Jamela's POV
Nasa Library na kami ngayon kasi balak naming hanapin yung librong hinahanap ni Kristy kanina pa.Nilibot na namin ang buong Library pero wala parin kaming makitang librong...teka! Ano bang libro ang pinapahanap ni Kristy?
"Saz? Kristy? Ano bang libro ang hinahanap natin? Kanina pa tayo nandito pero wala parin tayong makita.Eh hindi naman namin alam kung anong librong hinahanap mo eh!",sabi ko.Bawal isigaw eh! Nasa Library.
"Ikaw naman kasi,padalos-dalos! Hindi pa nga alam kung anong libro ang hinahanap kumakandaripas na sa kakahanap.Tss!",si Kristy habang isa-isang binabasa ang title ng mga libro sa isang malaking bookshelf.
"Sorry na! Hindi ko alam eh!",sabi ko at umupo nalang sa gilid.Ano bang saysay ng paghahanap ko kung hindi ko alam kung anong hahanapin?!
"Nga pala.Ano bang nangyari kanina at napasugod kayo sa Guidance?",tanong ni Kristy habang binabasa parin ang mga title ng mga libro.
"Oo nga.Ni ako nga na sangkot dun,wala ring alam",dugtong naman ni Liezel.
"Dahil lang naman yun sa nangyari kanina",ako
"Eh ano nga?",tanong ni Kristy
"Dahil kaninang umaga,paglakad ko sa hallway,nabangga ko si Stacey kaya nagalit siya kaya nag-revenge raw siya kanina sa ginawa ko sa kanya",paliwanag ko at nag-indian seat.
"Yun lang naman pala ang ginawa mo! Ang babaw! Bakit pinapalaki pa ng Stacey na yan?",tanong ni Kristy.
"Hindi ko alam",tipid kong sabi.
"Ang sabihin mo, gusto lang talaga niya ng away! She daughter of a b**ch!",sabi naman ni Liezel
"Haist! Tulungan mo na nga kaming hanapin yung libro!",utos ni Kristy.
"Eh paano nga ako makakahanap ng hinahanap mo kung hindi ko nga alam kung anong hinahanap nating libro!",sabi ko habang tumayo na at oumunta sa isang malaking bookshelves.
"Ano...Yung...Sa...Living Types",aniya.Ano naman yun? Libro? May libro bang ganun? Tss!
"Okay",tipid kong sabi at binabasa na ang mga title ng libro.
"Ano ba yan! Ang hirap! Bakit pa ba kasi kailangan pa nating maghanap?",sermon ni Liezel."May Google naman eh! Bakit ayaw mong mag-search ng hinahanap mong libro sa Google?!"
Kung sa bagay,tama nga si Liezel."Oo nga! High-Tech na ngayon ngayon noh! Hindi na uso tong mga libro libro!",pagsang-ayon ko.
"Hindi yun ordinaryong libro! Mahalaga ang nagsulat nun saka wala kang mahahanap na ganung libro sa Google noh!",hindi pag-sang ayon ni Kristy at halos magiba na ang ibang libro sa kaka-buklat niya.
"Ewan ko sa'yo.Pinapahirap mo lang sitwsyon mo eh!",sabi ni Liezel at tumigil sa kakabuklat ng mga libro."Pwede mo namang i-Google yan! Alam mo na kasi ngayon, High-Tech na kaya makikita na lahat sa computer mo noh!"
"Ayoko nun! Gusto ko talaga yung nasa libro.Mas mahalaga kaya ang libro kesa sa Internet noh!",si Kristy habang iniiripan pa si Liezel.
"Para kayong ewan! Tumigil na nga kayo diyan! Alam ko namang mas gusto talaga ni Kristy ng libro kesa sa e-books kaya pagbigyan nalang",biro ko kay Kristy.
Tiningnan lang ako ni Kristy at ni-rolled angata niya.Ganun? Maldita ang peg niya? Whatever!
Pinatuloy ko na ang paghahanap ko.Bakit wala parin dito?!"Kristy! Bakit walang ganung libro dito?! Ano nga ba yun? Living Types?",sabi ko habang nalayuko dahil naghahanap ako sa ilalim ng mga bookshelves at baka nahulog kaya hindi namin nakita.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...