Kristy's POV
Niloko nila ako.
Ginawa nila akong tanga.
Ginawang duwag.
Kanina pa ako imiiyak.
Kanina pa ako lugmok na lugmok.
Sana mamatay na lang ako eh.
Para matapos na'to.
Lumabas na ako sa office ni Jamela at pinipigilan kong maiyak.
Nakatingin lahat ng studyante.Nagtatanong siguro sila kung bakit ako nasa loob ng office ni Jamela.
Dumiretso ako sa room namin at gusto kong harapin si Clyde.Gusto ko siyang sampalin kung hanggang saan kaya ko.
Nung nakarating na ako sa room,saktong nag-bell na at meaning,lunchbreak na.
Lumapit ako kay Clyde na nagliligpit nang mga notebooks niya.
"Magtapat ka...",kalma kong sabi.
Tumingin siya sa akin at tumayo.
"Kristy.Andito ka na pala.Kain na tay-".
Sinampal ko siya. Hindi ko na kaya to.Napaiyak na ako!
"Bakit niyo to ginagawa?! Bakit niyo ako sinaktan? Bakit kayo naglihim?!".
Sinuntok suntok ko ang dibdib niya pero hindi niya ako inawat.
"Alam mo na?",tanong niya at hinawakan ang braso ko para patigilin ako.
Nagtitigan kami at tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo.Alam ko na ang kababuyang pinagagagawa niyo ni Liezel!"
"Sinong nagsabi sa'yo?",tanong niya at hinigpitan pa ang kakahawak sa braso ko.
"Bakit? Curious ka? Kasi galing pa sa iba amg sikreto niyo? Bitiwan mo ako!"
Binitawan niya ako.
"Im sorry,Kristy"
"Mahal mo ba siya?",tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Silence means yes,Clyde.Sagutin mo ako.Ma.hal.mo.ba.si.Liezel?"
Hindi parin siya sumagot.
Meaning...
Mahal niya si Liezel?!
Sinuntok suntok ko na naman ang dibdib niya
"Hayop ka Clyde! Hayop ka! Bakit mo ako ginaganito?! Wala naman kasalanan eh!"
Tumulo na ng marahan ang luha ko at di ko napigilang sumigaw.
"AAAAAAHHHHHHH!!!"
Niyakap niya ako para mapatahan ako.
Wala nang magagawa ang yakap niya.
Dahil kapag yakap niya ako...
Parang...
Kayakap ko ang sakit.
Tinulak ko siya kaya at dali-dali akong tumakbo palayo sa kanya.
"Kristy! Teka!"
Ayoko siyang makita...
Ni ayaw ko siyang maamoy...
Ayokong maramdaman ang sakit..
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Fiksi Remaja"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...