MNGB 2:Mall

14.8K 336 5
                                    

Liezel's Pic -------->
_______

Dalawang oras rin ang biyahe namin galing sa mansyon papunta sa mall. Kaya heto kami, mga tulog na mantika.Napagod kasi mga mata namin sa movie marathon kanina kaya kailangan naming mag-unwind. Nakarating na kami sa mall at pumasok na si Manong (ang driver) sa loob ng basement para mag-park.

"Nandito na po tayo,Ma'am",aniya ni Manong.Tulog parin tong dalawa. Aist! Napakahirap pa naman gisingin nito!

"Huy! Nandito na tayo! Gising na!",sabi ko sabay tapik sa mga balikat nila.Niyuyugyog ko pa sila pero ayaw paring magpa-awat sa kakatulog.

"Hhhhmmm..."-Kristy.

Akala ko gigising na,yun pala nag-iba lang ng pwesto. Naku talaga! Siraulo talaga tong dalawang 'to. Wala na akong ibang paraan kundi ito...

"Manong",pabulong kong sabi kay manong at lumapit ako sa tenga niya para bulungan siya.

"Asdfghjklzxcvvbmm",bulong ko.Tumatango naman si Manong kaya sinimulan na namin ang plano.

"SUNOG!!!",sigaw ko sabay labas sa kotse. Si Manong naman, nag busina sa kotse.

Beep! Beep! Beep!

[A/N: Tunog po iyan ng busina ng kotse]

"Aaaaaaahhhhh",sigaw nilang dalawa na halatang nagpapanic. Lumabas sila sa kotse ng hinihingal.

"Asan? Asan?!",hingal na sabi nilang dalawa.Tumawa nalang ako sa pinagagagawa nila.Lagi kasing handa tong si Manong kaya palagi niyang dinadala ang fire extinguisher at tubig sa likod ng kotse.Ginamit nila yun. Wahahaha!

"Salamat naman at gising narin kayo!" Mga takot sa sunog! "Wala kayang sunog! Ginawa ko lang yun para magising kayo!"

"Bakit mo ginawa yun?!Alam mo bang nasa kalagitnaan na ako sa panaginip ko eh!!!" Parang batang iyak ni Kristy.

"Tsk" reklamo naman ni Liezel. Humikab silang dalawa at napasandal pa sa kotse. Agad kong hinawakan ang kamay nila at hinila sila papasok sa mall.

"Teka!"- Kristy

Nakapasok na kami sa Mall. As usual, pumasok kami sa una naming punapasukan tuwing nasa mall kami, Shoe Shop! Mahilig kasi tong dalawang sa sapatos at high heels. Tingnan mo tong si Liezel,malaki na ang hita dahil sa kaka heels. Mabuti tong si Kristy at flat shoes lang ang kinahihiligan.

Ako?

Naku! Wala talaga akong hilig sa mga sapatos sapatos na yan. Palagi naman kasi akong dinadalhan ni Mommy ng kung anu-anong mga sapatos pero hindi ko sinusuot yung iba.Doll Shoes lang ang palagi kong sinusuot.

Agad binasag ni Liezel ang pag-iisip ko nang kinalabit niya ako.

"Huy! Anong tinititigan mo diyan? Pumili ka na ng sapatos.Libre ko naman eh!" aniya.

"Ok lang! Marami na akong nakatambak na sapatos sa mansyon,baka nga kinagat na yun ng kung anong insekto sa sobrang tagal na sa cabinet ko",paliwanag ko sa kanya habang hawak hawak ko ang mga sapatos.

"Oo nga naman. Sige,ikaw nalang ang magbuhat niyan" aniya sabay bigay sa akin ng mga sapatos na pinili niya. Naku! Ginawa pa akong alalay.Kung hindi ka lang maangas, matagal na kitang hindi sinunod eh!

Tapos na sila sa pagpili at pumunta na sila sa cashier. Mabuti nalang at Sabado ngayon kaya wala masyadong tao.Alam niyo na, si Liezel, mainitin ang ulo. Ipi-nunch na ng cashier ang mga sapatos. Binalot na sa paper bag bag kaya kinuha na nila.Lumayo ako ng konti nung malapit na silang matapos sa cashier dahil alam ko na gagawin na naman nila akong alalay. Mabuti naman at sila ang nagdala ng mismong pinamili nila.

Sunod naming pinuntahan ang Textile Store. Pumasok na kami. Si Kristy ang nagpumilit na pumasok dito kasi gagawa siya ng project namin mamaya. Papalag sana kami pero tinakot niya kami at sinabi na siya lang ang ililista sa project namin kung hindi kami sasama. Kaya heto, napasama kami.

"Anong mas magandang color para sa maskara? Blue,Gold or Red?",tanong ni Kristy sa amin habang hinahawakan ang mga silver dust na Blue, Gold, at Red.

"Gold",sabi ko

"Mas maganda ang Blue" kontradiksyon ni Liezel habang tinititigan ang mga silver dust.

"Mas maganda ang Gold",sabi ko kay Liezel habang kinuha ang silver dust na color Gold.

"Mas maganda nga to!" aniya habang kinuha naman ang Blue.

"Gold"

"Blue"

"Gold"

"Blue"

"Go-"

"Tumigil na nga kayo!" awat ni Kristy sa aming dalawa habang kinuha ang silver dust na hawak namin. "Mas maayos kung Red nalang"

"Ang bastos mo rin eh! Edi sana hindi mo nalang kami pina-pili ng color kung ikaw lang rin naman ang magde-desisyon kung anong kulay ang gagamitin! Tsk!",galit na sabi ni Liezel

"Nag-aaway na kasi kayo",mahinahong sambat ni Kristy. "Takot kasi akong mag-away kayo. Dahil alam kong hindi kayo mag-iimikan at alam kong hindi agad kayo magbabati"

Kung sa bagay, may point naman siya.

Hinarap ko si Liezel. "Sorry Liezel" sabi ko habang nakayuko.

"Sorry narin. Matigas tong ulo ko eh"

"So ayan! Wala nang away ha?" nakangiting sabi Kristy sabay yakap sa aming dalawa. Ginantihan naman naming dalawa ni Liezel si Kristy ng yakap, Group hug lang kumbaga.

Humiwalay na ako kaya naghiwalay narin silang dalawa sa pagyakap. Naisip rin namin na si Kristy nalang ang mamili kung anong gusto niya dahil mag-aaway na naman kami kung kami ulit ang papipiliin.

Andaming pinamili ni Kristy! Workaholic talaga 'tong kaibigan ko! Kaya ayan. Gusto rin kasi niya na maganda ang output niya sa mga projects. Lumabas na kami sa Textile Store at napag-isipan naming kumain muna sa fast food chain dito sa loob ng mall.

Umupo kami malapit sa gitna. Sofa ang upuan dito kaya komportable kamkng tatlo.

"Ahm. Fried Chicken, Lumpia, Spaghetti, Coke, Hamburger, Cheese Pizza, Lasagna and Halo-halo. 3 pieces each" dinig naming order ni Liezel sa cashier. Gulat na gulat yung cashier kaya wala na siyang sinabi pa at sinunod nalang soya. Siya naman kasi ang nag-volunteer na umorder kasi treat niya.Andaming pinamili, mauubos kaya namin lahat yan?

Imbes na isang maliit lang na table ang amin at dun sa gitna, lumipat nalang kami dun sa pinaka huli kung saan mas malaki ang table, kasya ang anim na tao.Paparating na ang order namin at nilapag na nung waiter ang order namin.

"Three Fried Chicken, Three Lumpia,Three Spaghetti,Three Coke, Three Hamburger, Three Pizza , Three Lasagna and Three Halo-halo. Yan po lahat ng in-order niyo ma'am" ulit ng waiter na halatang gulat na gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Kababaeng tao, ang laki ng kain di'ba? Tsaka fit parin sila, maliban sa akin kahit na marami silang kinakain.

Tumango lang si Liezel sa waiter.Nakakahiya! Pa'no ba naman kasi pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng restaurant.Andami kasi naming pinamili,para nang may okasyon eh wala naman.

Nagkatinginan kami kay Liezel habang malakas na kumakain. Ang arrangement kasi namain, katabi ko si Kristy habang nasa harap naman namin si Liezel. Tumingin si Liezel sa amin with her eyes na parang nagtatanong. Nilunok niya muna ang ningunguya niya at nagtanong.

"What's the problem?"

"Wala. wala" pagsinungaling ko.
"Ahm,ano Liezel...dahan dahan lang"

"Paano ako magda-dahan-dahan kung gutom na ako?!",sigaw niya.

"Sabi ko nga eh!",payuko kong sabi. Naku! Nabulyawan pa ako ng isang 'to. Grr!

To be continued...

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon