Jamela's POV
*Underson Owner Office*
*-MONDAY-*Kanina pa ako dito sa Owner Office at iniisip ko how rich I am.Napakayaman ko kasi nabili ko tong school.Masaya rin ako kasi nakita ko ang pagmumukha ng mga pinaghihigantihan ko.
Nagmu-muni ako dito sa kwartong to.Im sorry Mr Underson,kasi nabili ko ang pinakamamahal mong school.And because sa'yo,mapapabagsak ko na kayong mga Undersons.
"ELZIE!!!",sigaw ko.Agad namang dumating si Elzie dala parin ang mga schedule folder niya.
"Yes Ma'am?",tanong niya habang kalat na kalat ang buhok.Malamang dahil yan sa kakatakbo.
"Iligpit lahat ng basurang gamit dito sa kwartong to at ilagay mo sa gilid" umupo ako sa rotating chair at nag-cross legs.
"Copy Madam",sabi niya at palabas na tumakbo.Bakit ba nagtatakbo yang babaeng yan?! Nagmamadali lang ganun?! May date ba yun at nagmamadali?! Argh! Bwiset! Bakit ko pa siya pinag-aaksayahan?!
Ilang minuto lang ang nakalipas,nakarating na si Elzie kasama ang tatlong maskuladong lalaki."Ito na po ang magliligpit madam".
"Siguraduhin mo na hindi lampa to,okay? Kadalasan kasi sa mga maskuladong lalaki,mga walang utak" tumayo na ako."Sige na.Iligpit lahat".Lumakad ako papunta ng pinto pero huminto agad.Humarap ako sa kanila habang nameywang."Isa pa.I want to finish that as soon as I go back okay?!"
Pinatuloy ko na ang paglalakad ko.Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa room 4-A.Ito yung room namin noon.Ang room na saksi sa lahat ng pambubuly nila.
Huminto ako sa backdoor.Kalat na kalat,maraming lalaking naglalaro,nakikipaglambingan ang mga babae at lalaki.At mukhang hindi nila ako napapansin,wala kasing nakatingin sa akin ngayon.
Pero ito ang umagaw ng pansin ko,isang nerd na pinapalibutan ng mga babae at binubully ng mga kaklase niyang magaganda.Katulad ko lang noon na inaalipin din nina Stacey at iba pa.Speaking of Stacey,nasaan na kaya siya at hindi ko siya nakikita sa campus? Dont tell me na nag-aral siya sa ibang University? Hell no! Hindi dapat! Kapag nangyari yun,edi hindi ako makapaghiganti.
"Ano? Masarap ang sampal ko di'ba? Next time kasi,kulangutin mo yang tenga mo.Hindi mo kasi ako narinig kanina.Di'ba sabi ko na Chocolate Sundae with Strawberry Toppings ang pina-bili ko?! Bakit Chocolate Sundae with Raspberry Toppings ang binili mo?!",sigaw nung isang babaeng halatang leader nila.
"Sorry na Rose,sabi ko naman talaga sa vendor na yung strawberry pero sabi niya kasi na nalagay niya na daw yung raspberry",paliwanag nung nerd na nasa sahig at kalat na kalat ang buhok habang hawak hawak ang kaliwamg pisngi.
"I dont care! Edi sana sinabihan mo yung vendor para hindi kita nasobrahan.Well,it's okay lang naman.Kasi nakasampal na ako",sabi nung babae kanina at naglakad papunta sa upuan niya.Unti-unti nang nawala ang mga babae sa kina-uupuang sahig nung nerd at naka-upo na sila habang nagchi-chismis.Hindi parin nila ako nakikita.
Dahil dun sa nangyari,kumukulo ang dugo ko.Gusto kong sampalin ng ilang beses ang babaeng yun.
Hindi ako nakapag-pigil sa naramdaman ko kaya lumakad ako ng dahan dahan papunta sa babaeng nambu-bully kanina.
Kanina,ang mukha nilang masaya,ngayon ay takot at nabiglang mukha naman ang nakita ko.
Humarap ako dun sa babaeng nambu-bully.Nag-cross arms ako at tinaasan siya ng kilay.
Tumingin rin siya sa akin nang naka-taas kilay."What?",aniya.
Hindi ko siya sinagot at nag-killer eyes lang. Tumayo siya at tiningnan ako from head to foot."Anong kailangan mo at ganyan ka makatingin?",tanong pa niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...