The 120th Shopa

1.3K 120 25
                                    

DENNIS POV

"Im your treasure box, Be my treasure. My hidden treasure" Kinilig ako sa sinabi niya.

Tinignan niya ako.
"Treasure under the sea?" tanong ko. Tumawa ako ng bahagya.

"Hidden treasure inside my mind"
'Mind Mind Dennis, hindi heart ah!'

Nginusuan ko lang siya.

"Kaloka, Hoy kayong dalawa diyan. Anong ekesena? Hindi pa kayo Tom Jones?" Literal na istorbo ang bunganga ni Jona.

Humiwalay kame sa isat isa, na parang walang ginawa.

"Hoy bakla! Ang ingay mo naringig tuloy tayo Hehehehe" tumatawang sabi ni Drew sabay Peace Sign.

"Sabagay mukhang busog na sila sa isat isa, isang yakap lang sapat na. Sana all."

"Kakain na daw" sabi nmaan ni Dwife. Silang tatlo talaga ang magkasama sa pagsundo samin dito.

"Tara na" si Lucario tapos naglakad na at iniwan ako. Tapos huminto siya at lumingon sakin. "Bakit?" tanong niya.

Muli siyang lumapit sakin at umakbay sa akin.
(^___,^)

"Hoy prend kala ko aalis kana" sabi ni Jona.

"Naiwan ako nung bangka eh" sagot naman ni Lucario.

"Eme, namiss mo lang ang Dennis noh" pang aasar ni Jona.

"Ganun narin siguro, pero mukhang di niya ako namiss"

"Hay naku prend nung namulat ever yan, todo hanap na sayo ang lola mo. Asan ang Leeford eme? Tanong sakin tapos super takbo na  Hahahaha"

Nahihiya ako sa mga pinagsasabi ni Jona.

"Hoy bebeko, tabi tayo ahh. Naiinis na ako sayo si Macky na lage mo gustong katabi!"

"Eh sa mag gusto ko siya kesa sayo eh"

"Ano!"

"Gusto kasama, wag kang palabintang. Kung anu ano iniisip ammp"

Dumating kame dun sa venue ng breakfast. Isang mahabang lamesa, at harapan ang upuan.

Kasya ang natitirang 50 na campers, naupo kameng lima dun sa bakante kung saan hilera rin si Threz at Jannete. Pati rin sila Macky.

Ang weird pag upo namin ay may nakalagay na number sa harap namin dun mismo sa papatungan ng pagkain.

One to Ten yung mga number. Nasa harap ako ng number seven si Lucario naman ay number six para saan kaya ito.

Maya maya ang may dumating na mga Crew at may mga hawak silang plato na may pagkain.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon