The 57th Shopa

2K 91 3
                                    

DENNIS POV

Arrrrrrrrrrrrgggggggg!

Nakaka-inis siya! Nakapa niya yung private part nitong si Naruto bago siya maitulak sa kalsada at humandusay na parang lantang kangkong na pininturahan ng pink!

Nayayamot ako.

Agad na natawa si Naruto habang papalapit sa akin. "Hehehe" siya habang papalapit sa akin.

Bat parang tuwang tuwa pa siya? Ibig sabihin ba nito gusto niya yung ginawa sa kanya ng baklang yun?

"Uy.. tuwang tuwa ka pa ata" parang inis na sabi ko. Si bakla naman ay di na makatayo! Pero ngiting ngiti siya kay Miggy.

"Natatawa lang ako.. ganun pala katindi yang baklang yan" nakatawang sabi niya. "Nabiktima ako dun aa" parang wala lang talaga sa kanya yung nangyari!

"Miggy suntukin mo kaya" inis na utos ko.

"Ayoko, di ako napatol sa wala namang ginawang masama sa akin.."

'Anong wala!'

"Queen C!" irita pa ako nun ng mapatingin ako sa sumigaw. "Anong nangyari sayo.. nakakahiya ka Queen andiyan yung Crush mo oh!" sabi nung babaeng panget naman.

"Letse ka mas pinapahiya mo ako!" si bakla tapos tingin ulit kay Miggy. "Tayo mo na nga ako.. kakausapin ko pa si Baby Boy.."

GRRRRRRRRRRRRRRRRRR!

"Miggy tara na nga.." inis na hila ko kay Naruto patalikod palabas sa gate ng eskwelahan. "Bat pa panay ngiti ka sa baklang yun.." sabi ko dito.

"Masama ba?" biglang tanong niya naman sa akin. Ngumiwi nalang ako dahil di ko alam ang sasabihin pa. Basta naasar lang ako, at ayokong magkaroon ng koneksyon ang baklang yun sa mga taong nasa paligid ko!

"Baby Boy.. teka lang!"

Nakaka-inis si Miggy huminto talaga siya, di ko siya maintindihan!

"Ayy huminto si Baby Boy ko.. jan lang kayo, ako lang ang haharap!" sabi nito sa mga kasamahan niya habang nasa likuran namin siya.

"Naruto ano ba! Type mo ba yung baklang yan.."

DI SIYA NASAGOT!

Lalo akong naiinis!

Hanggang sa nasa harap na namin itong baklitang ito. "Baby Boy tama ba yung naringig ko? Type mo ako?"

HA? ANONG PINAGSASABI NIYA? MAY SINABI BANG GANUN SI MIGGY? WALA NAMAN AHHH!

"Ano bang pakay mo aa?" naibitaw ko ang kamay ko sa jacket ni Naruto ng maringig ko siyang magsalita ng seryoso.

"Ikaw.. yung katawan mo at ang ligayang dulot mo sa akin" tapos lumapit pa nun si Bakla tapos nilagay niya yung kamay niya sa bandang dibdib ni Miggy.

"Wag mo ako itulad sa iba.."

"Hindi talaga!....Kase nga ispesyal ka.." hangang sa mapansin kong napahinto ito kakahaplos sa dibdib ni Miggy. "Ano to?" biglang tigil niya sa parteng umbok nung jacket!

'Si Maulee!'

"Ay ang lambot!"

(O____O!!)

TAPOS HINAMPAS NIYA YUN!

"Wag!" nasigaw ko.

"Meowwwwwwww!"

NASAKTAN NGA SI MAULEEE! TANGINANG BAKLANGGG TOOO!

Biglang nilabas ni Maulee ang ulo niya sa jacket ni Miggy! Kitang kita kong galit ang malditang matabang pusa!

"Meow!"

"Oh My God..." bulalas ng bakla. "Baby Boy.. alaga mo? Hang cute naman..." sabi nito sabay tabi kay Miggy at umampa pa sa balikat. "Ang cute ng Baby natin.."

ANG KAPAL!

Baby namin yan ni Lucario! Baklang to masyadong self proclaimed!

"Pinagsasabi mo?" di na ako nakapigil at hinarap ko na siya. Makadikit naman to kay Miggy parang lintang pink nga!

"And sino ka naman.." tanong nito sa akin. "Baby Boy bakit mo ko pinapa-alis?" angil niya ng pinapa-alis siya ni Miggy. "Baby Boy naman eehh.. buhatin ko nalang si Baby Cat" sabay kuha niya kay Maulee.

SI MAULEE NAMAN AY PARANG NAIINIS NARIN DAHIL SA PAGBUHAT SA KANYA NG BAKLANG PINK!

"Meow!"

"Ang cute cute mo talaga.. Pareho tayong Beautiful Baby Cat.." sabi nito kay Maulee na panay ang kiss pa! Naasar na ako!

"Excuse me.. akin na siya!" inis na harap ko sa bakla.

"Akin na yan.." si Miggy rin na kinukuha na si Maulee.

"Ayoko nga.. akin na siya dahil pareho kameng maganda!" pagmamatigas ng baklang Pink!

"Anong sayo akin yan!" ako na naiinis na talaga. Magagalit si Lucario sa akin pag nakita niya ang nangyayare ngayon! Hinahawakan ng isang dugyot na halimaw ang pusa niya!

LUMAPIT NA AKO AT HINAWAKAN KO NA SI MAULEE NA YAKAP NIYA! KAWAWA YUNG PUSA NATATAKOT NA!

"And who are you ba ahhh!"

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!! ANGGGGGGGG SAKEEEEEEEEEEEEET! TANG-INAAAAAAAAAAA!

Sumilyab yung sakit sa paa ko ng bigla niya iyong tapakan ng matindi. Sumakto pa dun sa paa kong merong masakit na kuko. Mabilis rin akong natumba dahil sa nangyare.

HALOS MAPAPIKIT AKO SA BIGLANG HILONG NARAMDAMAN. ANG HULING NAKITA KO NALANG..

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon