~*~
C H A P T E R 1
"Jamela! Ang tagal mo naman magbukas ng pinto!" agadang bungad ni Liezel habang nakakibit-balikat at nakasandal ang katawan sa gilid ng pinto. Nakataas ang kilay at tila galit na galit.
"Edi sana sa bintana ka pumasok!" Pilosopo kong tugon.
Akala ko pipilosopohin niya rin ako pero bigla siyang ngumiti at inakbayan ako. "Syempre biro lang! Ikaw talaga, di ka na nasanay sa 'kin." tsaka siya tumawa ng malakas.
"Hoy, pumasok na nga tayo! Gusto ko nang maupo eh!" reklamo ni Kristy at naunang pumasok sa theater room ng bahay. Sumunod naman kami habang nagtawanan.
"Kahit kailan mainipin talaga tong babaeng 'to!" sigaw ni Liezel.
"Baka may dalaw." Suporta ko kay Liezel at tumawa ng malakas.
Nakakunot-noong tumitig sa amin si Kristy. Talagang makikita mong napikon siya sa sinabi namin. "Oo, may dalaw ako ngayon. May reklamo kayo? Gusto niyo ipahid ko 'to sa inyo?" ani nito at hinawakan bigla ang gitna niya, kunwari ipinahid niya ang kamay sa puday niya saka tumakbo papalapit sa amin.
"Ew kadiri!" sigaw namin at nagtakbuhan. Nagpalibot-libot kami sa loob ng theater room para lang hindi mapahidan ng mabahong puday ni Kristy.
HAHAHA!
Pero siyempre joke lang yun. Ganito talaga kami parati pag magkasama, palaging nagbibiruan. Nakasanayan na naming magharutan 'pag magkasama. Katulad ngayon, bigla nalang nagsilabasan ang pagkaisip- bata naming tatlo. Ganyan kami. At ganyan ako kaswerte sa mga kaibigan kong 'to.
"Huli ka!" sigaw ni Krisy habang papalapit sa akin. Sinubukan ko pang humakbang pero nadaganan na niya ako dahilan para matumba kaming dalawa sa sahig.
"Aray!" sigaw ko at kunwaring hinawakan ang tuhod ko habang namimilipit sa sakit. Biglang napabitaw si Kristy sa kakayakap sa 'kin.
"Hala Jam, sorry! Sorry talaga. Saan ang masakit?" taranta niyang turan dahilan para mapatawa ako. Yung kaninang nag-aalalang mukha ay biglang napalitan ng galit na mukha.
"Walang 'ya ka!" Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.
Tawa pa rin ako ng tawa habang nakahiga. Epic yung mukha niya pag nag-aalala eh, nagmumukhang tae.
Napatingin siya sa akin at napatawa rin. Agad niyang inalok ang kamay niya para tulungan akong makatayo. Tinanggap ko naman ito at nang makatayo, agad niya akong binatukan. Hindi naman masakit na batok.
"Siraulo ka talaga, Jamela!" sabay tawa.
"Nako tigilan niyo na nga yan. Hindi 'yan ang pinunta ko dito noh. Ang movie pinunta ko dito, hindi ang harutan. Magsimula na nga tayo, guys." reklamo ni Liezel na kanina pa pala hinalungkat ang mga CDs na naka-pile sa shelf.
"Nako nagalit na si Madam! Haha!" sabi ko kay Kristy. "Sige na, mamili na kayo ng movie diyan kukuha lang ako ng popcorn na hinanda ni Manang Seff.
"Ok sige. Bilisan mo ha?" sabi ni Kristy at umupo na.
"Sabihan mo rin si Manang Seff na damihan ang cheese powder!" habol ni Liezel.
"Opo mga donya!" pabiro kong sabi at lumabas na ng kwarto.
Kumuha ako ng popcorn at drinks sa kusina para hindi kami gutumin sa loob ng mini-sinehan ko. Pagpasok ko,kakasimula palang ng palabas.
"Here's your popcorn ma'am!",sigaw ko habang nasa pinto.Kakainis,hindi man lang ako pinansin. Subsob parin sila sa kakanood ng Star Wars.
Nilapag ko naman ang popcorn sa mesa na nasa harap namin at umupo na ako.
Ang katabi ko ay si Liezel. Liezel Underson. Siya ang anak ng may-ari ng pinapasukan namin, ang Underson University. Maganda ngunit maangas. May pagka-bad girl yan. Kaya nga maraming takot sa kanya. Kung mag-init lang ang ulo niyan, naku mag-expect na kayo na may sampu hanggang labing-limang tao yang mabugbog. HAHAHA.
Katabi naman ni Liezel ay si Kristy Ericka Laurel. Maganda rin, matalino, at siyempre mayaman. May-ari lang naman ng sikat na advertising company ang pamilya niya. Si Kristy rin ang adventurer sa aming tatlo. Marami na nga siyang napuntahang lugar sa loob at labas ng Pilipinas eh. Kaya rin siguro matalino to kasi sa mga pinupuntahan niyang lugar, bumibili yan ng tig-iisang libro kada lugar.
At ako? Well, isang hamak na nerd lang at probinsyana ang dating. Hindi naman sa pagmamayabang pero maykaya naman ang pamilya ako. I mean, may business naman sina mama at papa. Nasa States nga sila simula nang ipinanganak ako eh para sa business nila. Ewan ko nga bakit ako naging nerd nang ganito. Siguro dahil kay Manang Seff. Tubong probinsya kasi si Manang at walang anak. Kaya siguro nung ibilin ako ng magulang ko kay Manang Seff tinuring niya akong anak. Yun nga lang, probinsya style ang naituro niya sa 'kin kaya siguro ganito.
Pero wala naman akong pinagsisisihan. Mahal na mahal ko si Manang Seff at tanggap kong ganito talaga ako. Nerd. Probinsyana style.
"Ang ganda talaga ng Star Wars. Action Movie talaga!" sigaw ni Liezel sabay subo ng popcorn sa bibig niya. Agad namang nagising si Kristy dahil sa sigaw ni Liezel na kanina pa pala tulog.
"Tapos na?" aniya habang kinukurap ang mga mata at tumayo saka binanat ang mga braso.
"Oo, tapos na. Nakatulog ka kasi!" sabi ko sabay inom ng juice.
"Nga pala. Project pala natin para sa Mapeh. Gagawa raw tayo ng Maskara at costume para sa Queen of Festival. Tayo kasi ang pina-handle ni Sir Drew" aniya ni Kristy na halatang nag-aalala. Siya lang kasi ang masyadong alala sa grades niya.
"Oo nga noh!" aniya ni Liezel habang nakatingin sa akin with her si-Kristy-nalang-ang-gagawa-look. Sumang-ayon naman ako. Agad kaming tumayo at susubukang bolahin si Kristy.
"Ahm. Ang ganda mo talaga Kristy noh? Talo na ako sa'yo. Matalino ka pa." pacute na sabi ni Liezel habang hinahaplos ang buhok ni Kristy.
"Oo nga. Tsaka, talo mo na ako sa heights." suporta ko kay Liezel.
"Alam ko na yan! Nagpapa-cute na naman kayo para ako ang gagawa. Binibola niyo pa ako!" aniya habang naka-cross arms at nakatingin lang sa amin. Palagi kasi namin itong ginagawa tuwing may projects at assignments, si Kristy ang pinapagawa namin.
"Yehey!" sabay na sigaw namin ni Liezel at nagtatalon-talon pa.
"Jamela. Shopping tayo! My treat!" Naku naman! Heto na naman po kami.Palagi kasi siyang nag i-invite sa akin mag-shopping halos araw-araw kasi kami nasa mall. Naku! Tinatamad ako eh! Pero hindi pwedeng tumanggi. Bugbog ang abot ko pag tumanggi. Kaya tumango nalang ako at huminga ng malalim.
"Teka! Sama ako!" pag-iterrupt ni Kristy. "Akala niyo kayo lang? Tsaka, kailangan ko ring bumili ng gamit para gumawa sa project."
"Okay." pagsang-ayon ko sa kanya. Tumango-tango naman si Liezel kaya alam namin na payag siya.
"Bihis lang ako" sabi ko sa kanilang dalawa. At agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Baka kasi mainip si Liezel sa akin. Kinuha ko nalang ang kahit ano sa closet ko. Ito tuloy, nakuha ko ang long palda at jacket kaya mukha na naman akong manang. Wala narin akong time mag-bihis ulit dahil naiinip na si Liezel.
Tumakbo ako pababa at nakita ko silang dalawa na nasa sala at naka-upo sa sofa habang naglalaro sa phone nila. Kinalabit ko agad silang dalawa kaya agad silang nagsi-tigil. Tumingin silang dalawa sa akin at tumayo.
"Napakatagal mo talaga!" sermon ni Liezel sa akin. "Tsaka,ano ba yang suot mo? Manang ka na naman?!". Mapanghusga to!
"Sige na! Pumunta na tayo sa mall! Mag-aalas diyes na oh! Dun nalang rin tayo kumain!" inip na sabi ni Kristy.
Kinuha ko naman agad ang bag ko na nakalapag sa mesa ng sala at nagpaalam nalang kay Manang Seff na magsha-shopping kami at pumasok na sa van na dala ni Kristy at umalis na ng mansyon.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...