MNGB 3: Sazzy!

11.4K 309 4
                                    

Kristy's Pic------->

****

Kinuha na namin ni Kristy ang mga kubyertos na nakalapag sa table at kumain narin. Wala kaming magagawa kay Liezel. Ganyan yan lagi eh! Nung minsan nga, may nakaaway yan mismo dito sa fast food chain restaurant dahil sinabihan siya na matakaw. Nagalit siya kahit na totoo naman.

[Flashback]

"Ang sarap talaga nitong Halo-halo nila! Pati Mais con yelo! Ang sarap!" Patuloy na kain ni Liezel.

"Dahan-dahan lang Liezel, baka pati yang buko shell makain mo!" sermon ni Kristy. Wala paring tigil sa kakakain si Liezel. Parang wala siyang narinig. Natabunan ata ng pagkain ang tenga niya.

Makatapos lang ang ilang minuto,nakita namin ni Kristy ang mga grupo ng lalaki na umupo sa tapat lang ng table na kinauupuan namin. Kain parin ng kain si Liezel. Hindi rin niya namalayan na may mga lalaki dahil nakatalikod siya rito.

"Wow! Ang takaw pre oh! Wahaha!" pang-aasar ng isa sa mga lalaki.

"Naku! Miss. Dahan dahan lang ! Nakaka empacho yan!Wahaha!" suporta ng isa pa. Nagtawanan silang lahat.

Kita namin na biglang napatigil sa kanyang pagkain si Liezel. Kumuha siya ng tissue sa mesa at pinunasan ang gilid ng labi niya. Naku! Heto na naman ang sakit niya!

"Miss.Baka ma-baboy ka niyan! Oink! Oink! Oink Wahahaha!"  Laughtrip! Tingnan lang nafin kung makaka-laughtrip pa kayo matapos nito.

Galit na galit na nga si Liezel. Nakakunot ang noo at nakataas ang kilay. Tumayo siya at hinarap ang mga lalaki sa likod niya.

"May problema ba kayo?! Ha?!" sigaw niya. Tumahimik naman ang mga lalaki pero...

"Baboy! Oink!" sabay tayo ng isang lalaking singtaas lang ni Liezel. Siya ata ang leader sa grupo. Naku! Nakakatakot to! Alam niyo na kasi kung paano magalit yan!

Nagulat ang lahat ng nasa fastfood chain restaurant nang biglang sinampal ni Liezel ang lalaking nakatayo. Yung sampal to-the-max! Rinig mo talaga ang sakit ng sampal na pinalabas niya.

"Ooohhh" gulat na ekspresyon ng mga lalaki . Napahawak naman sa kanyang pisngi ang lalaki at ngumingiti-ngiti pa.

"Tarantado ka ah!" sigaw ng lalaking nakatayo habang akmang susugurin si Liezel ng isang suntok. Pero agad itong nahawakan ni Liezel at ginantihan ang lalaki ng upper cut. Napalipad ang lalaki papunta sa table at nagiba ito.

Gulat na gulat ang lahat. Para ka lang nakatingin ng action movie ng 5D. Nasa harapan mo na kasi. Kulang nalang camera man at magmumukha na talaga tong movie.

Bumalik na sa kanyang kinauupuan si Liezel at kumain ulit na parang wala lang nangyari. Tinulungan naman ng mga lalaki yung isang lalaki na naka tikim ng sapak kay Liezel.

Grabe! Pati kami napatulala.Kaya hindi kami naka-awat agad dahil sa bilis ng pangyayari.

[End of Flashback]

Sobrang tahimik namin habang kumakain.Pero agad naman tong binasag ni Kristy.

"Napag-isip isip ko lang..." ,aniya sabay nguya ng fried chicken at nilunok. Nakatingin naman kaming dalawa sa kanya. "Ang tagal na nating magkaibigan pero wala parin tayong tawagan"

Ms. Nerdy Gone Bad | "The Revenge Will Start" [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon