"Liezel?"
Tumibok nang mabilis ang puso ko.Alam ko ang boses na yun.
"Liezel!",sigaw ulit nang isang cold na boses.
Dahan dahan akong humarap sa nagsalita.Tama nga ako,si Clyde ang nagtawag.
Palapit na siya nang palapit sa akin.Tumitibok nang mabilis na naman ang puso ko.Ano to?
"Akala ko nakapasok ka na",pauna niyang salita.
Nag-nod lang ako.Na-tameme ako bigla eh.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Asan ba si Kristy?".Nilingon lingon niya ang mata niya sa magkaibang direksiyon."Hindi ko siya makita.Andaming tao"
"Nasa National Book Store siya.Pumunta na tayo".Mabilis akong naglakad para makarating agad sa Book Store at para maiwasan si Clyde.
"Teka! Hintayin mo ako",sabi pa niya at tumakbo.Tumakbo narin ako para hindi niya ako maabutan pero nahawakan niya ang braso ko kaya napa-harap ako.Tiyempo namang natapilong ako kaya napayakap ako sa kanya.
TUG DUG TUG DUG TUG DUG
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kailangan pa na maging ganito ang sitwasyon?
Tumayo ako agad at pinag-pagan ang damit ko saka siya tinignan."Umalis na tayo",sabi ko at naglakad na.Sumunod naman siya.
__________
Nasa Second Floor pa ang National Book Store kaya matatagalan pa ang lakad namin.Marami kasing nagsisiksikang tao sa elevator kaya nagha-hagdan nalang kami ngayon.
AWKWARD! Hayayay! Awkward talaga ang feeling ko.Wala kaming kibuan ni walang tinginan.Naglalakad lang pataas.Yun lang talaga.Sobrang tahimik.Kami lang kasi ang umaakyat dito sa hagdan.Alam niyo na yang mga tao ngayon,mga tamad.
"May sasabihin sana ako...",pagbasag niya sa katahimikan.Hindi ko siya pinansin.Lakad parin ako ng lakad.
"Sa Last Friday Night".Napahinto ako sa sinabi niya.Bakit niya yun in-open?! Ayoko ngang pag-usapan eh!
Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay."Ayokong marinig ang salita mo.Kalimutan nalang natin yun".Nagpa-tuloy ako sa paglalakad at nasa Second Floor na kami.
Akala ko hindi na siya magsasalita pero...umuna siyang lumakad kesa sa akin at humarap.Hinarangan niya ako kaya napahinto ako.
"Sikreto nalang ba'to? Ito lahat?!",aniya habang hinahawakan ang braso ko.
"Kung maaari,isesekreto ko'to.Wala akong pake",kalma kong sagot.
"Liezel,walang sikretong hindi nabu-bunyag.At alam kong dadating ang panahong malalaman ni Kristy to! Mas mabuti pang sabihin na natin sa kanya 'to bago pa siya masaktan ng sobra!",paliwanag pa niya.
Hindi ko siya sinagot at nag-pumiglas na bitawan ako.Nabitawan niya naman ako kaya nagpatuloy na ako sa kakalakad.
Nakarating na kami sa National Book Store.Bakit wala siya dito? Sabi niya dito lang daw siya maghihintay.
***
Kristy's POV
Salamat naman at nakapag-bawas na ako.Grabeh! Kanina ko pahinihintay si Liezel.Ang tagal kasi.Nakaramdam tuloy ako ng iba kaya diretso akong pumunta sa Toilet.
Lumabas na ako sa cubicle at kinuha ang alcohol sa bag ko at binuhusan ang kamay ko.Kinuha ko naman ang lip gloss ko at nilagay sa labi ko.Konting foundation narin para hindi oily ang face ko.
Nilagay ko na lahat ng make-up kit ko sa bag at lumabas na sa Toilet.
Ilang minuto lang,nakalabas na ako sa masukal na daanan ng Toilet.Mataas kasi ang daanan kaya ganun.Babalik na ako sa National Book Store ngayon,baka kasi nandun na si Liezel.
Nakarating na ako sa National Book Store.Wala pa siya dito? Eh asan na ba yun?
Pumasok nalang ako sa Book Store at tinitingnan ang mga libro. Nang tumingin ako sa isang shelves,nabangga ko ang nakatalikod na lalaki.
"Sorry",sabi ko at tumingin sa kanya.Humarap siya sa akin."Clyde?! Bakit ka nandito?"
Nandito si Clyde?! Diba sabi niya na hindi siya makakarating?!
"Kristy...",aniya at niyakap ako."Kanina ka pa namin hinihintay.Akala nga namin wala ka na dito".Teka.'Namin?' Eh sino namang kasama niya?
"Kristy! Andito kalang pala eh!".Tumingin ako sa nahsalita.Si Liezel?! Bakit sila magkasama?!
Humiwalay na si Clyde sa kaka-yakap niya."Ahm.Magkasama kayo?",tanong ko sa kanila.
Nabalot ng katahimikan ang paligid namin nang tinanong ko yun.Pero agad namang binasag ni Liezel.
"Kasi ano...nung tinawagan mo ako...Nag-alala ako bigla kasi ikaw lang mag-isa.Hindi ko kasi alam kung anong pumasok sa kokote ng lalaking to...",paliwanag ni Liezel habang pinapalo pa sa braso si Clyde."At pinabayaan kang mag-isa dito! Kaya tinawagan ko siya",dugtong pa niya.
"Yun lang pala.Sige! Tara na! Let's go shopping!",sigaw ko at hinila silang dalawa palabas sa Book Store at pumunta kami sa Grocery.
***
Liezel's POV
Dinala kami ni Kristy sa Grocery Room.Anong gagawin namin dito?!
Hay! Salamat talaga at hindi ako sumablay kanina.Salamat at nasabi ko yun nang hindi umuutal masyado.
"Anong gagawin natin dito?".Tinanong ko siya.Wala kasi akong alam kung bakit dito kami pumasok.Tsaka,first time naming tatlo na pumasok sa isang Grocery Store.
Humarap si Kristy sa akin at nginitian ako."Birthday kasi ni Mama this Wednesday kaya gusto ko siyang sorpresahin!".
"Tapos?"
"Ang slow mo Liezel! Edi maglu-luto ako para kay Mama.Kaya nga nandito tayo sa Grocery eh!"
Ngayon alam ko na.Mas mabuti na ngayon kasi naguguluhan talaga ako kanina.
Kumuha na kami ng isang wheel basket.Mukhang marami talaga tong bibilhin si Kristy.
Kaming dalawa ni Clyde ang naghi-hila ng basket.Awkward na naman ang moment namin.Ayoko talaga ang feeling na'to.Feeling ko kasi iba! Basta! Hindi ko alam ang pakiramdam ko.
"Clyde.Paki-abot naman nung pasta sa taas ouh??",pakiusap ni Kristy.Tumingin muna nang saglit si Clyde sa akin pero hindi ako tumingin.
Lumapit naman si Clyde kay Kristy at kinuha niya ang pasta na nasa taas.Nang nakuha niya na yun,diretso niyang hinalikan sa pisngi si Kristy.
"Ikaw talaga!",sabi pa ni Kristy at nag-smack kiss lang sa pisngi ni Clyde.
Kakaiba ang feeling ko ngayon ah? Parang may namumuong selos sa loob ko.Pero parang hindi.Tama! Hindi to selos,masakit lang siguro tiyan ko kaya ganito.
Naglalambingan silang dalawa.Iniiwasan ko nalang silang tingnan dahil naiinis ako.Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pero yun talaga ang feeling ko.
____________
Tapos na kaming mag-grocery.Andami nga niyang pinamili.Pasta,trays ,gulaman at napakarami pa.
"Manong,babalikan ko lang po to mamaya ha?Thank you po!",pakiusap ni Kristy.Nga pala,binilin niya ang mga pinamili naming grocery sa isang baggage center malapit lang sa grocery store.
Umalis na kami at pumunta na sa Fashion Center para daw mamili nang heels at damit.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Iba to sa noon ko pang naramdaman...
Basta.Nakakapanibago...
Hindi ko alam ang gagawin sa feeling na'to o kung paano ko to maalis.
Argh! Hindi ko alam!
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...