Liezel's POV
Nakakainis talaga yang Jamelang yan! Tingnan mo ang ginawa niya sa mukha ko! Ginawa niya akong base ng cake.
Dalawa kaming biniktima niya.Lumapit ako kay Kristy at hinimas himas ang likod niya.Andaming tao na nakapalibot sa amin.Hindi na mapigilan ni Kristy ang pag-iyak.
"Okay lang yan,Kristy",pagtahan ko s kanya.
"Hindi yun ang inaalala ko.Baka kasi sirain niya ang priority ko.Sirain niya ang business namin.Sirain niya lahat",paliwanag niya sa akin.
"Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan si Jamela.Dahil ba dun sa ginawa natin? Pwede niya naman yung kalimutan nalang at ipagsawalang bahala!",paliwanag naman ni Clyde.
"Hindi natin siya masisisi.Tayo naman talaga ang nagsimula. Tayo ang unang nagpasakitsa kanya.Mukhang kailangan na nating mag-sorry",sabi ni Kristy.
"No way! Hinding hindi ko siya patatawaein at hindi ako magso-sorry s kanya.Pagkatapos ng ginawa niyang pagbili sa Underson University? Alam ko na an priority niya at bakit binili niya to.Its all because of us.Tayo.",paliwanag ko sa kanila.Alam kong gusto lang niyang maghiganti.As always naman diba? Pero gusto niya talagang mag-level up.
"Anong gagawin natin?",tanong ni Kristy.
"I dont know",sagot ko at umupona sa kinauupuan ko at uminom ng wine.
***
Kristy's POV
Malapit nang mag-alas diyes kaya kailangan na naming umuwi.Tapos narin kasi ang party.Nakaalis na lahat.Kami nalang ni Clyde at Kristy ang naiwan.Kami kasi ang nagpaiwan talaga kasi gusto naming magpahuli.
"Ang bigat mo talaga,Liezel",sabi ko kay Liezel.Hindi ko pa pala nasasabi na lasing tong dalawa,si Clyde at Liezel.Napasobra kadi ng inom.Marami kasi raw silang problema kaya ganun.
"Nasa'n ba yung kotse mo,Liezel?",tanong ko kay Liezel.
"Nandun sa langit!!!",lasing niyang sagot.
"Tama! Nasa langit ! Wahahaha!!!",sigaw ni Clyde.Ano bang nangyayari sa dalawang to! Naku naman!
Naglalakad parin ako papunta sa arking lot habang yung dalawa naman,nasa likod ko,nagkakatuwaan.
"Ano kayang magiging baby namin ni Kristy?",dinig kong sabi ni Clyde.Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya pero hindi ako huminto sa kakalakad.
"Tinatanong pa ba yan?! Edi tao!!!",sagot naman ni Liezel.Nagtawanan na naman sila.First time ko silang makitang ganyan ouh!
Nakita ko na ang kotse ni Liezel.Kaso...ano to? Dali-dali kong nilapitan ang kotse ni Liezel.
Oh my! Ano to?! Bakit ang baho?! Saka madumi.Andaming balahibo ng birds!
"Liezel! Anong nangyayari dito sa kotse mo?!",tanong ko sa kanya.
"Hahahaha!!! Anong sinasabi nitong kaibigan ko?! Mukha naman siyang timang!!! Wahahaha!!!",sagot niya.Grabeh minura pa ako.hay! Ang hirap kausap kapag lasin ang sinasabihan.Hindi ko nalang yun pinansin total sa labas lang naman ang madumi,mabuti at hindi sa loob.
Pinasok ko na tong dalawa at nakatulog na nung nakapasok na.Nahihiya ako sa magulang nang dalwang to.San ko kaya to ipapa-stay?!
BINABASA MO ANG
Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]
Teen Fiction"REVENGE BA ANG SAPAT NA PARAAN PARA MAGING MASAYA?" Yun bang may naapakan ka nang tao, walang kinatatakutan ni wala kang pinapansing iba kundi sarili mo lang? SELFISH lang for short. Pero mababago ba ng paghihiganti ang lahat? Lahat ng sakit na din...