakita.

Si ate Myril at Peter Pan naman ay magkasama dun sa mga Senior. Ayoko rin muja makakkita ng mga galing sa school. Ayoko muna makantiyawan.

“Nga pala Miggy” tinapik ko siya ng malakas. “Bat wala ka kagabi”

“Andun ako..” sabi niya sa akin. “Di mo lang ako napansin kase.. andame mo manliligaw” sabay ngiti siya.

“Wala.. wala ka talaga” sabi ko na parang nagtatampo.

Agad naman nitong piningot yung ilong ko. “Madame kase akong inasikaso sa bahay” sagot niya. “Wag ka magtampo.. di na ako aalis sa paningin mo”

Hindi pwede! Privacy.. Pricvacy   Naruto!

“Loko” sabay nakangiti nalang akong bumaling ulit sa mga tao dito sa stage.

MAGKASAMA rin kame ni Naruto umalis pagkatapos mg awarding at announcement. Nasa pathway palabas na kame sa TIS ng maaalala ko bigla si Lucario.

Wala ata siya sa paningin ko ngayon.. Pagkatapos nung pageant di ko na siya nakita. Abnormal yun, parang wala lang ata sa kanya yung pinaggagawa niya sa akin nung gabe ng pageant.

“Paano.." bumalik paningin ko sa paglalakad ng sabihin ni Naruto yan. Tinignan ko siya. “Dito ako sasakay do’n ka sa kabila” aniya.

Narito na pala kame sa labas nitong Trinity. Di parin nagbabago ang ganda parin ng eskwelahan na eto.

“Ou na..” nginusuan ko siya “Bat kala mo sasama ako sayo” biro ko .

Ngumisi siya “Pwede naman” sabi nito.

“Sira” sagot ko. “Sige una na ako” pagkatapos ay tumawid na ako papunta sa kabilang kalsada.

“Ingat!” dinig kong habol niya. Pagtingin ko ay nakasakay na siya ng Jeepney.
Wala bang motor o any sasakyan yun si Naruto? Mukhang napera naman siya eh.

Di naglaon ay may dumating narin na sasakyan papunta sa UPS 2.

🏘️ BAHAY🏘️

Agad akong dumeretso sa kwarto para magbukas ng laptop.Pero ganun parin BZ parin si Krab o baka tulog.

Ayaw ko ikwento sa kanya na sumali ako sa Ms. Equality baka magselos nananan yun. Dito nga sa bahay tinago ko rin yung tungkol dun eh.

Si Kuya Brenth lang din ang nakaka alam. Habang naka ungko ako sa Study table ko ay naramdaman ko sa paanan ko ang balahibo ni KribKrab.

“Meow..”

Binuhat ko siya mula sa sahig tapos pinatong ko sa mesa.

“Kumusta naman ang antuking pusa” tapos minasahe ko yung bandang leegan nito na kinakatuwa niya.

Si Maulee kaya Kumusta?

LEEFORD’S POV

“Meoww”

Bakit nanaman kaya. Bigla nalang etong nagising sa pagkakatulog sa may sofa dito sa kwarto.

Tanghali na pala ako nagising. Di rin ako nakapunta sa awarding sa school. Di bale na wala rin naman akong panalo ngayong sport fest.

Tumalon papunta sa kama si Maulee at agad nagsumiksik sa akin. Tsss..

Nakaboxer lang ako kaya yung kapit ng mga kuko niya sa katawan oo ay damang dama ng aking balat

“Hey” binuhat ko siya at inilagay sa may ibabaw ng tiyan ko. “Hungry?” tanong ko dito.

“Meow” tila pagsusungit sa akin ni maulee.

“Oh anu nananan?” mula sa ibabaw ng katawan ko ay naglakad ito hangang sa matungo ang mukha ko. At sinimulan na niya ang pagdila.

Wala pa akong hilamos, yan agad ang bungad mo sa akin.

Tss..

Kinuha ko na siya at nilagay sa kama. Ako naman ay pumunta na muna sa banyo para maghilamos at magsipilyo.

Habang nagsisipilyo ay naalala ko nanaman yung mukha ni Dennis sa naganap na Pageant nung isang araw.

Maganda pala siya kung naging babae. Paghanga ko sa aking isipan.

Napapangiti nalang akong inaalala pag niloloko ko siya sa pamamagitan ng pag halik. Sa kanya ko lang nagagawa yun, yung pagiging inosenta niya ang mas naguudyok saking gawin ang mga ganung bagay.

Pero inosenta nga ba siya?

Mukha kaseng sanay siya sa mga ganung bagay. Sabagay sabi niya nga sa akin may Boyfriend daw siya.

Mahusay..
Kung naging babae lang sana siya baka magbago pananaw ko sa pagmamahal ko kay Maureen.

Sabi niya uuwe siya. Pero hindi pala yun natuloy dahil tinutulan siya ni Tita Marileen. Bat ba kase di mo ko matutunan mahalin. Kulang pa ba ako? Pero bat ganun .. sa nakikita ko sa iba Perpekto na ako .

Dahil ba napilitan mo lang akong sagutin. Dahil hindi ka kayang tanggapin ng lalakeng yo’n.

Tss.

Buti nalang may isang tao na nagbibigay ngiti sakin. Taong tinatawag ako sa pangalan ng isang Pokemon.

Yun taong ang sarap lokohin ansarap paglaruan dahil sa pagkamangha sa bawat bagay na nakikita sa akin.

LUCARIO... Tss.
🙃🙃🙃🙃

KINABUKASAN nagkakagulo sa room ng dumating ako. Pero hindi yun dahil sa nakita nila ako.

😏😏

Medyo late nanaman ako kaya di ako makasabay sa kanila.

Dumeretso na muna ako sa upuan at tulad ng ineexpect ko, Agad lumapit sa akin si Calvin at Jairu.

“Lee!” si Jairu sabay gusot sa buhok ko.
Tsss..

“Alam kong hindi mo alam, kaya ipapaalam ko na sayo” sabi niya. Kaya naman tumango nalang ako senyas na handa ako makinig.

Ipinaliwag niya sa akin akin na may magaganap daw na DABAST CampHigh Kampay!

Anim na lugar pero ang makakasama mo ay ibat ibang studyante mula sa anim na eskwelahan.

ISLA
BUNDOK
HISTORICAL PLACES
ANIMALAND
LAKE
FRUIT & VEGETABLES

Yan daw yung anim na tema sa magaganap na Camping. Anong kalokohan.. Tss..

Pero mas kinagulat ko ang isa pang sinabi ni Jairu. Tila magiging Reality Show daw ang Camping dahil may elimination daw magaganap sa Limang araw na Camping per Site.

Pagsasamahin daw lahat ng 5 matitibay na matitira every site at icoconpete para sa National Competetion.

What?!

“At ang pangalan daw nung Contest na magpaparticipate halos ng mga School District Organization ay PINAS CAMP SAYA!” si Jairu na tila nagkikinang ang mga mata

“Kaya andaming excited..” suporta naman ni Calvin. “Malaki daw premyo sa mananalo da PINAS CAMP SAYA”

“Ahhhh” matipid na sagot ko na di interisado. “Kaya niyo nayan”

BIGLANG UMIBA ANG MUKHA NG DALAWA.

Tsss..

“Oii Lee!!”

“Ou na.. manahimik na kayo” sagot ko. Gulat naman ako ng hilahin nila ako papunta sa harap at padukutin dun sa Box.

Iisa nalang to.
“Last nayan..” sabi ni Billton. Pagkabunot ko ay agad akong bumalik sa upuan.

“Uy Lee” sabi ni Jairu. “Anong nabunot mo?” tanong niya. “Kame kase ni Calvz parehong LAKE” pagmamalaki niya.

Binigay ko nalang sa kanila yung papel para sila ang tumingin.

“Ay ...” malungkot na sabi ng dalawa. “Hiwalay ka sa amin Lee” malungkot na sabi ni Jairu.

DENNIS POV

“ Bawat camping site magsesearch ng mga deserving na makasali dun sa PINAS CAMP SAYA!” bulyaw ng isa kong kaklase.

“Dun sa FRUIT VEGETABLE baka yung mga magaling magluto ang kukunin” sabi ni Cassy.

“Tapos baka dun naman sa ISLA .. yung mga marunong lumangoy!” sabi pa ng isa kong classmate.

“Tapos sa Lake yung magaling mangisda?.. Charrr” biro nanamn nung isa.

Kaya napuno ng tawanan sa classroom. May mga punto naman pinagsasabi nila. Tapos yung sa BUNDOK yung mga matitibay maglakad sa ANIMALAND mga magagaking tungkol sa hayop halimbawa pag maka encounter ng ahas.

Grrrrrr! Ang hirap naman ng Camp ngayong School year parang Survivor Philippines. Pero sana napunta nalang ako sa madale.

Kaso...

NAGKATINGINAN ulit kame ni Karim at Miggy.

Iba iba kase nabunot namin. Si Miggy Lake, si Karim naman Historical Places tapos ako...

ISLA
Huhuhuhuhuhu..

Parang hirap mag camp dun. Ano naman kaya mga gagawin.

Pagkatapos makabunot ay muli kameng tinawag para iinput sa computer ang mga nabunot namin sabay punit.

Look nalang daw namin email namin dahil soon makaktanggap daw kame ng Scan Code. Kung para saan daw yun?

Paliwanag nalang daw pag may schedule na ng Camping.

JUSKO KINAKABAHAN NA AKO
😰😰😰😰😰😰

RECESS ngagsamasama kame sa Canteen. Ako, Karin, Joey, Miggy, Louie, Billy, Ate Myrik at Peter Pan na kanina pa nakasimangot sa akin

WHUT?
Pagkausap ng mga mata ko sa kanya. Kaso di nito Pinapansin.

“So wala kang kasama sa amin Dennis” Pagsasalita ni Ate Myril. Nalungkot naman ako na iba iba sila lahat. Walang nakabunot ng ISLA sa kanila.

Si Joey pareho sila ni Karim. Ate Myril at Peter Pan pareho silang sa Bundok. Louie naman sa Animaland at si Billy sa Fruit and Vegetables.

“Hahahahahahahaa”

Biglang nagbago yung mood naming lahat ng maringig ang paghalakhak ni Carlito.

“Sana maraming Hot Boys sa Island!” sigaw niya. Pinagtititnginan na siya ng mga tao. “More lalake more bakat!” halos mapapikit ako ng maringig ko yun.

Nakakagigil wala siya sa tamang lugar magsisigaw ng mga bagay na yan!

Maya maya ay papalapit na siya sa pwesto namin. Kasama niya parin yung tatlo niyang alipores na mapapansin mong may mga pasa malapit sa mata.

“Kumusta ang Ms. Equality..” sabi nito sabay silip ng muka niya sa mukha ko. Pero iniwas ko ang tingin ko.

“Ang ayaw ko sa lahat” nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko at oinihit niya paharap sa kanya."Ang di ako pinapansin”

“Bitawan mo siya!” si Naruto na patapon na inalis ang kamay ni Carlito.

“Awwww baby boy why you do this to me"pag iinarte niya -sabay halakhak."Gusto ko lang naman icongratulate yang Baklang yan!” sigaw neto.

Sheeeett ano tong sinasabi niya!

“Pag di ka pa tumigil.. makakatikim kana sa akin” gulat naman ako ng pumunta si Peter Pan sa harapan ko.

“Tohhlohhgahh! Swerte ko nana  makakatikim ako ng masarap!” sabay labas dila niya kay xavier na parang takam.

“Woi bakla!” sigaw ni Joey. “Napaka inggit no naman ata?” sabi pa nito.

“Hoi tomboy! Baka ikaw ang inggit!”

Nakaramdam na siguro siya ng mapansin halos lahat sa Grupo ay masama na ang tingin sa kanya.

“Hindi kana nahiya Dennis” sabay krus ng kamay neto. “Nilolooban mo ang isang lalake sa locker room ng swimming pool!”

Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. “Ganun ka na ba kabading?” aniya saby ngisi. “Akala ko ba bawal ang bakla na mag Ms  Equity.. diba dapat straight!”

“Wala kang ebidensya” kinakabahan kong sabi. Alam ko konti lang nakaka alam ng yo’ngnangyari sa Swimming Locker Room

At alam ko.. wala namang video na Lumabas.

“Meron akong ebidebsya...” malademonyo niyang pagngisi. “Ilalabas ko ang lahat ng baho mo Hernandez! Magkakalat na ang berdeng dugo mo sa kahihiyan Bwahahhahaahahah!!”

Paano pag totoo nga ang sinasabi niya. Paano pag bigla niya nga iyong pinost. Paano pag makita nila Kuya.. Paano pag mabalitaan ni Krab.

Paano na ako ngayon.
😭😭😭😭😭😭

“Pero .. pwede naman magbago ang desisyun ko..” muli siyang lumapit sa akin. Sasapakin na sana siya ni Miigy at Xavier pero pinigilan ko silang dalawa.

“Pero kung papayag ka?” siya na nakikita ko ang maitim na binabalak sa mga mata niya.

“Gagawin ko ang lahat..” napayukong sabi ko

“Dennis..” si Naruto na nakatitig sa akin.

“Wala na akong ibang choice.. Ayoko kumalat kung ano man meron sila laban sa akin” sabi ko.

“Ano ba ang gusto mo kapalit” muli ko siyang hinarap.

“Lumuhod ka at halikan mo ang sapatos ko”

“Pinagsasabi mo!” sigaw ni xavier.

“Wag mo siya pakinggan Dennis” si naruto na tila hinaharangan ako.

“Okay tara na girls” aya niya sa mga alipores niya. Hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot ako sa baka gawin niya.

“Teka” pagpigil ko sa kanila. Papikit akong lumapit sa kanya.

“Dennis!” si naruto at xavier.

Nilingon ko sila. “Sarili kong desiyun.. unawain niyo nalang” sabi ko

“Ano ba yung sinsabi ng baklang yan” sabi naman ni xavier na lalong kumunot ang noo. Hindi pala nakwento sa kanya ni Ate Myril.

“Mamaya na ako magpapaliwanag sa inyo” sagot ko sabay balik sa harapan ni Carlito. Andami na pala ng tao.

“Antagal naman..” inip na sabi niya.

IPINIKIT ko ang aking mga mata sabay luhod sa kanyang harapan.

“Hahahahahahaahha” tawa niya. “Para kang aso..” sabi niya. “Halikan mo na ang mga sapatos ko!” sigaw niya.

X
X
X
X
X
X
X

HINDI ko inaasahan ng biglang may humawak sa mga balikat ko.

“Tumayo ka diya’n” utos sakin ng pamilyar na boses.

“Hoy Bakla.. anong ginagawa mo sa kaklase namin” tinig ng isang babae. Naramdaman ko na biglang dumami ang tao sa tabi ko.

Pagmulat ko ay nakita ko ang iba kong kaklase sa gilid ko at mas lalo akong nagulat ng nakita ko si Dwife sa tabi ko.

Tumungin ito sa akin.
“Tumayo ka” sabi niya.

“Hoi mga paki alamerong mga amoy isda!” bulyaw ni Carlito. “May kasalanan sakin yan kaya yan lang ang kabayaran!”

“Tss..”

Napatingin ako kay Dwife ng suminghal eto. Ang gwapo niya sa pustura niya bitbit  ang isang Canister na tiyak puno ng mga drawing niya.

MAGKAPATID NGA SILA.

Maya maya ay naramdaman kong inalalayan na ako ni Naruto patayo.

“Wala kang karapatan paratangan siya ng kung anu ano” sabi ni Dwife kay Carlito. “Anong masama kung tulungan niya ang kuya ko sa locker room” sabi pa neto.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Carlito!

“Ku..Kuya!” sabi neto.

“Magkaibigan silang dalawa.. kaya anong magagawa mo kung sweet silang tignan sa sitwasyong yun” sabay ngisi si Dwife. “Naiinggit ka ba dahil gusto mo ikaw ang nasa pwesto ni Dennis sa mga oras na iyo’n.. Tsss”

Tila natahimik ang bunganga ni Carlito  “Wala akong paki alam basta yang Hernandez nayan ay peke! Bakla! Lumot lamang dagat!” sigaw niya sa akin.

“Bakit anong tingin mo sa sarili mo?” tanong ni Dwife sabay ngiti. “Lamang lawa?” nagtawanan yung mga tao sa paligid.

“Basta humanda ka Hernandez! Ikakalat ko ang dapat ikalat!” sigaw ni Carlito sa akin.

“Ikaw ang humanda” natahimik lahat ng mga tao ng magsalita si Dwife. “Ikaw ang huling nakita sa CCTV na lumabas sa locker room bago nangyari sa kapatid ko yung pagkahilo niya”

NANDILAT ANG MGA MATA NI CARLITO!

“Pag napatunayan na may kinalaman ka sa nangyari sa Kuya ko ay mapapatalsik ka sa eskwelahan na eto” paliwanag ni Dwife.

“Ano!” gigil na bulalas ng baklang tikbalang.

Sa mga oras na yo’n ay naginhawaan ang pakiramdam ko. Iritableng tumingin sakin si Carlito at tumalikod na eto kasama ng mga alipores siya.

Nagdadabog na tila baliw.

PAGKATAPOS ng insedenteng yun ay sabay sabay na kame umalis sa canteen. Nangako ako kay Miggy na ikekwento ko sa kanya next time at pinagkatiwala ko nalang din kay Ate Myril ang pagkekwento sa Jowa niya na tila lalong yamot na yamot na sakin habang katabi ko si Dwife.

Naiwan si Karim at Joey sa canteen. Si karim naman ay andameng message sakin sa messenger. Ayoko muna magkwento sayo ikakapahamak ko.

Si Louie at Billy naman ay humiwalay na sa amin pabalik sa classroim nila.

“Salamat..” nasa likuran kame ni Dwife ng mga kaklase namin.

“Wala yun..” aniya sabay tingin sa akin. “Wala ka naman talagang kasalanan”

Ngayon ko lang siya nakitang malapitan. Pogi rin talaga siya. Yung tube lang talaga ang lagi niyang sukbit na para talagang lagayan ng pana.

Ano ba dennis! Bat mo ba minmasdan ang lalaking yan.

“Tsaka.. baka mapagalitan ako ni Kuya kung di kita pinagtanggol” sabi niya habang nakapamulsang naglalakad.

Nahiya naman ako bigla.

“Hindi naman kame nun magkaibigan”sagot ko naman. Pero tila hindi niya eto pinakinggan.

“Wag ka masyado nagsosolo, nandito kameng classmate mo..”  sabi neto sabay iwan na sa akin. Mabilis siyang naglakad papunta sa iba naming kaklase.

“Mangha ka naman masyado” gulat ako ng magsalita si Naruto. Andito rin pala siya sa gilid ko.

KWINENTO ko kay Miggy yung nangyari sa akin.  Tapos ayun wala man lang ka reareaksyon. Abnoy na ninja!

Pagkatapos ng klase ay agad akong umalis sa Classroom. Si karim nanaman kase nangungulit. Si Naruto naman kanina ayun cutting nanaman  mag bibiliards daw siya.

Hindi ko alam kung saan.

Pinasalamatan ko rin ang magigiting kong mga classmate sa pag defend nila sakin kay Carlito at ayun nga. Wala na daw ilangan kase magkaklase naman daw kame.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa Eskwelahan ay nakita ko si Peter Pan. Nakasandig sa poste at nakapamulsa.

Nakita niya rin agad ako.

Kung diri mo ko gahuyon , di man ako mig arani kanimo! Cheeee!

Lalagpasan ko na sana siya ng bigla etong magsalita.

“Grabe talaga” sabi nito. Sinadya ko naman talaga lahpasan siya kunwari para siya unang mag react. So eto na nga.

“Oh” sabi ko sabay lapit sa kanya. “Kanina ka pa ganyan sa akin” pag iinarte ko naman.

“Suss.. ikaw yang nag iba na” sabi nito. “Di na ako pinapansin kase may kasama na siya nung pageant” pabulong na sabi niya pero naringig ko parin.

“Eto naman di ko naman kilala yun ehh” pagsisinungaling ko. “Dapat kase ikaw yung umakyat” ngisi ko sa kanya.

“Kahiittt..”

“Ou nga.. nawala kase kapatrtner ko tapos yung sandals” paliwanag ko. “Wag ka na nga magalit diyan” lumapit ako sa kanya tapos hininat mga pisnge niya para ngumite.

“Thankful nga ako sayo.. kase nagcheer ka sa akin” sabay buntong hininga ko

“Sure ka.. di mo kilala yun?” pag uulit niya.

“Ou nga” sagot ko naman.

“Tsss...

😮
😮
😮
😮


HINDI KO ALAM KUNG SAN NANGAGALING ANG SINGHAL NA YUN!

Agad ako napatingin kay Xavier   nakakunot noo nitong nakatingin sa bandang likuran ko.

Wag naman!

Tumalikod naman ako para tignan ang tinitignan niya.

WAHHHHHHHHHHH!!

Anong ginagawa mo dito Lucario! Kasama neto si maulee na buhat buhat niya. Para silang mag ama na naliligaw ng daan!

“Tss.. Hindi pala kilala ah” sabay ngiwi tapos talikod. Wahhhh bat siya aalis.

Tumingin din ako kay Xavier. Kunot noo naman siyang tumingin da akin.

“Hindi daw kilala” sabi naman  neto sabay padabog na alis din.

WAHHHHHHHHHHH
😭😭😭😭😭😭

X
X
X
X
X
X
X

Sinong hahabulin ko?
🏃🏃🏃🏃🏃🏃🏃

Buwaon ka pan o’ Dennis!


Pero nagulat ako ng tumalikod si Lucario at dahandahan lumapit sa akin. Pero nagulat din ako ng maramdaman ang tapik ni Peter Pan.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko pag aawayan nila ako. Ansabeeee

“Pwede ba kita maka-usap – Lucario! Hahatid na kita Dennis” – Xavier!

 Ansabeeee
“Pwede ba kita maka-usap” – Lucario!
“Hahatid na kita Dennis” – Xavier!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sabay na sabi ng dalawa sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Sabay na sabi ng dalawa sa akin. King Inaaaaaa!!!

😵😵😵😵

To be continued...

VOTE ⭐ and COMMENT 💚 po
THANK YOU!!


SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon