MNGB 19:Big Revelations

8.7K 265 5
                                    

Yes! Lunes na! Excited na ako sa sasabihin ni Clyde sa akin. Parati tuloy akong nag-iisip ngayon kung ano kayang sasabihin niya.

Nasa bahay pa ako ngayon at kumakain kami ni Arthur.Hindi ko siya pinapansin.Naiinis parin ako kahapon.Napaka-dirty mind ko na kasi. Basta naiinis talaga ako.

"Sorry",aniya.Hindi ko lang siya pinansin at dinubo ang pagkain s bibig ko.

"Sorry na,Jamela",paulit niyang sabi pero hindi ko parin siya pinansin. Hindi ko nalang tinapos ang pagkain ko at uminom na ng tubig.Uminom rin siya ng tubih kahit hindi pa tapos kumain.

Tumayo na ako at pumunta sa sink ng kusina para mag-toothbrush.Nagulat ako nang agad siyang sumulpot."Sorry na",paulit niya na naman sabi.Hindi ko parin siya pinansin at kinuha ang totthbrush ko sa lalagyan at nilagyan ng tootpaste. Ginaya niya rin ako at kinuha niya rin ang toothbrush niya at kinuha ang toothpaste.

Hindi ko parin siya pinansin at nag-sipilyo na.Nag-sipilyo narin siya.Imitator ka ha? Nakakainis.

Dali-dali kong tinapos ang pag sipilyo ko.Salamat at tapos na ako.Pero dali-dali niya ring tinapos ang pagsipilyo niya.

Nilagay ko na ang sipilyo ko sa lalagyan at pumunta na sa sofa at umupo para suotin ang medyas ko.Sumunod na naman siya at kinuha rin ang medyas niya at umupo.

"Sorry na please",sabi niya na naman.Naisuot ko na ang ang kaliwang medyas at isusuot ko na sana ang kanang medyas pero agad niyang kinuha.

"Ano ba?!",sigaw ko.Agad siyang tumayo sa harap ko at nilujod niya ang isa niyang tuhod."A-anong ginagawa mo?",gulat kong tanong.Kinuha niya ang kanang paa ko at sinuot ang medyas.Nagulat na naman ako nang iniluhod niya na ang dalawang tuhod niya.

"Huy! Tumayo ka na.Ano ka ba?",sabi ko at hinihila siya pataas pero nagpapabigat siya kaya hindk ko siya mabuhat.


"Sorry na kasi please.Please.Please.Please",aniya habang pinagdikit ang dalawang kamay.

"Tss! Oo na! Hindi kita matiis",sabi ko.Tumayo naman siya agad at niyakap ako.

"Thanks!",aniya.Hindi ko alam ang nangyari dahil ang bilis pero napangiti na ako at nawala na ang galit ko sa kanya.Humiwalay na siya sa kakayakap niya."Tara na!",aniya at hinila ako papasok sa kotse.

"Teka!",sigaw ko."Ang bag natin?",sabi ko.

"Kukunin ko na po,Your highness",aniya at yumuko pa.

"Tigilan mo na nga ako!",sabi ko sa kanya.Tumigil naman siya at nginitian ako.

TUG DUG TUG DUG TUG DUG

Umalis na siya at binalikan ang bag sa sofa.Ano yung naririnig kong ingay? Wait! Hinawakan ko ang dibdin ko.

TUG DUG TUG DUG TUG DUG

Omaygad! Anong nangyayari?! Bakit ang bilis ng heart ko?!

Agad namang sumulpot yung katulog namin sa garden."Love na yan!",bulong niya.

"Ha?",nag-aalangan kong tanong.

"L-O-V-E na yan.Okay? Love!",bulong niya parin.

"Tigilan mo nga ako.",sabi ko.Umalis naman siya at bumalik sa paggugupit ng halaman.

Nakabalik na si Arthur at dala na ang bag namin.Dumiretso naman siya sa drivers seat at umandar na. Totop kaya yung sinabi niya kanina? Love? Pero paano? Si Clyde lang ang mahal ko.Wala naman iba eh!

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon