MNGB 41:SM Metro

7.2K 186 3
                                    

Liezel's POV

'Tulala lang sa'king kwarto
At nagmu-muni muni
Ang tanong saking sarili
San ako nagkamali
Bakit sa iyo pa nagkagu-'

[A/N:Porque po yan.Wala lang po akong maisip na iba eh.Tsaka,yun lang kasi ang naiisip kong kanta na may tulala]

Diretso kong tinapon ang cellphone ko sa kama.Ano bang drama ko at yun ang pinili kong kanta?! Tss!

Parati ko paring iniisip ang nangyari sa nakaraang sabado.Hindi ko talaga makalimutan yun.Bakit pa kasi kami pinatulog ni Kristy sa iisang kama eh!

[Flashback]

"Liezel! Teka!",rinig kong sigaw ni Kristy galing sa kwarto.Dali-dali parin akong naglakad dahil nahihiya parin ako sa kanya.Pagkatapos ba naman nang nangyari sa aming dalawa ni Clyde??

"Liezel! Ano ba! Maghintay ka naman!".Hinawakan na ako ni Kristy sa braso kaya napa-harap ako sa kanya.Tumibok ang puso ko sa kaba.

"Liezel naman.Ano ka ba? Sabado ngayon kaya walang pasok",paliwanag niya.Hinihingal pa siya.

Sabado ba ngayon? Oo nga.Sabado nga pala ngayon.Hindi ko alam kasi na-absent minded ako.

Lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko si Clyde na nakikinig sa amin malapit sa divider ng TV.

"Okay ka lang?",pag-interrupt ni Kristy sa akin habang nagwe-wave pa ang kamay sa mukha ko.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kay Clyde.

"Ha?"

"Parang absent minded ka eh.Sabi ko,sabado ngayon kaya walang pasok",sabi niya habang nakangiti."Nakakatawa kasi yung mukha mo"

"Ngumiti ka lang uli kundi kukunin ko yang labi mo".Kailangan kong maging cool lang para hindi niya mahalata na may tinatago ako.I mean,kami.

"Ganun ba? Okay.Sige alis na ako ha?".Palabas na sana ako nang tinawag uli ako ni Kristy.

"Yung susi mo".Tinaas niya pa ang susi habang nakangiti.Nga pala noh? Siya nga pala ang nanghatid sa amin kagabi.

Lumapit ako sa kanya at padabog na kinuha ang susi at lumabas na ng condo at nag-drive na.

[End of Flashback]

Hindi ko na iku-kwento sa inyo ang nangyari sa kotse ko dahil alam kong alam niyo na kung anong nangyari di'ba?

*6:35 pm*

Boring ang monday ko.Hindi ako pumasok.Ano namang mapapala ko dun? Magpapa-alipin sa Jamelang yun? Saka ayoko munang humarap kay Kristy.Nahihiya na ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at humiga sa kama.

*BBBZZZZZTTTT*

Kinuha ko ang phone ko,may tawag kasi.Binuksan ko na ang screen ng phone.

Clyde Calling...

Tss! Wala ako sa mood para makipag-lambingan.

Pinindot ko ang end call at binitawan.Ayoko siyang maka-usap.Ayoko ayoko ayoko.

*BBBBZZZZZTTTTTT*

Argh! Tumatawag na naman siya! Kinuha ko ang phone ko at binuksan ulit ang screen saka pinindot ulit ang end call.Nakakaloka!

*BBBZZZZZZTTTTTT*

Kinuha ko diretso ang phone ko ulit at binuksan ko ang screen at sinagot siya.Naiinis na ako! Paulit ulit nalang nagri-ring.

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon