Jamela's POV
Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nabuhayan ako kasi napanaginipan ko pa talaga si Skateboard Man. Sana malaman ko na ang pangalan niya.
TOK TOK TOK
"Jamela. Gising na! Handa na ang pagkain mo" si Manang Seff.
"Opo!"
Dumiretso ako sa banyo saka naligo. Nagbihis at lumabas na ng kwarto.
Pababa pa nga lang ako, naaamoy ko na ang masarap na luto ni Manang Seff. Alam kong adobong Manok na pinakapaborito ko ang niluluto ni Manang Seff. Bata pa kasi ako, si Manang Seff lang ang nagluluto ng ganyan para sa akin. Alam niyo na, Mommy at Daddy ko walang time sa akin at puro lang trababo.
Umupo na ako sa dining chair at hinintay ang masarap na luto ni Manang.
Sa wakas at nandyan na!
Inilapag ni Manang ang adobo at kanin. Hindi na ako nakapaghintay kaya sinunggaban ko diretso ang adobo. Para akong aswang na kumakain ng aso dahil sa ginagawa kong pagkain.
"Dahan dahan lang, anak. Baka ma-bulunan ka eh" kantyaw ni Manang.
"Opo. Tsaka, hinding hindi po ako mabubulunan sa luto niyo" sagot ko na may pagkain pa sa bibig.
"Ikaw talaga"niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya."Asan na kaya ang magulang mo? Ayos lang kaya sila dun?"
Humiwalay ako sa yakap ni Manang at tiningnan siya. "Manang. Nahihirapan na po ba kayo?"
Ngumiti naman si Manang at hinawakan ang kamay ko."Hinding-hindi ako magsa-sawang alagaan ka. Kasi mahal kita" saka niyakap ulit ako.
"Mahal ko rin po kayo, Manang",bulong ko. Sana hindi na kami magkahiwalay ni Manang para may kaagapay ako palagi.
Tinapos ko na ang pagkain ko at uminom na ng tubig saka nagsipilyo.
Pagkatapos ko nang magsipilyo, kinuha ko na ang medyas ko at sinuot saka kinuha ang bag ko na hinanda ni Manang Seff kanina na ngayon ay nasa sofa.
Lumabas na ako at nagpaalam na kay Manang Seff. Nakita ko naman si Manong na hinihintay rin ako. "Hello po Manong!" ,bati ko at niyakap pa siya.Hehe.Goodvibea tuloy ako ngayon dahil walang masamang nangyayari this day.
Humiwalay na ako kay Manong at pumasok na sa likod ng van. Umaandar na ang engine at kinandaripas na ni Manong ang van.
Nakatingin lang ako sa labas.Iniisip ko kasi kung anong mangyayari sa school eh.Alam niyo na kasing binubully ako doon.Ito na siguro ang sisira sa Good Vibes ko!
___________________________________
Nakarating na kami sa school.Pero nasa tapat pa kami ng gate.Sinabi ko kasi kay Manong na dito niya nalang ako ibaba.
"Sure ka ba? Pwede naman tayong pumasok eh",si Manong
Nginitian ko lang si Manong."Okay lang po yun.Masyado pa po kasing mahirap kung papasok pa po kayo.Kaya dito nalang po ako bababa",paliwanag ko
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Novela Juvenil"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...