Liezel's POV
Hay! Inlove na talaga ako sa kanya.Palagi siyang nasa isip ko.Tss! Lintek na tukso!
Naka-bihis na ako.Mabuti't wala si Dad ngayon kasi nasa Quezon parin siya.
Si mommy naman,nasa US pa para sa proposal namin kay Mr Chen.
Pupunta na ako sa Butter House total 7 pm na eh.Hindi ko pa sinubukang tawagan ulit si Clyde kasi alam kong nandito na yun kanina pa.
Ilang minuto lang,nakarating na ako kaya dali-dali kong pi-nark ang kotse ko at binuksan ang main door ng Butter House.
Nakita ko na si Clyde.
Ang gwapo niya ngayon...
Napaka-formal ng dating...
Stiped Black and White Polo...
Black pantalon...
White Shoes....
Ang kisig ng dating niya.Nakaka-adonis ang dating.
Para siyang...
Basta!
Hindi ko ma-explain ang ka-gwapuhan niya!
Lumapit na ako sa kanya.
"Mabuti't nandito ka na.Have a seat",aniya at tinuro ang upuan kaya umupo na ako.
Napaka-formal dito.
"Ahm.Order?",aniya.
Parang nahihiya pa siya.
Ngayon pa ba siya nahiya gayon kung maka-sabi siya sa phone na magkikita kami?
Kinuha ko ang menu at namili na ng pagkain.
Ilang minuto lang...
Nandito na ang pagkain namin kaya kumain na kami.
"May balak ka ba ngayong pasko?",tanong niya habang kumakain ng ham.
"Wala.Sa bahay lang.Wala naman akong kasabay sa pasko eh.Wala ang magulang ko saka kapatid ko",paliwanag ko sa kanya.
"Bakit di nalang tayo sabay mag-celebrate? Total,pareho naman tayong walang kasama sa pasko",aniya at kumain.
"Pag-iisipan ko pa eh"
Nahihiya ako.
Para kasing...
Ang haba ng buhok ko para sabihin sa lalaki na sabay kami magpapasko...
Well,dapat lang naman kasi siya ang ama ng baby ko.
Napaisip lang ako...
Ano kayang mukha ng anak ko?
Ugali?
Pangangatawan?
Kagaya ba siya ni Clyde kasing guwapo?
O sa akin na kasing ganda?
Ewan ko.Wala pa akong alam.
Malayo pa ang kapanganakan ko kaya bakit ako nag-iisip nang mga ganyan? Tss!
Excited much? Ganun?
Kumain na kami.Walang kibuan kasi nagkakahiyaan siguro.Halata naman kasi sa mukha niya.
"Ahm... Para sa baby...",pagbasag ko sa katahimikan.
Napatigil siya sa kaka-hiwa niya sa steak at tumingin sa'kin.
"Anong para sa baby?"
"Naisip ko lang siguro...Ano kayang magiging baby natin? Malusog ba siya o hindi?"
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...