Kristy's POV
Nakarating na kami sa room. Salamat naman at wala na siya sa mga mata ko. Hindi ko narin siya maaalala. Umupo na kami ng diretso dahil alam naming dadating na si Miss maya-maya.
"Stand up!",si Miss na diretsong pumasok sa pinto at nasa lectern ngayon.Tumayo naman kaming lahat.
"Good Morning Miss",kaming lahat at bumalik na sa kaka-upo.
"You have new classmate.Please introduce yourself",sabi ni Miss sabay turo sa labas ng pinto.
Bigla akong napuwing kaya napapikit ako.Ang sakit!
"Hi I'm Clyde Dylan Vellington.16 years old from Harvard University"
No way! Dito siya mag-aaral? Sa section namin?! Naku ayoko!
"Okay.You can seat beside Ms. Laurel",si Miss.Sinasadya talagang bakante ang kanan ko ha? Kakainis!
Hindi ko nalang siya tiningnan kasi naaalala ko pa ang ginawa niyang pang-iwan.Niyuko ko lang ang mukha ko at kumuha ng notebook para basahin pero wala namang nakasulat. Nagpe-pretend lang.
Umupo na siya sa tabi kong seat.Nakakainis! Sana noon pa doon nalang ako sa dulo eh! Napagitna pa kasi.
___________________________________
Tapos na ang afternoon session at umuna na sina Jamela at Liezel.Hindi naman nila sinabi kung anong gagawin nila.Niligpit ko na ang mga gamit ko at kinuha ko na ang libro na nasa ibaba ng desk ko.Nung kunin ko na sana,napansin ko ang isang nahulog na libro.Ito yung hinahanap ko! At may notes pa.
"Kristy,
I want to give this to you. I love you"
Sino naman ang nagbigay nito? Di bale, kukunin ko nalang.Sayang naman kasi eh!
Nasa bahay na ako ngayon at nakahiga na sa kama ko kahit hindi pa ako nakapag-bihis.
Kring! Kring!
Bakit nagri-ring ang phone ko? Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko lang.
Unregistered Number
Answer.
"Hello? Sino to?"
[This is from the German Style Restaurant and were inviting you for the party.Jamela and Kristy are here already at kayo nalang po ang kulang]
"Okay I will go ahead"
Dumiretso na ako ng sagot.Total nandun naman ang mga saz ko eh,kaya okay lang.Nagbihis na ako ng isang yellow blouse and a white shortpants.
Nagpaalam na ako kay Mama.Hindi naman tutol si Mama s mga ganito lalo na at nandun na ang mga saz ko.Ano ba ang selebrasyon.Nakalimutan ko kaya.
I drve myself lang.Ako lang ang nag-drive sa car ko.Ayoko kasi ng driver dahil matatagalan kami.
Pumasok na ako sa German Style Restaurant at wala silang customer ngayon.Pero bakit?, Araw araw kaya silang open kaya bakit ganun? May mga bulaklak pa dito,mga decorations.Nasaan sina Jamela at Liezel?
"Pasok po kayo at umupo po kayo dun sa magic table",aniya ng isang waitress.Sinunod ko naman siya kaya umupo ako dun.
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Novela Juvenil"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...