Hindi ako mapakali.Parang may kulang sa lahat.Dahil siguro to sa nangyari kahapon.
Tama kayo,isang araw na ang nakakalipas.Wala kaming ginawang activity dahil nawalan ako ng gana.
Yun bang,parati kang nag-aalala kasi may nasaktan ka nang tao.
At...
Pinagsisihan ko na ang mga ginawa ko.
Tanghali na.Tapos na kaming kumain.Tapos na lahat.Naka-higa lang ako ngayon sa kama ko katabi ng laptop ko.
At parati kong binabalik-balikan ang video clip nung nadulas si Liezel kaya na-aksidente.
Pero ngayon ko lang nakita na may dugo pala sa legs niya.Napanu naman yun?
Hindi naman pwedeng...dahil nadulas lang siya'y,may dugo agad na lumabas?
Hindi ako makahanap ng sagot kung ano yung dugo na yun kaya ngayon,nagpalibot libot ako sa loob ng kwarto ko.
Anong gagawin ko? Paano ko malalaman ang mga tanong na hindi ko pa masasagot?
Paikot ikot parin ako.Kinakagat ang kuko at nag-iisip parin kung anong gagawin.
Umikot ikot parin ako nang...
*BBBOOOOOOOGGGGGSSSSHHHHH*
Masagip ako ng pinto dahil binuksan ni Michelle.
Napa-upo ako sa sahig dahil ang sakit ng noo ko.
"Bulag ka ba?! Kita mo namang may nag-iikot dito eh!",galit kong sigaw sa kanya.
"Kasalanan ko ba kung ginawa mong park ang kwarto mo para mag-ikot ikot ka?!",sumbat pa niya.
"Tulungan mo nga ako.Ang sakit ng noo ko".
Tinulungan niya naman akong maka-tayo.
Nang maka-tayo na ako...
Nakaisip na ako ng magandang ideya!
"Aha! I have a great idea!"
"Anong pinagsasabi mo? Ewan ko sa'yo.Baliw"
Lumabas na si Michelle sa kwarto ko at sinarado ang pinto.
Diretso kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang emergency number ng clinic.
Emergency Number ringing...
Answer...
[Yes Madam? What can I help you?],sabi nung nasa kabilang linya.
"Ibigay mo sa'kin ang health results ni Liezel Underson.Kahapon lang siya nag-charge"
Binaba ko diretso ang phone ko.Alam kong ide-deliver nila agad ang health results ni Liezel dito.
Ano kaya yung dugong yun?
Humiga nalang ako kakahintay sa delivery.
"Majesty! Nandito na ang Health Results?",sigaw ni Michelle at pumasok sa kwarto ko.
"Akin na yan!".Sinigawan ko siya kaya natakot siya at binigay agad sa akin ang files.
Umupo ako at tiningnan siya.
"Joke lang yun.Ikaw naman.",sabi ko at humiga ulit.
Lumabas na siya sa kwarto ko kaya tumayo ako agad at pumunta sa study table at binuksan ang stude lamp para maklaro ko talaga ang gustong ipahiwatig dito sa health results.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...