The 49th Shopa

2K 108 10
                                    

Note: Kumokonti yung Comment aaaa.. baka TAMARIN nanaman ulit ako sa pag Update. Bahala kayo.

'Less Comment.. No Update'

DENNIS POV

Pagkatapos ng panlalandi sa akin ni Xavier dun sa Botanical Garden ay inihatid niya rin ako agad sa room.

Ay mali, inihatid pala nila akong dalawa.

Sino pa ba yung isa? Eh di yung Girlfriend niya. Nakasalubong namin siya kanina ni Xavier sa may papuntang canteen kasama mga kaibigan nito. Di man lang nagtaka yun kung san galing ang boyfriend niya, tapos di man lang nagselos.

And that moment, masasabi kong mas masaya si Xavier kay ate Myril. Kitang kita ko yung mga puso sa mata niya, tapos yung dimple niya laging nakalabas, tapos ang laki pa ng ngiti.

Si Ate Myril naman napakabait at very supportive sa Boyfrioend niyang malandi. Anyway masaya narin ako para kay Xavier, alam ko rin naman ginawa niya lang ang lahat kanina para mapasaya lang ako.

At dun nga ay nagtagumpay siya.

Hehehehe pero di ko parin makalimutan yung usapan namin kanina. Balang araw Peter Pan, gusto ko makilala si Forest.

Para sakin anak ko narin siya kung matupad man yun, kung sakaling Forest ang ipangalan niya. Hahahahahaha ano ba tong iniisip ko anak anak na tong nasa kukute ko.

Pagdating nga sa Room ay late ako, pero marami kameng late kase wala parin naman yung iba. At wala parin yung taong gusto kong maka-usap ngayon.

(>____>)

Wala ring teacher sa room ang nandun lang ay yung mga kaklase ko na di ko pa halos close.

Pero hinanap ko si Kirby dahil friendship ko narin yun. Agad ko naman nakita ang loko andun siya sa tabi ni...

Tsk!

Nasa tabi nung mayabang na si Dwife.

(--____--)

Traydor ka Kirby! Nakikipagkwentuhan siya dun sa mayabang na yun? Eh alam niya namang nayayabangan nga ako diyan sa lalaking yan. Tapos nakwento ko pa sa kanya!

Hala, baka naman ichismis niya kay Dwife yung pinagsasabe ko. Haist! Ewan ko sayo Kirby.

Tsk! Okay sige wala akong magagawa kung makipagkaibigan siya diyan. Atleast tapos na kame dun sa Project sa AP! Wala na kong kailangan sa kanya.

Dirediretso akong naglakad papunta sa upuan ko at naupo na ako dun. Ano ba dapat klase namin ngayon?

Agad kong tinignan yung Schedule.

FILIPINO (8:30 am – 9:45 am)

Ah kaya naman wala pa si Teacher. Eto na yung Final Schedule, last week kase paiba iba pa. Kaya angulo nila e! Ang mahala di pa talaga ako late. Hehe..

Nakakapanibago talaga dito sa Classroom, namimiss ko na si Threz, Billy at si Louie. Anong section ba si Louie at Billy? Bat parang di na ata sila nagpapakita sa akin?

Naka-upo ako nun ng maramdaman kong may gumagalaw sa bag.

(O_____!)

Si Maulee nga pala!

Agad akong tumayo, halos magsitapunan yung mga upuan dahil sa pagtayo ko. Sheeettt nakagawa pa ako ng eksena.

Napatingin ako sa kanilang lahat sabay peace sign.

"Ay.. sorry" ako sabay labas tapos binuksan ko yung bag at sinilip si Maulee. Oh My God!

Pagtingin ko ay nakahinga ako ng malalim dahil nakita kong buhay pa ito. Pero halatang nahihirapan na siya!

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon