The 43rd Shopa

2K 101 3
                                    

Note: Natutuwa po ako sa Comment niyo kaya sunod sunod ang pag-update ko. Ituloy niyo lang ang Ganun.. Tutuloy tuloy ko rin ang pag-update. Comment niyo kase inspirasyon ko eee.. Okay na yung Maikli lang Update hehehehe Basta may Update diba? Maiipon lang din yan at dadami na hahahaha! Pero yung Comment niyo naman sana ay yung Reaction niyo sa Kwento.

Di Counted yung mga lang kwentang Comment.

Salamat. I love you all ❤❤❤❤❤❤❤❤

DENNIS POV

Natigil lang ako sa kakaiyak ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong tumayo. Tang-Ina nakahubad pa pala ako..

Mabilis akong tumakbo papunta sa Closet ng bigla akong nadulas. King Ina natapakan ko yung tuwalyang nakakalat lang sa sahig.

Arayyyyyyyyyyyyyy..

Tang-Inang buhay to! Pagkatapos ng sakit na dulot ng pag-uusap namin ni Krab sumasabay pa tong kamalasan. Nabundol yung isang kuko ng Paa ko dun sa metal na paa ng Kama ko.

Medyo naluha nanaman ako sa kirot. Hindi ko aakalain na sunud sunud ang sakit na ito. Naalala ko nanaman yung huling Chat ni Krab.

'Geh magpakamatay ka na.. Ako kase magpapakamatay sa sarap mamaya. Hahahaha Geh R.I.P sayo soon. Magka Aids ka sana tapos mamatay ka na!'

HINDI.

Hindi ako bibitaw Krab, Hindi mo yan magagawa sa akin. Hindi mo mahihiling na mamatay na lang ako.

Alam kong nasasaktan lang siya dahil sa nalaman niya. Pero wala naman talagang katotohanan yun!

Hindi ako titigil hangga't di ko mapatunayan na wala akong lalaking binibilhan ng Damit! Kaylangan kong malaman kung Sinong Hayop ang nagsusumbong nang mali kay Krab.

At meron akong kilala na tanging makakagawa lang nun!

"Bunso!" si kuya Brenth na halatang iritable na. Shett Paano ako ngayon haharap nito kay Kuya? Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng kirot! Ang sakit Puta! Pero masakit parin yung sinabi ni Krab.

Tagos na tagos sa ultimo dugo ng bacteria na nakakapit sa balat ko.

Pinilit kong tumayo, pero paika ika kase naka-angat yung isang paa ko. Pansin kong nangitim ng konti yung isa kong kuko. King Ina.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si Kuya B renth at si maulee.... Na nakapatong sa Ulo niya!

BIGLA AKONG NAPANGITI! ANG CUTE NILA!

"Kuya?" medyo nakangiting tanong ko. Kita ko namang kumunot ang noo niya. Bakit Kaya?

"Magbihis ka nga Bunso.."

(O____O!!)

Sheeettt!!

Agad kong naisara yung Pinto. Puta! Wahhhhhhhhhhhhhh Nakakahiya! Hindi pa pala ako nakabihis!

Halos mapalunok ako ng sunod sunod dahil sa kahihiyan. Parang nawala pansamantala yung lungkot sa puso ko at napalitan yun ng Hiya sa balat ko.

Waaa.. Nakita kaya ni Kuya? Bigla akong napatingin sa ari ko. Putcah! Ano ba kase to Dennis! Napapikit at kagat labi nalang ako habang nakasandig sa may pinto.

"Bilisan mo na daw.." si Kuya Brenth sa akin. "Gusto ni Kuya Clifford sabay sabay tayong mag-almusal"

"Opo.. Kuya Ko.." nahihiyang sagot ko.

PAGKATAPOS NUN AY AGAD AKONG NAGBIHIS NG SCHOOL UNIFORM. PERO SHETTT...

Ang sakit ng Paa ko

(U___U)

******

Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na yung mga Gamit ko sa eskwelahan. Pati yung Cellphone ko na umaasang may message si Krab na pagbawe sa sinabi niya Kanina.

Pagbukas ko ng Pinto ay nagulat ako ng makita ko parin si Kuya Brenth dun. Pero wala na si Maulee.

"Asan si Maulee kuya?" tanong ko sa kanya na di makatingin ng tuwid. Nahihiya pa ako dahil sa kanina ee.

"Anong nangyare sayo? Bat maga yang mga mata mo?" seryosong tanong niya.

GOD, ETO NANAMAN YUNG NAKAKATAKOT NIYANG UGALI.

"Anong ginawa sayo ni Ganny?"

"Kuya?" gulat ko kunwaring sabi. "Bat mo naman dinadamay dito si Krab?" nakangusong sabi ko. "Ayos na ayos na kame kuya ko.."

'Nag-aaway kame kuya ko ngayon ni Ganny.. Gusto na niya daw ako mamatay (t____t)'

"Eh bakit parang galing ka sa pag-iyak?" tanong niya.

NAKA-ISIP AGAD AKO NG PARAAN. TINURO KO YUNG PAA KO KAY KUYA BRENTH.

"Anong meron sa paa mo?" tanong niya na sinagot ko ng kamot. "Ano nga?" tanong niya pa ulit.

Mabilis naman akong yumuko na medyo nakakaramdam ng kirot para hubarin ko yung sapatos. Pagkatapos mahubad kasama yung medyas ay pinakita ko yun kay Kuya.

"Pina-iyak ako ng katangahan ko Kuya.."

'Katangahan ko... Katangahan sa mundo ng pagmamahal'

"Ahh tanga ka nga bunso.." sabay tawa siya.

'Kung alam mo lang kuya ang tunay na dahilan baka iba ang gawin mo ngayon.. kaya wag nalang.. baka awayin mo pa si Krab--- Mahal na mahal ko yun eee..'

NAKITAWA NALANG DIN AKO SABAY SUOT ULI NUNG MEDYAS AT SAPATOS.

"Malayo yan sa atay bunso.. Kaya tara na" sabay akay sa akin ng hinayupak na to Hahahahaha..

"Wag na kuya.. Kaya ko na mag-isa.." alis ko sa pag-alalay niya.

"Yabang.." nakangiting sabi nito sabay hiwalay sa akin.

'Ang Hindi ko lang kaya ay ang iwan ako mag-isa ni Krab.. Ikakamatay ko talaga yun Kuya ko..'

(╥╥)

~ ITUTULOY ~

Magkomento ka at Bumoto. Wag puro Basa!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

SUBDIVISION SCANDAL IV 💚❤️💙💜Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon