Jamela's POV
Minulat ko ang mata ko.
Bakit nandito parin ako?!
Ibig sabihin,nahuli parin kami ng mga kidnapper?!
"Gising ka na pala",boses ng isang babae.Wala akong makita.Sobrang dilim.
"Sino ka ba?! Bakit mo ba kami kini-kidnap?! Tulong!!!",sigaw ko.
"Sorry ka nalang.Walang makakarinig sa'yo dito",aniya at biglang bumukas ang ilaw.
"Stacey?!"
"Ako nga.Nagulat ka?"
"Napakasama mo talaga! Napakasama mo!"
"Tigilan mo ako.Wala nang mas isasama pa kesa sayo",sabi niya at sinampal ako.
"Masama nga ako.Pero hindi sa paraang nakakasakit ako ng tao!"
"Bakit? Hindi ba masakit ang agawan ka ng mahal? At paghigantihan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kaya ko lang naman to ginagawa.Dahil may atraso kayo sa'kin ni Liezel.Actually,hindi naman talaga si Liezel ang dapat na kikidnapin kundi si Kristy.Pero dahil siya ang nakidnap,okay narin,dahil sa ginawa niya sa'kin 2 years ago"
"Pakawalan mo na kami,Stacey.Hindi to nararapat.Makukulong ka nito.Youll live in the jail forever pag ginawa mo to!"
"I dont care! Mayaman kami kaya sure akong may-pang pyansa ang magulang ko. Besides,pupunta rito ang knight in shining armor ninyong dalawa ni Liezel.Kaya maghintay lang kayo sa gagawin namin sa kanila"
"Anong gagawin niyo? Bakit niyo pa dadamayin si Clyde?!"
"Dahil mahal ko siya.Una ko palang siyang makita sa terrace ng condo unit niya,mahal ko niya siya,okay? At alam mo ba Jamela,nandito ang pinakamamahal mong si Arthur Davis para ipagtanggol ka? How romantic!"
"Ano?! Nandito si Arthur? Anong binabalak mo sa kanya?"
"Well,wala naman siyang pakinabang sa'kin.Papatayin ko nalang siya"
"Stacey Tumigil ka na!",
"Tumigil ka na rin! Andami mong satsat!Sige na! Ilagay ang mga yan sa kabilang garahe! Gagawin kong hostage ang mga babaeng yan mamaya! Dahil dadating na sina Clyde"
Lumabas na si Stacey at tinakpan ang mukha ko ng panyo.
Dumilim na naman ang paligid.
***
Clyde's POV
Malapit nang gumabi kaya papunta na kami sa sinabing lokasyon nung babae.Hindi ko alam kung sino.Basta boses babae siya.
Nagda-drive ngayon si Arthur at nasa passenger's seat ako.May dala lang kaming mga kutsilyo para sa self defense.Pero hindi namin ipapa halata.
"Nga pala.Bakit ka nandito agad Arthur? Diba nasa Canada ka pa?",tanong ni Kristy.
Tama kayo.Nandito si Kristy at kasama namin siya,sabi niya kasi na gusto niya raw'ng iligtas ang mga kaibigan niya kaya ganun.
"Matagal na akong nasa Pilipinas.Pero nandito lang ako for business proposal.Sosorpresahin ko nga sana si Jamela sa bahay kaso wala daw siya. Nung sinabi ni Mr Underson,papa ni Liezel,na dalawang araw nang nawawala si Liezel,nagtaka narin ako.Kasi dalawang araw naring wala si Jamela kaya naisip ko na baka magkasama sila.At tama nga ako",sagot niya sa tanong ni Kristy.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...