Jamela's POV
Nakakatawa talaga ang expresyon ng mukha nila kanina.Grabeh! Nakakatawa! Hindi nila inakala na ako ang President/CEO ng Ravishing Hotel.Well,lahat naman sila,papahirapan ko.Uunahin ko lang ang tatlo dahil sila ang punut dulo nito.
"Wwwooohh!!! Ang ginaw!".Hay! Si Michelle na naman.Napaka-bata.Galing siya sa pool.Gusto kasi niyang maligo.Hindi naman ako makapalag kaya pinaligo ko.
"Ang tagal mong natapos.Do you enjoy the pool?",tanong ko sa kanya.Nga pala,nandito lang kami sa hotel,sa TOTOONG Special Room ako nakalagay.Sa totoong akin lang.
"Ang ganda dito sa Palawan.Samahan pa ng sunset.Ang ganda.",sabi niya at pumasok sa banyo.
Pumasok muna ako sa kitchen para magluto.Iba ako eh,gusto kong ako lang ang dapat magluto pag nandito ako sa hotel.Ayokong magpa-deliver lang.
Hinanda ko na ang mga ingredients para maka-luto.Wala akong diet kaya okay lang.Siyempre,lulutuin ko ang Adobong Manok na pinakapaborito ko.
Nagluto na ako.Ilang minuto lang,tapos ko nang lutuin.
Nilagay ko na ang niluto ko sa dining table.
"Kakain na Michelle!",sigaw ko.Hindi parin siya tapos sa kakaligo.Ang tagal niya ha?
Ilang beses ko siyang tinawag pero walang nagre-response.
"Michelle! Ang bagal mo naman?!"
"Andyan na! Suplada!".Lumabas na siya sa kwarto.Akala ko nasa banyo pa siya.Kaya naman pala matagal,nagbihis pa pala siya.
Umupo na kaming dalawa sa hapag-kainan at diretsong sinunggaban ang adobo.Nagulat siguro siya sa inasal ko ngayon.Nagutom ako.
"Akala ko ba hindi mo gusto yan? Bakit habhab ka sa kakalain?".Kumuha siya ng isang piraso ng manok sa bowl.
"Wala ako sa diet kaya pwede na akong kumain nito".Patuloy parin ako sa pagkain.
Ano na kayang nangyayari sa tatlong yun? Nasa masukal na garahe pa naman sila.Alam niyo bang dun nagtatago lahat ng ipis at daga?! Jeez!!!
***
Kristy's POV
Napakainit dito! Wala kasing aircon.Saka napakasikip dahil sa malalaking box na nakatambak.
Nakahiga lang kaming tatlo sa kanya kanya naming higaan.Grabe.Pati ang higaan,hindi kutson kundi kahoy lang.Hindi ako sanay,nakakasakit kasi sa likod.
"Nasa impyerno na ba tayo?",biro ko sa kanila.Tahimik lang kasi kami dito kanina pa.
"Hindi ko alam.Parang ganun din ang mangyayari",sabi naman ni Liezel.
"Matanong ko lang...".Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero...parang naguguluhan ako kay Liezel.
"Liezel?"...
"Ano?"
"May boyfriend ka na?".Hindi siya sumagot.
"Speechless? Ganun? May BF ka na ba?!"
"Wala! Kita mo namang wala akong kasama araw araw diba?".Kinuha niya ang mangga sa bag niya.
"Yan pa ang pinagtataka ko...".Nakaka-panibago kasi.Bakit niya pa kasi yan binili? Ang asim!
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Fiksi Remaja"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...