The 132nd Shopa

1.3K 133 106
                                    

DENNIS POV

Buti nalang napulot ko yung nagkalat na pusong papel, bago nag umpisa yung Prom.

Nakaupo ako sa di kalayuan sa mga nagsasayaw ng mga Junior at Senior.

Kasama ko dito sa table si Dwife, Joey at Karim pati na ang ibang Officer.

Bakit kaya ganun siya, ang kapal' kapal na ng buhok. Bat di man lang magpagupit at mag ahit. Pero maamoy mo parin ang bango ng katawan niya.

Meron ding nakalatag na pagkain dito sa mesa namin, nag eenjoy na ang lahat ng mga studyanteng nasa gitna.

Bagong gising ba siya?

"Sa bahay siya ngayon tumutuloy" mukhang nababasa ng katabi ko ang nasa isip ko. "Huwag kang mag alala, kahit ganun itsura 'non naliligo parin naman siya"

"Alam mo na ba ang nangyari sa kanya" gusto ko malaman kung, nasasabi rin ba ni Lucario ang problem ng puso niya sa kapatid niya.

"Wala siyang sinasabi, pero nararamdaman ko" pagkwento niya. "Buong bakasyon, mula pasko gang bagong taon. Nasa batanes siya"

"Batanes?"

"Dun ang probinsya ng magulang namin, pag malungkot si Kuya pumupunta siya dun" ibig sabihin malungkot parin siya ngayon.

"Nandon din ang bunso naming kapatid" nagsalin siya ng juice sa baso niya habang patuloy sa pagkwento. "Dun siya nag aaral, ayaw ng lola namin na pati si Dwilight ay dito narin sa Manila mag aral"

"Dwilight?"

"Pangalan ng bunso naming kapatid, Light for short" meron pa pala silang kapatid. "Yung Dwi, galing daw sa pangalan ko. Yung light mula aa Lighthouse"

I see, Lighthouse sa Batanes. Nakikita ko sa mga picture, ang ganda lalo pag gabi.

"Wala palang nakuha sa kuya mo"

"Dwilight Ford T. Lim"

Hindi ko alam bat kinekwento niya 'yon sa akin.

"Si light kase napapangiti nun si Kuya, kaya nung nandun siya sa batanes alam kong okay na siya" tila gusto niya sabihin saking naka move on na si Lucario. "Alam ko hinihintay niyo ang isat isa." Sinulyapan ko siya.

Siguro ganun na nga, hinihintay ko nalang siya. Sana may katotohanan ang lahat ng naiisip, na sana hindi ako mapapahiya sakaling magkita kame ulit.

"Yieeeee Bebeprend!" lahat kame napalingon sa medyo kalayuan sa sigaw na 'yon.

Ang bilis niyang nakarating na agad yumakap sa akin, pagkatapos ay kay Dwife naman tumungi.

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon