The 62nd Shopa

2.5K 141 17
                                    

DENNIS POV

Nang makaharap na ako ay, nakita niya rin ako na hawak yung karton. Buhat buhat na ni Dwife si maulee. Wala akong ideya sa dapat gawin, shock parin ako sa mga nalaman kong yun. Kung totoo man iyon anong dapat kong gawin?

"Meow.."

Relax Dennis. Pero paano ako magrerelaks kung ang taong to ay sinasabing kapatid siya ni Lucario, tapos kilala niya pa si maulee! Pero.. pero hindi pwede! Alaga ko na si maulee, binigay na siya sa akin ni Lucario.

(--__--)

Ngumiti siya.

"Andito ka pala.." aniya. Pero ako ay di sa kanya nakatingin kay maulee ako nakafocus, kaylangan ko na siya makuha.

"Ah may ginawa ba siya sayo?" tanong ko sa kanya. Pagsisimula para makuha ko na si maulee.

"Ah siya ba.. pusa siya ng kuya ko" sabi nito sa akin. Siyempre nagulat kunwari ako!

"Ha? E—e akin yan.." agad na sagot ko.

"Sayo?" nagtatakang tanong nito. Tumango agad ako. "Pero?... maulee.." tawag pa niya sa pusa. Tumingin naman si maule sa kanya at tila sumang ayon ito.

"Meow..."

MAULEE NAMAN! AYAW MO NA BA SA AKIN?!

"Talagang friendly lang siya.." sagot ko naman sabay kuha sa kanya kay maulee.. Pero nagulat talaga ako ng di niya ito bitawan. Kaya yung kamay ko napahawak sa mga kamay niya.

TAPOS NAGKATITIGAN KAME! HAISSSST!

Agad akong bumitaw at sumimangot na sa kanya. "Akin na nga kase siya" halata bang nagsisinungaling ako?

"Pero.. may gantong pusa talaga ang kuya ko"

"Bakit asan ba ang kuya mo aaa?!"

Tumingin ito sa paligid. Tapos tumingin sa pusa.. "Seryoso ka sayo ito?" sabay tingin niya pa sa pusa.

"Meow.."

PESTENG PUSANG ITO LUMALANDI PA TALAGA!

"Oo nga, halika na nga dito.." Shet.. baka mabuking ako pagsinabi ko ang pangalan ni maulee! "Fulgosa.."

'Wew pang asong pangalan Dennis! Haissst bahala na talaga!'

Sunod nun ay inakay ko na si maulee. Pero parang ayaw talaga siyang ibigay nung Dwife. "Teka lang.. may titignan lang ako" aniya.

ANONG TITIGNAN NIYA? HALA BAKA MAY SOMETHING NA ACCECORIES SI MAULEE NG HINDI KO NALALAMAN?!

Hindi pwedeeeeeeeeeeeeeeee!

"Dwife ano ba! Di ka ba marunong makinig!" iritang sabi ko dito. "Pusa ko nga yang si Fulgosa.. kulit ahh"

"May titignan lang akohh" natahimik siya ng biglang bumalik yung boses niya sa pagkapaos.. kani'kani na'y normal na iyon.

"Alin ba.. fulgosa?" tang-ina ka maulee bahala ka sa buhay mo! Kung ayaw mo na sa akin di na nga kita pipilitin!

PERO WALA NA AKONG NAGAWA NUNG HAPLOSIN NIYA YUNG BANDANG LEEGAN NI MAULEE.

Napatunganga nalang ako sa kanya ng napatigil siya sa ginagawa niya tapos tumitig rin siya sa akin sabay abot na kay maulee.

"Hindi nga ata siya.." sabi nito.

"Sabi sayo ee.."

GOD KINABAHAN AKO DUN AAA.. HMMMM NAPAMAHAL NARIN KASE SA AKIN SI MAULEE.

KUNG MAY BABAWE MAN SA KANYA, SI LUCARIO LANG YUN AT WALA NG IBA. INFAIRNESS NAMIMISS KO NARIN ANG PAGMUMUKHA NUN.

Kinuha ko na si maulee sa kanya. Siya naman ay tumingin sa akin, parang di parin kumbinse sa mga sinasabi ko.

"Oh bakit?" naiilang na kase ako sa mga titig niya.

"Naalala ko lang yung pusa ng kuya ko, parehong pareho kase sila" mahina na medyo paos na sabi niya.

"Siguro nagkataon lang.. diba fulgosa?" sabay titig ko kay maulee. Humanda ka sa akin mamaya!

"Meow... Meow.." parang walang ganang sagot nito.

"Tsaka bat nandito ka pa diba may debate ngayon?" sabi ko habang inaayos ko yung damit na sinuot ko kay maulee kanina sa bahay.

Wala akong sagot na nakuha sa kanya, kaya agad akong tumingin sa kanya.

Bigla akong kinilabutan ng makitang wala na siya sa harapan. Inikot ko ang paningin ko sa buong room at wala na rin siya dun.

Lumakas ang tibok ng puso ng biglang umihip ang malakas na hangin. Nagtayuan ang mga balahibo ko!

'Multo ba ang lalaking yun?!'

DWIFE'S POV

Before he says something, I leave the room to call Leeford. Alam kong si maulee yun. Pero di ko lang talaga nakita yung bell na nakakabit sa leeg niya.

Pagkababa sa building ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko si Kuya.

"Hmmm.." sagot lang nito.

"Asan ka bro?"

"Oh bat parang.. radyong walang signal ang boses mo"

"Sagutin mo nalang tanong ko.." iritang sabi ko. "Paos ako.." bakit ngayon pa kase to dumating, kagabi pagkatapos kong lagnatin pagkagising ko ay paos na ako. Pero minsan naibabalik ko naman sa normal.

"Sa bahay.."

"Di ka pumasok?"

"Tinatamad ako.."

"Tinatamad pala ang tulad mo.."

"Tss.."

"May favor sana ako.."

"Anu yun?"

"Pwede ko bang mahiram si maulee mamaya?"

Natahimik sa kabilang linya. Then I'm not a fool para di maget's ang ibig sabihin nun. Isa nalang ang gusto kong malaman. Is he lost maulee?

"Oh anu nanamang trip yan White.." ringig ko ang tila pagtawa niya sa kabilang linya.

"Asan si maulee.."

"Bakit nga?"

"Hihiramin ko nga."

"Wala siya dito.."

"Bakit? Asan?"

"Hiniram ni Jairu.." sagot niya. Alam kong nagsisinungaling ka Bro! "Dinala sa bahay nila.."

"Eh di tawagan mo siya.. sabihin mo hihiramin ko"

"Di pwede.."

"Di pwede?" sabi ko sa kanilang linya. Sabihin ko kayang alam kong nagsisinungaling siya. Anong magiging reakayon nito.

"Di pwede kase magsisimula na ang debate niyo.."

Kumunot ang noo ko ng maramdaman ang boses niya sa tenga ko na hindi na galing sa speker ng cellphone ko.

DENNIS POV

Anong gagawin ko? Tumatawag na si Ate Myril ako nalang daw hinihintay dun sa Gym para sa Debate. Kainis bakit pa kase may mga paganun ganun...

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon