Jamela's POV
Lumipas na ang pasko at balik-skwela na ang mga studyante kasama si Michelle.
Parati na nga akong good vibes nung nalaman kong si Clyde ang ama.
At alam niyo kung anong plano ko?
Ibubulgar ko ang sikreto nila kay Kristy.Nalaman ko yan nung narinig ko ang recorder kaya yun ang plano ko,ang sirain silang tatlo.
Nabalitaan ko ring nasa Poland noon si Kristy kaya free silang mag-date.
Hindi ba nila inisip na maraming nakakakita sa kanila?
Well kung tutuusin, wala naman silang utak.
"Michelle! Late ka na!",sigaw ni Manang Seff na nasa hagdanan.
Kakainis tong si Michelle,mas lalong tumigas ang ulo.
Mas lalong naging wild.
Ewan ko kung bakit.
Nandito pala ako sa dining room at kumakain ako.As usual,wala ako sa diet kaya habhab ako sa kakakain ng adobo ala Manang Seff.
"Masarap ba ang niluto ko?",tanong ni Manang seff.Surrender na ata siya kasi ayaw talagang bumaba ni Michelle.
"As always Manang.It's so delcious like no other".
Ngumiti naman si Manang sa narinig niya.Ganyan kasi yan eh,Masaya if there were people na nagko-compliment sa kanya.
"Thank you anak"
Pinagpatuloy ko parin ang kakakain ko.Hindi ko alam pero parang ginaganahan ako ngayong araw.
Mabuti't tapos na akong kumain,umabit nga lang ng kalahating oras.
Ano ba yan?! Bakit hindi parin lumalabas tong si Michelle?
Umakyat ako sa hagdanan at kumatok sa kwarto ni Michelle.Wala kasi siyang response kay Manang Seff kanina.
TOK TOK TOK
"Michelle? Lumabas ka na diyan! Ang OA mo rin noh?"
Walang sumagot.Ano bang nangyayari dito?
"MICHELLE! BAKIT AYAW MONG LUMABAS?!",sinigawan ko na.Nakakainise eh!
"AYOKO MUNANG PUMASOK.I JUST WANT TO BE ALONE!",aniya.
Gusto niyang mag-isa? Edi go!
Madali lang naman ako kausap eh.
Tsaka,may pupuntahan pa ako ngayon dahil sasabihin ko na kay Kristy ang nalalaman ko.
Hindi na ako nagpa-ligoy ligoy pa at dumiretso na sa Underson University para sabihin kay Kristy ang totoo.
Malayo pa nga ako,nakita ko na agad ang...
Hininto ko ang kotse ko.
Teka...
Sino yan?
Tiningnan kong maigi ang isang naka-ponytail na babae at naka-white dress dala ang sling bag niya.
Hindi nga ako nagkamali. Si Stacey nga. Anong ginagawa niya dito?
Para siyang nalilito kaya bumalik siya sa kotse niya at umandar.
Nakita kong magpa-park siya kaya...pagkakataon ko na,para badtripin siya.
Dali-dali kong pinaandar ang kotse ko at inunahan si Stacey sa balak niya parking space.
Napahinto ang car niya at klarong na bad-trip siya kaya lumabas siya.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...